Chapter 3

1.7K 59 2
                                    

Ginamitan ng CPR, ngunit wala na silang nagawa at tuluyan na itong binawian ng buhay. Tinanggal na ang mga aparatong nakakabit sa kanya. Matapos nito ay malungkot na tinakpan na ng doktor ang katawan ni Romano.

"Kinalulungkot ko," Malungkot na sabi ng doktor.              

Naiyak ang magkapatid ngunit binulungan sila ni Valentino.

"Huwag kayong umiyak, gaya ng sabi ko sa inyo, hindi sya mamamatay, kailangan na nating umalis dito bago malaman ng mga taong nag-aabang sa labas, ayokong magkaroon ng katanungan at hindi maaaring kumalat ang lihim!"

Kahit di gaanong naniniwala ang magkapatid kay Valentino ay nagtiwala sila sa sinabi nito at nagkaroon ng kaunting pag asa.

Sinenyasan ni Valentino ang magkapatid na ilabas na ng ospital ang ama.

At inilabas na nila Jayden at Enomis ito ng ospital.

Nalungkot ang mga taong nasa labas ng ospital nang nalaman nilang wala na ang sikat na author at nakita nilang inilalabas si Romano na nakahiga sa strecher at may takip ang kanyang katawan, pinasilip ng magkapatid sa mga tao ang katawan ni Romano at nalungkot ang lahat nang kanila itong nakita na wala ng buhay, at pinakalat na ng mga reporter na wala na si Romano Aranda.
...
Isinakay nila Jayden ito sa kanilang van.
Ang pag kakaalam ng mga tao ay dadalhin na ito sa morgue ng funeraria.

At nang nasa loob na sila ng van.

"Saan natin dadalhin ang Daddy?" Tanong ni Jayden habang nag-mamaneho.

Umiiyak si Enomis.

"Dalhin na natin sya sa crematory, yun ang bilin ng Daddy, gusto na nya agad ma cremate sya!" Sabi ni Enomis.
Desperadong nagsalita si Jayden.

"Sabi nyo mabubuhay sya?" Tanong ni Jayden kay Valentino.

Hindi agad maka imik si Valentino at tinitingnan nya ang wala ng buhay ni Romano.

At nang napansin ni Jayden na di umiimik si Valentino ay niliko nya ang sasakyan papunta sa crematory, ngunit habang pinapatakbo ni Jayden ang sasakyan ay biglang unti unting nagkakamalay si Romano.

At biglang nagsalita ito.

"Ano nangyari sa akin?"

"Daddy?" Laking gulat na sabi ni Enomis at biglang napapreno si Jayden at inihinto ang sasakyan sa isang tabi.

"Daddy, buhay ka?" Nagtatakang Sabi ni Jayden.

Laking gulat ni Enomis nang biglang umupo ang kanyang ama sa strecher.

"Pakiramdam ko ay okay na ako!" Sabi ni Romano.

At laking tuwa nilang lahat sa kanilang nasaksihan.

"Daddy!" At niyakap nila ito ng mahigpit.

Napangiti si Valentino nang nakita nya si Romano.

"Valentino?"

"Mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo ang lahat."

.....

Pagdating nila ng bahay ay di sila makapaniwala dahil buhay na buhay na ang kanilang ama at hindi na ito gumagamit ng baston gaya dati.

"Ang ganda ng pakiramdam ko! Salamat Valentino! Pero ano ang iyong ginawa?" Nagtatakang tanong ni Romano habang palakad lakad sa loob ng kanilang sala, payat na payat ang katawan ni Romano ngunit malakas na sya at wala ng nararamdamang masakit sa katawan, di sya makapaniwala sa kanyang pakiramdam.

"Wala na akong sakit! Papano nangyari ito?" nagtatakang sabi nya.

"Dahil sa bulaklak na ito, ito ay tinatawag na benditas!" Sabi ni Valentino at pinakita sa kanila ang bulaklak ng benditas, pinagmasdan nila ang bulaklak at sila ay namangha sa kapangyarihang taglay nito.

Ikinuwento ni Valentino ang tungkol sa benditas, ngunit sila ay natakot sa buong kuwento nito ngunit sinabi ni Valentino na hindi magpapakita ang estatwa dahil hindi nya kinuha ang kakambal na bulaklak na enigma kaya laking pasasalamat nila kay Valentino.

"Ngunit may kakaharapin kang lagim sa hinaharap, at ito ang aking pinag-aaralan sa ngayon, malalaman mo yan kapag matapos ko itong saliksikin! At huwag kayong matakot dahil malalagpasan natin ito." Sabi ni Valentino.

"Isa kang experto sa kababalaghan Valentino at naniniwala ako sa iyong kakayahan!" Paninigurong Sabi naman ni Romano.

"Pupunta na ako ng Europa bukas, nandoon na ang aking pamilya, ngunit huwag kayong mag alala, magbabalik ako kapag napag aralan ko na ang lagim na magaganap, at lagi lamang tayo magtawagan kung may problema ka,"

"At tandaan mo Romano, kailangan mo gamitin ang natitirang mga talutot hanggat sa maubos ito, at hindi dapat ito magkukulang kahit isa," Patuloy na sabi nito.

"Saan mo ito nakuha?" Interesadong tanong ni Enomus.

"Kung saan at kung papano ko nakuha yan ay di na mahalaga dahil isa itong lihim, at kailanman ay di na ako babalik sa lugar na yon," sagot ni Valentino.

Kahit kinakabahan sila ay wala silang magawa, ang mahalaga sa kanila ay magaling na si Romano.

"At tandaan ninyo, bukas sa pag gising ng inyong ama ay magbabago ang kanyang anyo!"

Nagulat sila sa sinabi ni Valentino.

The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon