"Hello! Nandito na ako!" Masayang bati ni Sephira.
"Oh Hi! Ss...sino sya?" Manghang sabi ni Maddie.
"Ah syanga pala, sya si Travis."
"Hi Travis!" Kinikilig na sabi naman ni Maddie, Aileen at Jen.
"Hi!" Nakaka hulogpangang wika ni Travis, nakasuot pa rin ito ng medyo dark eyeglasses na walang grado.
Nagkalinlan sila.
"Saan mo sya nakilala?" Bulong na sabi ni Jen kay Sephira.
"Ah eh sa tapat ng Northbrook book store last week lang."
"Oh...I see... My gosh saksaksan naman ng guwapo, ano ba yan, may gusto na ba sya sayo?" Tanong agad ni Maddie.
"Hindi ko sya bf, nagkataon na nagkasabay lang kami sa labas."
"Hmn..." Kinikilig na sabi naman ni Jen.
Nag kuwentuhan sila at pinagkumpulan nila si Travis, nakaupo lang si Sephira at di mapatid ang kanyang pagtingin kay Travis.
Maya maya ay lumapit si Mika sa kanila.
"Hi! Baka naman pwedeng ipakilala nyo ako sa kanya." sabi ni Mika.
"Diba si Allen ang kasama mo?" Nakataas na kilay na sabi ni Maddie.
"Well, split na kami diba, nagkasama lang kami dito."
Nagkatinginan sina Jen at Maddie sa sinabi nito,
"Tingan mo nga naman ang babae na yan, split na pala sila kung umasta parang sila pa din hmp!" pabulong na Sabi ni Maddie.
Pinakilala ni Sephira si Mika kay Travis at dahil sa sobrang landi nito ay tinabihan nya agad si Travis at sya ang kumakausap dito.
Maya maya ay lumapit si Allen at niyayaya nyang sumayaw si Sephira.
"Sephira may I dance with you?" Nakangiting sabi ni Allen, dating crush sya ni Sephira. Ngunit, nagdadalawang isip na makipag sayaw si Sephira dahil naisip nyang sayang ang oras na di nya nakikita si Travis.
"Sige na girl, si Allen na mismo ang nagyayaya sayo, crush ng bayan yan, ikaw din."
Udyok na bulong na sabi ni Aileen."Sige na makipag sayaw ka na!" Bulong naman ni Jen sa kanya kaya walang nagawa si Sephira at tumayo sya at nakipag sayaw kay Allen.
"Kamusta ka na Sephira, lalo kang gumaganda." Sabi ni Allen sa kanya.
"Salamat okay lang naman ako, gaya pa din ng dati." Sabi ni Sephira habang nagsasayaw sila sa dance floor.
"Pwede bang ituloy ko manligaw sayo?"
"Pero kayo na ni Mika diba?"
"Last week pa kami split ni Mika, nakikipagbalikan nga sya kayalang ayoko na sa kanya."
"Bakit naman?"
"Ikaw kasi ang gusto ko una pa lang, kaya lang mas madalas kasi kami magkasama sa glee club kaya sa kanya ako napunta, but anyway pwede pa naman na maging tayo diba?"
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'
HorrorSephira, Thunderstruck at Leandro Montreal. The love triangle. Papano na si Beatrice? Mas malagim at mas mapusok po ito...enter at your own risk! Thank You! This is my original story. Plagiarism is a Crime!