"Anong ibig mong sabihin?"
Nagtatakang Tanong ni Romano.
Napangiti si Valentino at sinabing.
"Babata ka ng mas bata pa sa iyong mga anak, at magiging makisig ka ng walang katulad, ikaw lamang ang magtataglay ng ganoong klase na kagandahan at tatamasahin mo ito kapag nagamit mo na ang pinaka huling talutot, ingatan na hindi ito mawawala sayo."
Hindi sila makapaniwala sa kanilang narinig.
"Pero bakit hindi mo ito gamitin sa inyong sarili?" Curious na Tanong ni Jayden.
"Wala akong dahilan para gamitin ko ang benditas, para kay Romano ito kaya binigay ko sa kanya, malaki ang utang na loob ko sa inyong ama."
"Maraming salamat, ngunit ang maging magaling na ako ay sapat na sa akin, hindi ko na kinakailangang maging bata at gumandang lalaki." Sabi naman ni Romano.
"Ngunit kasama yan sa hiwaga ng benditas na yan." Pagmamalaking sabi ni Valentino.
"Totoo ba talaga ang sinasabi mo?" Di pa din makapaniwalang tanong ni Romano.
"Hahaha! Malalaman mo yan sa iyong paggising!" Nakangiting sabi ni Valentino at nagkatinginan ang mag-aama na may halong pagka interesado.
"May ibibigay ako sayo na isang libro." Sabi ni Valentino kay Romano.
At binigay ni Valentino ang libro, ngunit hindi iyon ang original na diary, kinopya lamang nya ito, ngunit hindi nya isinulat ang lihim kung saan at papano makukuha ng ligtas ang kambal na bulaklak. Nais ni Valentino na si Romano na ang huling gagamit ng benditas, gusto nyang gawing isang libro ang storya ng statwa ni Kasandra kung papano ito nag mula at ang pag iibigan nila Leandro at Beatrice, at alam nyang magaling na author si Romano at maisusulat nya ito ng may akit sa mga tao.
"Ano ito?" Tanong ni Romano.
"Mayroon isang magandang storya ng pag-ibig ang nakasulat sa librong iyan at ang tungkol sa nakakakilabot na statwa ni Kasandra."
"Hmn....isusulat ko yan bilang ghost writer mo?" Tanong ni Romano.
"Hindi, nais kong isulat mo yan bilang ikaw, ngunit hindi mo kailangang sabihin na ikaw si Romano dahil ang pagkaka alam na ng mga tao ngayon ay wala ka na, magtataka ang lahat ng tao kapag nakitang nabuhay ka at bumata ka at nagbago ng anyo,."
"Totoo bang magbabago ang anyo ng Daddy?" Di pa rin maniwalang tanong ni Enomis.
"At totoo bang babata sya keysa sa amin?" Sabi naman ni Jayden.
"Oo! Totoo yan!"
"Ngunit bakit mo gustong isulat ko ito? Pwede namang ghost writer lang ako gaya ng ginagawa natin dati?" Nagtatakang tanong ni Romano.
"Binibigay ko na sayo ang akda na yan Romano, ikaw na ang bahala dyan, gagawa ka ng bago mong pangalan sa larangan ng pagsusulat, at huwag mo akong alalahanin."
Nung gabing iyon ay nagpaalam na si Valentino, yung susunod na araw na ang flight nya papuntang France at doon na sya maninirahan kasama ng pamilya.
"Hanggang sa muli Romano, at kung may problema ka ay tawagan mo lamang ako, ito ang aking number sa France." Sabi ni Valentino habang iniabot ang kanyang calling card.
"Makaka asa ka, at maraming maraming salamat isa kang tunay na kaibigan."
Nginitian sya ni Valentino at nag palaamanan na sila.
At nang naiwan ang mag aama ay nag usap-usap sila.
"Isusulat mo pa rin ba ang storya na yan Daddy?" Tanong ni Jayden.
"Oo, interesado ako sa akda na to,"
"Kailangan mo baguhin ang iyong pangalan Daddy,"
"Tama, kailangan ko gumamit ng ibang pangalan. Hmn? Ano kaya ang pangalan na aking gagamitin kapag ilalabas ko na ang libro hmn?" Nag iisip na sabi ni Romano.
At sila ay nag isip.
"Ah! Alam ko na Daddy, kailangan mong gumamit ng Pen name!" Sabi ni Jayden.
"Hmn? Tama, ano kayang magandang pen name?"
At sila ay nag isip.......at biglang may naisip si Enomis.
"Thunderstruck!" Sabi ni Enomis.
"Hmn! Mukhang ok yan, sige pag nasulat ko ang libro ay yan ang aking gagamitin."
"Ayos!" Nakangiting sabi naman ni Jayden.
"Magtatayo ako ng sarili nating publishing house!" Sabi ni Romano.
Nagkatinginan ang magkapatid sa kanyang sinabi.
"Pero Daddy, naubos na ang pera natin sa pagpapagamot sa inyo." Sambit ni Jayden.
"Ha?"
"Oo Daddy, sa dalawang taon na pabalik balik kayo sa ospital naubos lahat ng ipon nyo." Sabi ni Enomis.
"Itong bahay na lang ang tanging natitira Daddy." wika ni Jayden.
"Kung gayon ay Ibebenta ko ang bahay na ito para makapagpatayo ng publishing house, para di na tayo mahirapan lumapit sa mga publishers at wala ng magtatanong sa atin."
"Sigurado ka Daddy?."
"Oo, sigurado na ako,"
"Hmm, excited na ako, ano kaya magiging itsura nyo sa pag gising nyo bukas? Totoo kaya yun?" Excited na sabi ni Enomis.
"Malalaman natin yan bukas! magsitulog na tayo." At masaya silang nagtungo sa kani kanilang mga silid.
Nung gabing iyon ay di makatulog ang magkapatid, di sila makapaniwala na buhay na buhay ang kanilang ama, pumunta si Jaden sa silid ni Emomis..
"Kanina lang akala ko ay wala na ang Daddy, para akong nananaginip."
"Manalangin tayo at magpasalamat." Sabi ni Enomis at sila ay nanalangin.
.....Sumunod na araw ay excited sila sa kanilang pag gising at pinuntahan nila agad ang silid ng kanilang ama.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'
HorrorSephira, Thunderstruck at Leandro Montreal. The love triangle. Papano na si Beatrice? Mas malagim at mas mapusok po ito...enter at your own risk! Thank You! This is my original story. Plagiarism is a Crime!