Samantala nung gabi ring iyon.
Nag iisa lamang si Sephira sa room ng dorm nila, umattend ng birthday party ang dalawa nyang kasama. Di sya sumama dahil hindi sya kilala ng may birthday.Pinapatuyo ni Sephira ang nabasang libro sa tapat ng electric fan.
"Nakakabitin naman to, nakakainis kasi bakit di pa tumatawag yung lakaking may kasalanan nito hmp!" Badtrip na sabi ni Sephira at kanyang kinuha ang kanyang cellphone, gusto nyang tawagan si Travis ngunit parang nahihiya sya kaya nag dadalawang isip syang tawagan ito.
"Pero bakit ako mahihiya, sya ang may kasalanan! Bahala na!" Sabi ni Sephira
at ida dial na dapat nya ang number nang biglang nag ring ang cell phone nya.
Nakita nyang si Maddie ang tumatawag, kaklase nya sa kanyang major subject."Hello Madie?" Sabi ni Sephira habang kausap ang kaklase sa kabilang linya.
~Sephira, pumunta ka naman dito sa Indigo Bar, gimik tayo?"
"Biglaan naman yan?"
~Pasensya na, nagkayayaan lang na gumimik, kasi may promo ngayon, walang entrance fee ang girls, at isa pa malapit na magbakasyon, kaya nagyaya mga klasmeyt mag hangout, halika na dito."
"Eh saan nga ba yan?"
~ Indigo Bar."
"Ok magbibihis na ako."
~ Hintayin ka namin ha!"
Matapos makipag usap sa celphone ay nagpasya si Sephira na pumunta sa Bar.
"Pupunta ako, tutal wala rin naman sila Diane, buti na lang libre ang mga ladies sa bar na yon ngayong gabi!" Sabi nya sa kanyang loob at nagtungo sa banyo at mabilis na naligo.....
Nagsuot sya ng shorts na bumagay sa magandang hugis ng kanyang legs. at sleeveless na puti, at may heels na sandals at jacket na white.
Nilugay nya ang kanyang straight na mahabang buhok.
Nag make up sya ng kaunti.
Bago sya umalis ay tinago nya ang libro sa ilalim ng kanyang unan na medyo tuyo na.
"Hmn kelan kaya tatawag ang lalaki na yun, at the same time gusto ko ulit sya makita." Sabi ni Sephira sa kanyang loob habang nananalamin.
Nagkibit balikat na lamang sya at kinuha ang kanyang shoulder bag at lumabas ng dorm.
Naglakad sya hanggang kanto at nag abang sumakay ng jeep, hanggang nakarating sya sa venue kung saan sina Maddie.
Pagbaba nya sa kanto ng kanyang pupuntahan ay naglakad sya patungo sa iNdigo bar.
Sa kanyang paglalakad ay tinawagan nya si Maddie.
Samantala ....... sa loob ng Indigo ng bar.
Masayang nagkakasiyahan sila Maddie kasama pa ng iba nilang kaklase na babae.
"Darating ba si Sephira ngayon?" Tanong ni Aileen.
"Sabi nya pupunta sya baka on the way na yun!" Sabi naman ni Maddie.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'
HorrorSephira, Thunderstruck at Leandro Montreal. The love triangle. Papano na si Beatrice? Mas malagim at mas mapusok po ito...enter at your own risk! Thank You! This is my original story. Plagiarism is a Crime!