SHINE’S POV
Nakarating na kami sa bahay ng Daddy ko, yung totoong Daddy ko.
“Oh Shine, why are you late? You should have come back yesterday. You didn’t answer my calls. What happened?” sunud-sunod na tanong ni Daddy.
“I’m sorry. Marami lang po akong inayos.”
“Okay. Mamaya magdidinner tayo with Marco’s family.”
Si Marco yung lalaking nakabunggo ko kanina. Siya rin naghatid sakin dito. And if you can remember, siya yung nakalaban ni Jared sa basketball, yung sinuntok ni Jared na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam yung reason. Remember him na???
Tumango na lang ako at umakyat na sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, bumungad sakin si Marco. Tama, nasa kwarto ko siya.
“Hindi ba nahalata ng Daddy mo na nandito ako??” tanong niya.
“Hindi naman ata.”
Umupo na ko sa kama ko. He’s just staring at me.
“Bakit? May sasabihin ka?” I asked coldly.
“Okay ka lang ba??” tanong niya.
Napabuntong hininga na lang ako.
“No. I’m not.” sagot ko.
Umupo din siya sa kama ko pero medyo malayo sakin.
“I’m sorry Shine if I can’t do anything.” sabi niya.
“No, nothing is your fault. I’m doing this because I want to help you.” sagot ko.
“I still feel sorry for you.”
Napangiti na lang ako. Malungkot na ngiti. Hindi ko alam kung bakit kelangan mangyari sakin to, sa amin. Ngayong tinitingnan ko si Marco, I can’t stop feeling sorry for him too. Pareho lang kami. Pareho kami ng pinagdadaanan.
“Salamat Marco. Salamat kasi kahit papaano alam kong may taong nakakaintindi sakin, sa pinagdadaanan ko.”
“Ako ang dapat magpasalamat Shine, kasi tinutulungan mo ko.”
Napangiti ako. “So ano, yung plano ha?”
He smiled. “Of course.”
***
At exactly 8pm, we arrive at the resturant.
Andun na sila Marco.
Napangiti ako nung makita ko siya. Nakasuit siya. Formal. He really looks good.
Palapit na kami sa kanila nang bumulong sakin si Dad. “I don’t know why you look like that, I can’t still think that it’s fashion.”
“Relax Dad. I told you, I’m trying to impress the family of the guy whom I will marry lalo na’t this is the first I will meet them, especially the guy you’re talking about.” Oh my gosh, I’m really a liar.
Napangiti na lang ako at umupo na kami. Para namang gulat na gulat yung magulang ni Marco ng makita ako. Bakit??? Eh kasi naman, nakasuot ako ng long sleeves at mahabang palda hanggang paa at nakalugay yung buhok ko na plinantsa ko pa ng todo para mastraight ng wagas kasi di naman straight na straight talaga yung buhok ko, may pagkakulot kasi.
“Is this Shine??” tanong nung mommy ni Marco.
Napatango na lang si Dad.
“She looks different from what you describe. He-he-he.” pekeng ngiti nung mommy ni Marco.

BINABASA MO ANG
The Fiancee
Teen FictionPano ka ba makakasigurado sa future mo? Kapag nakaplano na ang lahat? Paano kung yung ineexpect mo ay hindi nangyari? Yung matagal ng nakaplano, hindi natupad? Paano kung nagbago na ang lahat?