Chapter 6

1.7K 50 5
                                    


Present Day.

Naglalakad si Travis sa isang mall para bumili ng mga damit, nakasimpleng maong na pantalon sya at t shirt, at naka suot sya ng walang gradong eye glasses, namumuhay sya ng normal sa kabila na sya si Thunderstruck,  yumaman ulit si Travis dahil sa librong "The Statue of Kasandra', umabot na ito hanggang ibang bansa.    

Habang naglalakad sa syudad si Travis ay sya ang usap-usapan ng mga taong gustong makabili ng libro, hindi namamalayan ng iba na nasa tabi lamang ang kanilang hinahanap, napapalingon ang lahat ng nakakakita kay Travis sa taglay nitong kakisigan.

"Tingnan nyo yung lalaki na yun, saksakan ng guwapo hihi!" Sabi ng mga babaeng saleslady na nasa isang tabi ng department store, nakatingin silang lahat kay Travis habang namimili ng mga t-shirt.Kinikilig naman ang isang sales lady na nag aassist sa kanya, maya maya ay naglapitan ang iba pang sales lady sa kanya.

Napansin ng manager na maraming sales rep ang lumalapit kaya pinagsabihan ang mga ito.

"Ladies, marami pang ibang customer kaya isa lang ang dapat mag assist sa kanya ok!" Nakakunot noong Sabi ng babaeng manager at walang magawa ang mga sales lady at nag alisan sila sa takot sa manager, at doon nakita ng babaeng manager ang kaguwapuhan ni Travis.

"Hmn? Kaya naman pala?" Sabi ng manager sa kanyang loob, nakita nyang isang sales lady na lang ang naiwan na mag assist.

"Well, ako na ang bahalang mag assist sa kanya, okay?" Sabi ng manager sa isang sales lady at napasimangot ito na umalis.

"Sir may I help you? Bagay sayo ang mga yan!" Kinikilig na sabi ng manager. Pinagtitinginan si Travis ng mga ibang customer.Nasanay na si Travis na nilalapitan ng mga babae kahit saan sya pumunta.

"May napili na ako!" Nakangiting sabi ni Travis at binayaran nya ang isang dosenang t-shirt na kanyang napili.

......

Samantala....

Pila pila ang mga tao sa Northbrook shop at isa na dito si Sephira kasama ang kaibigang si Melanie at Diane.

Nag published ng panibagong mga kopya ng 'Statue of Kasandra' ang Meteor Publishing house.

"Naku sana makabili na tayo, baka maubusan pa tayo." Nag aalalang sabi ni Sephira.

"Huwag kayong mag alala malapit na tayo sa book shelves, at tingnan nyo ... yung sales lady na ang nag bibigay isa isa para di na magkagulo ang mga tao, kaya tiyak ko makakabili na tayo sa wakas!" Sabi naman ni Diane.

"Talagang tig iisa tayo ha, para wala ng hiraman!" Sabi naman ni Melanie.

"Aba oo naman, mas mainam na yung may sarili kesa hiraman haha!" Sabi ni Diane.

Napapatingkayad si Sephira sa kakatingin sa book shelves, nangangambang maubusan na naman sila.

"Cool ka lang girl, makaka abot tayo!" Sabi ni Diane.

At nang nakarating sila sa may book shelves ay nag iisa na lamang ang libro.

"Pasensya na, nag iisa na lamang ang libro." Sabi ng sales lady at ibinigay ito kay Sephira na nasa unahan ng pila.At nang nahawakan niya ang libro ay biglang nakaramdam si Sephira ng kakaibang saya.Di makapaniwalang may libro na siya nito sa wakas. Di ito makapaniwala nang nahawakan ang libro.

"Ano ba naman yan, naubusan tayo, baka naman may stock pa kayo?" Tanong ni Melanie sa saleslady.

"Wala na, ito na ang huli." Sabi ng saleslady, naghihiyawan ang mga taong nakapila na naubusan ng libro.

"Ang daya naman, kanina pa kami nakapila ubos agad!" Sabi ng mga taong nasa likuran nila Sephira.

"Sayang naman, pero at least nakaabot si Sephira, ikaw na Sephira ang nagwagi!" Dismayadong sabi ni Melanie.

"Huwag kayo mag alala matapos kong basahin ipapahiram ko sa inyo."

"Pero iba pa rin kung may sarili hmp?" Dismayadong Sabi ni Diane at masayang binayaran naman ito ni Sephira at masayang masaya sya dahil nakabili sya nito.

Paglabas nila ng book store ay nagpunta sila sa isang fastfood at tiningnan agad nila ang picture ng author.

"Patingin nga ng picture ni Thunderstruck!" Sabi ni Diane, at nang kanila itong nakita ay para silang minamagnet ng mata nito.

"My gosh, para nya akong minamagnet, maloloka ako sa author na yan! Pero bakit kaya isang mata lang nya ang nakalabas! Isang mata pa lang sobrang naaakit na ako!"
Humahangang sabi ni Diane at ganon din ang nararamdaman nina Sephira at Melanie.

"Buti ka pa Sephira may libro ka na nyan, sarap titigan bago matulog haha!"

"At excited pa naman akong basahin ang storya nyan, bilisan mo magbasa ha!" Ani Melanie. "Oo naman,"

Matapos nilang kumain ay lumabas na sila ng kainan.

Sa kanilang paglabas ay naunang naglakad sina Diane at Melanie.

"Mag papaload lang ako, tatawagan ko nanay ko!" Sabi ni Melanie.

"Ako din, wala na pala akong load! Tara pa load tayo." Sabi naman ni Diane.

"Eh ikaw?" Sabi nila kay Sephira.

"May load pa ako, hintayin ko na lang kayo doon sa bus station."

"O sige mauna ka na doon, maghahanap lang kami ng tindahan ng load,"

"Ok!" Nakangiting sabi ni Sephira at sya ay naglakad papuntang station ng bus.

Habang sya ay naglalakad ay kinuha nya ang libro sa kanyang bag at sa sobrang excited ay binasa nya agad ang introduction nito habang naglalakad.
Sa kanyang paglalakad habang nagbabasa ng libro ay biglang may nakabangga sa kanya, at ang kanyang nakabanggan ay walang iba kundi si Travis.

The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon