Pagdating nila ng parking lot, agad na inalis ni Travis ang kanilang helmet at agad rin sinuot ang kanyang walang gradong salamin.
Inalalayan agad ni Travis si Sephira upang makababa ng motor nito. At habang inaalalayan, Di pa rin maalis ang pagtingin niya kay Travis. Lalo itong gumuwapo sa magara nitong kasuotan. Bakas ang matipuno nitong pangangatawan kahit naka long sleeve ito.Hinawakan ni Travis ang kamay ni Sephira papasok sa loob ng lobby ng building. Nakaramdam si Sephira ng pagkahiya dahil sobrang glamorosa ang lugar at ang mga taong naroon. "Anong lugar ito? Ano gagawin natin dito?" Wika ni Sephira. "Just follow me," nakangiting tugon ni Travis. "Pero, sobrang sosyal dito, di ako bagay," mahiya hiyang wika nya. "You are beautiful, don't be shy," sagot ni Travis.
Ngumiti na lamang si Sephira at kanyang ginala ang mga mata sa kapaligiran. At laking mangha nang nakita nya ang isang malaking billboard. "Leandro Montreal Art Exhibit" nakalarawan doon si Leandro.
"Nandito tayo sa Art Exhibit ni Leandro Montreal?" Di makapaniwalang sambit ni Sephira.
"Nasorpresa ka ba?"
"Di ko akalain na makakapunta ako dito!" Bulalas na sabi ni Sephira.
May mga desenteng mga kababaihan at mga kalalakihan ang naka helera sa may harapan ng malaking function room, namimigay ng mga magazine tungkol sa mga obra ni Leandro."Welcome to Leandro Montreal art exhibit!" Sabi ng mga ito at binigyan sila ng magazine.
Napapalingon sa kanila lalo na kay Travis ang mga taong nakapila doon. Ang iba ay nagbubulung bulungan. 'Masyadong guwapo yung lalaki na yun para sa babae na yun," bulong ng isa sa mga namimigay ng magazine. "Oo nga, ang lucky naman ng girl na yun, sana all!" sambit naman ng isa.
"Makikita ba natin si Leandro Montreal?"
"Of course!"
"Yes! Leandro makikita na kita!" Biglang sambit ni Sephira, sumasanib ang katauhan ni Kasandra sa kanya. 'I know how you feel you are a fan of him, right?" nakangiting sabi ni Travis.
Di agad makasagot sa tanong na iyon ni Travis. "Ano ba to bakit sumagi na naman sa aking isipan ang Leandro na yun, oo kahit sino hahanga sa kanya, pero bakit iba pakiramdam ko? Ano ba nangyayari sa akin?" Nagtatakang tanong pa din ni Sephira sa kanyang sarili. 'Are you okay?"
Napakunot noong tanong ni Travis. "Oh, yes I'm okay!"Pagpasok nila sa loob ay napapatingin ang mga tao sa kanila ni Travis.
"Look at him, he looks so attractive!" Sabi ng isang guest na babae.
"Nakatingin mga tao sayo Travis," wika ni Sephira.
"Baka naman sayo hindi sa akin?" Sabi naman nya.
"Ikaw naman obvious na sayo nga sila nakatingin eh, what if alisin mo na yang eyeglasses mo, sobrang noticeable kapag suot mo pa yan," biro niya.
"No, wala akong makikita kapag inalis ko to, sobrang labo ng mga mata ko, and besides I love wearing this all the time," tugon naman nito, kahit hindi naman ito totoo, kasing linaw ng mga mata ng agila ang kanyang mga mata.
Maya maya ay nilapitan sila ni Enomis at Rupert nang sila ay nakita.
"Hi Travis!" Bati ni Enomis, di nya pinahalata na ama nya ito.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'
HorrorSephira, Thunderstruck at Leandro Montreal. The love triangle. Papano na si Beatrice? Mas malagim at mas mapusok po ito...enter at your own risk! Thank You! This is my original story. Plagiarism is a Crime!