~17~

280 12 2
                                    


SHINE’S POV

Habang tumatakbo ako palayo, iyak pa rin ako ng iyak.

Bakit Jared??? Bakit ngayon mo lang sinabi yun?? Bakit ngayon???

Dahil sa kakaiyak ko, ang labo na ng paningin ko. I can’t see clearly. Blurry na yung dinadaanan ko.

Then suddenly, may nabunggo ako. Napaupo ako at napatakip na lang sa mukha ko at lalo akong umiyak.

“Shine??” boses ng isang lalaki sa harap ko. Siya ata yung nabunggo ko.

Inalis ko yung takip sa mukha ko para makita yung taong tumawag sakin.

And when I saw the guy, it broke my heart into pieces again....

JARED’S POV

“It’s already too late.” at tumakbo siya.

Hindi ako nakareact agad.

Ngayon ko lang narealize na wala na pala siya sa harapan ko..na malayo na pala siya ulit.

Tama naman siya. Bakit kasi ngayon ko lang sinabi?? Parang lumabas tuloy na napakaselfish ko. Na ayaw ko siyang magmove on.

Pero ayaw ko naman talaga siyang magmove on. Mahal ko siya. Mahal na mahal.

Ang tanga ko lang kasi pinakawalan ko siya! AT ngayon huli na.

Ang sakit.

T*ng i**!

Pero ano ba tong ginagawa ko?? Bakit ako nakatanga lang dito??

Tumayo ako at tumakbo. Hahabulin ko si Shine.

Hindi ko siya pwedeng pakawalan na lang.

Kaso, napahinto ako sa pagtakbo ko. Nakita ko si Shine na tinutulungan ng lalaking makatayo. Medyo malapit na ko sa kanila pero hindi nila ako nakikita kasi nakatalikod sila sakin.

Anong nangyari? Bakit tinutulungan nung lalaki makatayo si Shine??

Magkaharap na si Shine at yung lalaki. Nakasideview na sila sakin. Nakayuko lang si Shine. Then tiningala nung lalaki yung mukha ni Shine... At pinunasan yung luha ni SHine.

“Wag ka ng umiyak Shine.” sabi nung lalaki.“Kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo.” dagdag pa nung lalaki.

Bakit parang sumisikip yung dibdib ko?? Bakit parang ang sakit makitang may iba ng nagpupunas ng luha ni SHine??

Kaso parang mas lalong sinaksak yung puso ko ng marinig ko yung sinabi nung lalaki.

“Kelangan na daw nating planuhin yung kasal NATIN.”

(A/N: Anyareeee?? Sinetch itey na lalaki?? Kasal NILA? NILA?? Waaahhh.. Icomment mo na yung guess mo :) Malay mo, yung hula mo yung isulat ko dito. Dali dali dalii. Abangan natin kung ano mangyayari.... :D )

The FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon