~16~

419 10 0
                                    


SHINE’S POV

For the first time, nakita kong umiyak si Jared. And it’s killing me.

I can’t pretend to myself that I don’t care. Pero kelangan kong tiisin.

Gusto kong lapitan si Jared. Gusto ko siyang yakapin.

Tumalikod siya sakin then he walks away while silently crying.

Pero bago pa siya makalabas ng pinto, di ko na napigilan sarili ko at niyakap ko siya mula sa likod.

Bakit ganito?? Bakit ba hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin yung taong to kahit ilang beses na niya kong sinaktan?? Martyr? Tanga? Manhid??

Bahala na kayo kung ano yung gusto niyong itawag sakin. Basta isa lang naman ang alam ko eh.

Hinding hindi ko kayang makitang umiiyak si Jared.

Doble, triple at higit pa nga yung nararamdaman ko ngayong nakikita ko siyang ganyan.

Hindi naman pumalag si Jared when I hugged him. Instead, hinawakan niya yung kamay ko na nakapulupot sa kanya.

I leaned my head on his back. Tumutulo na rin yung luha sa mata ko.

“Shine..” sambit ni Jared. Haharap na sana siya sakin pero lalo ko pang hinigpitan yung yakap ko sa kanya.

“Wag. Wag kang haharap.” sabi ko habang pinipigilan kong humikbi. “Hindi ko kayang makita kang ganyan Jared. Ayoko. Ayokong nakikita kang umiiyak. Ayoko. Nasasaktan ako.”

Huminga naman siya ng malalim.

Nagsalita ako. “Sabihin mo lang kung okay ka na. Papakawalan na kita.” sabi ko.

Then bigla naman niyang hinawakan ng mahigpit yung kamay ko na nakayakap sa kanya. “No. Don’t. Please.” sambit niya habang bawat salita ay may halong takot at sakit, at may pagmamakaawa sa boses niya.

“Okay, I won’t.” sagot ko na lang.

***

Andito kami ngayon sa Tinkerbell place ko. Sitting quietly. Kalmado na si Jared.

Nakaupo kami sa favorite spot ko, malapit sa fountain.

“I was shocked from what happened yesterday. Parang hindi ikaw yung humarap samin.” mahina niyang sabi. Hindi siya nakatingin sakin, nakayuko lang siya.

I half smile. “I know. It’s not the Shine that you’re used to.”

Tumingin siya sakin. “Wag mong hayaang mamuo yung galit sa puso mo. Wag mo kong gayahin, galit yung namuo sa puso ko simula nung malaman kong nagtaksil si mommy.”

“Kaya ba hindi na kaya magmahal ng puso mo dahil puno na ng galit yun??” tanong ko.

Napayuko siya. Hindi lang siya sumagot.

Inangat ko yung chin niya para tumingin siya sakin then I smiled. “Walang space para sa galit yung puso ko.” sabi ko.

Para naman siyang nagulat. “Eh ano yung kahapon??”

“Hindi naman ako galit. I just pretended. Alam mo na kung bakit.” sagot ko.

“Para pigilan yung kasal??” tanong niya.

Tumango ako. “Yun lang yung naiisip kong paraan para mapigilan yung kasal. Alam ko nasobrahan ako kahapon, masasakit yung nabitawan kong salita lalong lalo na kay Dada. Pero hindi ko naman ginustong humantong sa ganon. Nasaktan lang ako, pero hindi ko kayang magalit kela Mima, lalong lalo naman kay Dada.” napatingin ako sa may puno sa harapan namin. “Matagal ko naman ng alam yun eh. Yung about kay Kuya Jeff, yung kung sino talaga yung ama niya. Nung nalaman mo yun, way back when we were kids, nandun din ako nung narinig mong nag-aaway si Tito Ed at Tita Jane. Narinig ko din lahat yun.”

The FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon