At nang kanyang natitigan ang libro ay binitawan na nya agad ito. Kanyang binaliktad at nilagay sa ilalim ng unan.
"Buti na lang at mala anghel ang mata ng author, nakakawala ng takot," sambit nya at sya ay nahiga, inisip na lang nya si Travis.Makalipas ang ilang sandali.
Bigla na lamang humangin sa loob ng silid, at doon ay nakaramdam ulit ng takot si Sephira.
"Bakit humahangin? Nakasara naman ang mga bintana?"
Lumabas ito ng silid upang magtungo ng banyo.
Sa kanyang pag bukas ng pinto ay may nakita syang babaeng nakaputi na dumaan. Lumingon ang babae.
"Ahhhh!" napahiyaw sa takot na sabi ni Sephira.
"Sephira, bakit gising ka pa?" Sabi ni Linda, naka suot ito ng mahabang pantulog na puti.
"Kayo lang po pala yan tyang, akala ko na multo!"
"Ikaw talaga, matulog ka na nga!"
"Ah nagising lang po ako para umihi."
.......
Pagbalik ni Sephira sa kanyang silid, laking gulat nya nang nakita nyang nasa ibabaw na ng unan ang libro.
"Papano nangyari yon? Nasa ilalim ng unan ko to kanina?" Nagtatakang sambit sa sarili.
Maya maya ay biglang bumukas ang pinto.
"Ahhhhhh!" Napasigaw na sabi ni Sephira,
"O bakit ka sumisigaw?" Si Linda lamang pala ito.
"Eh, kasi po itong libro ko napunta dito sa ibabaw ng unan ko eh nasa ilalim ito kanina eh."
"Ah yan ba, ako ang naglagay dyan, nakita ko kasi yung unan mo parang mahuhulog na sa lapag kaya inayos ko at nahulog ang libro na yan kaya pinatong ko na lang dyan,"
"Ah ganon po ba, salamat akala ko po kasi......"
"Walang multo dito, sige matulog ka na."
Naghahanda ng muli si Sephira sa pagtulog at bahagyang nawala ang kanyang takot.
Hinawakan nya ang libro at di nito mapigilang tignang muli si Thunderstruck.
"Bakit ba ganito, parang hinihigop nya ang mga mata ko," napabugtong hiningang wika at napapakagat labi ito habang tinitingnan nya ito.
Maya maya lang, nakaramdam na sya ng antok ngunit napatingin na naman sa book cover. Nung mga sandaling iyon ay bigla na lamang na stuck ang kanyang mata sa mga mata ng larawan ng statwa ni Kasandra. Kahit ano ang kanyang gawin ay di maalis alis ang kanyang mga mata sa pagkakatitig sa mata ng statwa.
Samantala...... Sa pusod ng may hamog na kagubatan, kung saan nakukuha ang benditas, habang tahimik na palakad lakad ang statwa ni Kasandra ay biglang huminto ito. May bigla ito na naramdaman. Nakaramdam si Kasandra na tila may tumititig sa kanyang mga mata. Biglang dumilat ng malaki ang kanyang mga mata, at sa di inaasahang pangyayari ay bigla na lamang na nakikita ni Kasandra ang mga mata ni Sephira na nakatitig sa kanya. Na ka stuck pa rin ang mga mata ni Sephira sa pagkakatitig sa mga mata ng statwa. Hindi ito makagalaw habang hawak nya ang libro, gusto na nyang bitawan ang libro ngunit di nya ito magawa, parang na eenganyo syang tumitig dito. At Habang tinititigan ni Sephira ang mata ng statwa na nasa book cover, ay bigla na lamang may hangin na lumabas sa mga mata ng statwa at unti unting pumapasok sa mga mata ni Sephira. Ngunit hindi ito namamalayan ni Sephira.
Lingid sa kaalamanan ni Sephira, sa di sinasadya ay makakalabas muli ng kagubatan si Kasandra, dahil sa mga sumusunod.
-Kabilugan ng buwan nung mga oras na yon.
-Nahawakan ni Travis ang librong iyon bago naibigay kay Sephira, - Nahaplos ni Sephira ang mga balat ni Travis, - -Hawak ni Sephira ang libro nung gabi na yon at natitigan nya ito, at sa pamamagitan ng pagtitig nito ay biglang nagkaroon ng kapangyarihan si Kasandra na makalabas muli ng kagubatan.
Habang nandidilat ang mga mata ni Sephira sa pagkakatitig sa larawan ng mga mata ng statwa ni Kasandra ay biglang nawala ang hangin, kung kaya't nabitawan na nya ang libro. Napapikit si Sephira at may naramdaman syang kakaiba sa kanyang pakiramdam.
Lingid sa kanyang kalamanan ay nakapasok sa kanyang katauhan si Kasandra sa pamamagitan ng kanilang pagtitig sa isa't isa.
"Ano ba tong nararamdaman ko ang weird?" Sabi nya sa kanyang loob at di nya ito ininda at sya ay nakatulog.
........
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'
HorrorSephira, Thunderstruck at Leandro Montreal. The love triangle. Papano na si Beatrice? Mas malagim at mas mapusok po ito...enter at your own risk! Thank You! This is my original story. Plagiarism is a Crime!