~15~

323 10 2
                                    

JARED'S POV

I woke up early, or should I say, hindi naman talaga ako nakatulog.

Ang dami kong iniisip.

Si mommy na akala ko matagal ng patay.

Si Tito Henry na akala ko mabuting ama.

At higit sa lahat, si Shine na nagbago na.

Today, supposedly, is our wedding. And also, today is Shine's 18th birthday. Sinadya talagang isabay yung wedding namin at yung debut ni Shine. Kaso hindi naman tuloy.

Hindi ko alam kung nasan si Shine. Hindi siya umuwi sa bahay nila. Baka nakatira siya sa bahay ng totoo niyang Daddy.

Kinuha ko yung maliit na box sa drawer ko.

I opened it.

Ngayon ko dapat ibibigay kay Shine to, ngayong araw na to.

This is not a ring.

This is a silver necklace, with a heart shaped pendant and Tinkerbell inside the heart.

(See picture on the right side ----->>

Matagal na tong nasa akin. Siguro 4 years ago. Hindi ko lang maibigay sa kanya. Ewan ko nga kung bakit eh. Mahirap lang talaga kasing mag-express ng feelings. Pero ngayon talaga nakatakda tong ibigay sa kanya, as a gift on her 18th birthday.

Binalik ko yung necklace sa box. I should give it to her no matter what.

Naligo lang ako, nagbihis at lumabas na ng bahay. Di na ko nag-almusal pa. Di ko rin nakita sa bahay si Dad, baka nakakulong sa kwarto niya.

Nagdrive agad ako. Sana andun si Shine. Sana andun siya sa Tinkerbell place niya.

Nakarating ako sa place na yun.

Kaso wala siya. Wala akong Shine na nakita.

Asan kaya siya?? Bakit parang ngayon, after 3months, biglang wala na kong alam kay Shine?

Dati alam lagi kung asan siya, kung ano ginagawa niya, kung ano yung pakiramdam niya, kung may sakit ba siya. Lahat. Lahat alam ko.

Ngayon hindi na.

Ngayong hindi na sakin umiikot yung mundo niya.

Ngayong hindi ko na siya Fiancee.

Sana kaya kong ibalik yung oras. Sana pwede yun.

Sana maibalik ko yung oras kung saan nasa bar kami, kasama si Shara.. Shara??

Tama si Shaira nga! I quickly dialed Shaira's phone at sumagot naman siya agad.

"Hello?"

"Sha.."

"Oh Jared napatawag ka? May problema ba?"

"Nakauwi na si Shine.."

"Talaga? Tuloy ba yung kasal??"

"Hindi. Hindi ko rin alam kung nasan siya. Maraming nangyari kagabi eh. May idea ka ba kung saan siya pwedeng pumunta??"

"Hmm.. Hmmm.. Baka dun sa classmate niya na bestfriend niya. Lagi niya din kasing nababanggit sakin yun eh. I forgot the name."

"Bestfriend?? Oh right! Si Gemma!"

"Ay yun nga, Gemma nga yung name."

"Okay. Thanks Sha.."

"No prob. Yun lang naman ang kaya kong gawin. Sige hanapin mo na siya. Bye."

At binaba na niya.

I browsed my contacts at buti naman may nakasave siyang number dahil minsan ginagamit ni Shine yung phone ni Gemma pag naiiwan niya yung phone niya.

I quickly called the number at agad namang may sumagot.

"Hello??"

"Gemma?"

"Yes speaking. Sino to?"

"Gemma, si Jared to."

Bigla namang nagbago yung tono ng boses niya. "Jaaared?? Ah... Ba. Bakit?"

"Itatanong ko lang kung nanjan si Shine sa inyo? O kung kasama mo siya?"

"Ha?? Si Shine? Ano. Wala eh."

"Gemma, please. I know kasama mo siya o kaya alam mo kung nasan siya. It is obvious in your voice. Please help me. I need to see her."

"Wala talaga siya dito. I'm sorry. Sige bye." nagmamadali niyang sabi at agad naman niyang binaba yung phone.

Fvck!!!! Saan ba kita makikita Shine????

Maya maya nakareceive ako ng text.

From: GEMMA

[Can't talk to you right now, she's in front of me at ayaw niyang ipaalam. If you really want to see her, punta ka na lang dito. I'm also worried. #48 Caras Village.]

Oh God! Thanks!!

I replied. "Thank you so much."

At agad akong pumunta dun.

***

Nag doorbell ako, agad naman akong pinagbuksan ni Gemma.Siguro kanina pa niya ko inaantay.

"Asan siya?" tanong ko.

"Sa kusina. Di niya alam na nandito ka." sagot niya. "To be clear, I'm not helping you ha. I'm helping my bestfriend, parang ibang iba na siya eh." dagdag niya.

"I know." sagot ko. Pumunta kami sa kusina.

I saw her, nakatalikod siya samin may ginagawa siya, inopen niya yung oven. May kinuha siya, "Happy birthday to me." sabi niya ng medyo mahina. At humarap samin hawak hawak yung cake.

o.O

Nagulat siya. "What are you doing here??" tanong niya at nilagay niya yung cake sa table.

"Happy birthday." bati ko sa kanya.

She looked away. "Gemma, ba't mo siya pinapasok?" tanong niya.

"Ah. Hindi ah. Nagpumilit eh. Ge dun muna ko sa taas." at agad umalis si Gemma.

"Shine..."

"Ano bang kelangan mo??" tanong niya.

"Ikaw." sagot ko.

She bite her lips at hindi makatingin sakin.

"Don't suppress your smile." nakangiti kong sabi.

"Hindi ko pinipigilan yung ngiti ko." suplada niyang sagot.

"Okay." sagot ko.

Kinuha ko yung box sa bulsa ko at nilapag sa table. "Happy birthday Shine."

Napatingin siya sa box then sakin. Parang may lungkot sa mata niya. Tinatago niya yung lungkot by pretending she's strong. But she can't hide that well to me.

Di siya nagsalita. And I can feel awkwardness. Kaya nagsalita na ko.

"Sige alis na ko. Yun lang naman talaga yung pinunta ko. Take care of yourself." at tumalikod na ko.

Kaso di pa ko nakakahakbang, nagsalita siya. "Tita Jane really wants to see you."

Biglang may kumirot sa puso ko. Yung galit na nararamdaman ko sa mommy ko, hindi ko alam kung may natira pa sa puso ko. Gusto ko ring makita siya. Kaso natatakot ako.

"Alam niya naman ang address ng bahay namin, hindi naman kami lumipat." sagot ko.

"She wants to visit you, but she can't." sagot ni Shine. Nakatalikod pa rin ako.

"Then it's her problem." sagot ko. At humakbang na ko pero nagsalita ulit si Shine.

"Maybe. Problema niya nga yun. Problema niya nga kung hindi niya kayang pumunta dito at bisitahin ka. Problema niya nga kung may sakit siya at nagbibilang na lang ng buwan or araw na lang siguro. Hindi mo naman problema yun diba??"

That broke my heart. Napaharap ako sa kanya. "Sakit??" tanong ko.

Napansin kong namumuo na pala yung luha sa mata ni Shine. Tumango siya.

Namalayan ko na lang na may tumutulo na palang luha sa mata ko.

The FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon