Bandang alas syete ng hapon.Nag uusap sa telepono ang magkaibigan.Nasa tapat ng book store na tinatawag na NorthBrook ang isa at ang isa naman ay nasa kanyang silid.
"Hello? Nakabili ka na ba ng libro tungkol sa Statue of Kasandra?" Sabi ng isang babae na nasa kanyang silid.
"Oo, sa wakas at nagkaroon din ako nito, excited na akong umuwi para basahin to." Sabi naman ng babae na nasa book store.
"Mag iingat ka ha kasi...."
"Anong ibig mong sabihin?" Ngunit biglang di na nagsasalita ang kanyang kausap sa kabilang linya.
"Hello? Nina ... Hello?!" Ulit na sabi nito ngunit bigla na lamang syang nakarinig ng isang matinding hiyaw sa kabilang linya.
"HELLO!!!!!!!!!!"
.....
CHAPTER 1
Sa isang malaki at sikat na Book Shop na may business name na Northbrook Library Cafe sa Maynila.
Pinagkakaguluhan ng mga tao ang librong may pamagat na "Statue of Kasandra"
Nag kakaubusan na ng stocked sa lahat ng book store at sa malaking book shop na iyon lamang may bagong dating kung kaya't nag uunahan ang mga tao na makabili nito.
Samantala ...
isang estudyante na nangangalang Sephira ang nagmamadali maglakad patungo sa North Brook Cafe, balita nya na may mga bagong librong 'Statue of Kasandra' na mabibili sa book shop na iyon.
Nakita nyang marami ang nagpapasukan at naglalabasan.
"Sana may mabili pa ako." Nangangambang sabi ni Sephira habang nagmamadaling maglakad papalapit sa entrance door ng Book shop.
Pagpasok nya sa loob ay mahaba ang pila ng mga tao at bawat isa ay may hawak na libro ng 'Statue of Kasandra."
Napatingin si Sephira sa harapan na shelves kung saan nakalagay ang mga librong iyon ngunit wala na itong laman. Nagtanong sya sa sales lady.
"Ms. Meron pa ba kayong librong "Statue of Kasandra?"
"Sorry miss, nahuli ka na, kakaubos lang." Sabi ng sales lady.
Dismayadong lumabas ng book shop si Sephira at nalungkot sya nang nakita nya ang mga taong nakabili na.
"Buti pa sila, hay sayang." Sabi nya sa kanyang sarili.
Malungkot na umuwi ng dorm si Sephira, kung saan sya nakatira.
Nasa probinsya ang kaniyang pamilya. 2nd year college si Sephira na nag aaral sa Maynila.
...Pagdating nya sa kanyang silid ay napadungaw sya ng bintana.
"Bakit ba ako namimisteryosohan sa libro na iyon? Kung sabagay hindi lang ako, madaming tao, gusto kong mabasa iyon, at may isa pang nakaka misteryoso kung bakit ito pinag kakaguluhan ng mga tao iyon ay yung......." Habang nag mumuni muni si Sephira ay biglang may kumalabit sa kanya, na interupt ang kanyang diwa.
"Hi girl nandyan ka na pala?" Sabi ng ka room mate nya na si Diane.
"Ay! Girl nakakagulat ka naman, kadarating ko rin lang." Sabi ni Sephira.
"Saan ka ba nagpunta?"
"Sa North Brook Cafe."
"Ah alam ko na, gusto mo ding makabili ng libro tungkol sa Statue of Kasandra ano? Nakabili ka ba?"
"Oo! Pero di ako nakabili, naubusan agad ako hays!" Dismayadong sabi naman ni Sephira.
"Alam mo, wala kasi akong hilig magbasa ng libro eh, pero this time parang gusto kong basahin yun, kaso wala na nga daw mabilhan." Wika ni Diane.
"Mag papa-published daw ulit ng panibago, abangan na lang natin." Ani Sephira.
"Ano ba kasi meron sa libro na yon at pinag kakaguluhan, pati tuloy ako gusto kong bumili eh!" Saad ni Diane.
"Sabi kasi totoo daw yun nangyari eh,"
"So, based on true story?"
"Oo, at sabi nung mga nakapag basa na, napakaganda daw ng storya nito kahit nakakatakot, at maganda ulit ulitin basahin, at nakakakilig daw yung love story."
"Talaga, ano kaya storya nun?"
"Yun nga ang dahilan kaya gusto ko ng basahin kaso wala ng mabilhan kahit saan, akala ko nga kanina makakabili na ako eh, pinag ipunan ko pa naman."
Maya maya, ay dumating ang isa pa nilang ka room mate na si Melanie.
"Hi Girls! May balita ako sa inyo!" Masiglang bungad nito habang hawak ang isang dyaryo.
"Ano yon?" Sabi ni Diane.
"Basahin nyo itong frontpage?"
Tiningnan ng dalawa ang dala nitong dyaryo na may Frontpage na nakasulat na.
The Mystery behind the 'Statue of Kasandra".
Binasa nila ito at nakasaad sa dyaryo na maraming tao pa ang naghahangad na makabili ng librong ito ngunit wala ng mabibili kahit saan, at pinapakalat na din ang librong ito sa iba't ibang bansa kaya nag kakaubusan na ng stocks. Nakasaad din sa dyaryo na hindi lamang ang kuwento ang kinababaliwan ng mga tao kundi ang Author nito na may pen name na "Thunderstruck' nakalarawan ang author nito sa likod ng libro ngunit may shadow ang ibang parte ng mukha nito at ang kanang mata lamang ang nakalabas, at ang lahat ay nabibighani sa taglay na ganda ng mata nito. Kahit sino ang tumingin ay talagang maaakit sa mata nito. Kaya lahat ng nagbabasa ng libro ay nakakaramdam ng akit sa kuwento at sa author, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakilala ang author na si Thunderstruck.
"My gosh! Sino kaya si Thunderstruck?" Bulalas ni Diane matapos nya ito basahin.
"Alam nyo ba nakita ko na ang librong yan, nakabili ng kopya yung kaklase ko." Sabi ni Melanie.
"Talaga?"
"Oo, at alam nyo ba, nung nakita ko yung picture ng author sa libro ay may naramdaman akong akit sa kanya na di ko maintindihan, parang nung nakita ko yung mata nya parang ayaw ko ng bitawan ang libro at gusto ko na itong angkinin, parang hi nahatak nya ako na mapalapit sa kanya! Kaya lang ayaw ipahiram ng kaklase ko kaya naghanap ako ng mabibilan nun kaso wala na kong makita hmp!" dismayadong Sabi ni Melanie.
Habang sinasabi ito ni Melanie ay naisip ni Sephira na ganon din ang kanyang naramdaman nang nakita nya ito sa book shop nung bago pa lamang ito, wala kasi syang pera nung oras na nakita nya ang librong ito sa book shop kaya di sya nakabili, kaya nag ipon pa sya, ngunit nung nakaipon sya ay wala ng mabilhan ng libro.
"Oi Sephira bakit natahimik ka?" Sabi ni Melanie sa kanya.
"Ah eh, wala may naisip lang ako, ganyang ganyan din ang naramdaman ko nung nakita ko ang libro na yan eh, kayalang wala kasi akong pera nung time na nakita ko sa book shop."
"Sayang naman, available oa nu g tine na yun. Sa mga sinasabi ninyo at sa nabasa ko sa dyaryo, gusto ko na din talaga bumili kahit wala akong hilig sa libro," Sabi ni Diane.
"Sana magkaroon na ulit, kaso inuuna pa nila sa ibang bansa eh!"
Habang nag tsitsikahan sila Melanie at Diane ay nakatahimik lamang si Sephira at naaalala nya nang nakita nya dati ang libro, mula nang nakita nya ang librong iyon ay inaasam na nyang magkaroon sya ng sarili nya nito, naalala nya ang maamong mata ng author na si Thunderstruck, at nakakaramdam si Sephira ng pagkasabik na makita itong muli kahit sa libro lamang.
"Sino kaya si Thunderstruck?" Sabi ni Sephira sa kanyang loob.
...
Please don't forget to follow me and vote, especially leave a comment po para ganahan po ako lagi mag update , thanks so much! God bless us all ... 😘😊😃
Thank you!
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'
HorrorSephira, Thunderstruck at Leandro Montreal. The love triangle. Papano na si Beatrice? Mas malagim at mas mapusok po ito...enter at your own risk! Thank You! This is my original story. Plagiarism is a Crime!