Chapter 8

1.6K 53 3
                                    

Magkakaroon ng isang araw na art exhibit si Leandro na gaganapin sa World Trade Center.Galing pa ng america ang kanyang mga obra maestra na kanyang pinagka abalahan na gawin doon.

Binubuhat ng mga tauhan ang kanyang mga obra gaya ng mga paintings at mga iba't ibang uri ng imahe na kanyang inukit.   

"Sir, saan po ilalagay ito?" Tanong ng isang staff habang buhat-buhat ng mga kasamahan nito ang isang malaking imahe ng magandang babae na gawa sa bato.

"Ilagay nyo yan sa may sentro, doon sa gitna." Sabi ni Leandro.

"Ok sir!" Sabi ng tauhan at nilagay nila ito sa pinaka sentro ng art gallery.

Habang abala si Leandro mag mando sa mga tao ay kausap naman ni Beatrice ang kanilang anak na si Stacey sa cellphone.

"Where are you?" Tanong ni Beatrice sa kanyang anak na nasa kabilang linya.

<Mom we're here at the ice cream shop, Can I bring my friend for dinner? !>

"Yeah sure, please come now, where is Athena?"

<She is with me mom."

"Ok, take care." Sabi ni Beatrice at matapos makipag usap ay nilapitan nya si Leandro.

"Hon, padating na ang mga bata, what's your plan for dinner?"

"I think mamaya pa matatapos ito, mauna na kayo ng mga bata mag diner."

"No, kailangan magkakasama tayo, please take a break." Sabi ni Beatrice at nilapitan sya ni Leandro.

"Hmn! Ok then, ayokong magtampo ang mahal ko." Sabi ni Leandro at hinalikan nya si Beatrice sa noo.

Makalipas ang isang oras ay dumating na sina Stacey at Athena.

"Mom! Dad!" Masayang sabi ng mga ito at nang sila ay nagkita ay nagyakapan sila.

"Saan ba kayo nagpunta?" Nag aalalang sabi ni Beatrice.

"Nanood lang kami ng sine Mom....by the way my new friend...Gisela, I met her at the gym."

Sabi ni Stacey at pinakilala ang kasama nyang bagong kaibigan na si Gisela.

"Hello po!" Mahiya hiyang sabi ni Gisela.

Napanganga si Gisela nang nakita nya ang mga magulang ni Stacey.

"Hello." ngiting sambit ni Leandro at Beatrice.

"Wow astig naman ng mga parents mo, they are very beautiful," Pabulong na sabi ni Gisela.

"Oh yeah, I know right? Thanks anyway." Proud na sabi naman ni Stacey.

Nakahawak ng kamay si Athena kay Leandro.

"Dad, yung promise mo sa akin, you will paint my picture."

"Dont worry anak, busy pa kasi ang daddy, pag nag ka time ako gagawan kita ng magandang magandang painting ok?"

"Thanks dad!" Sabi ni Athena at hinalikan nya si Leandro sa pisngi.

"Well lets have a dinner!" Nakangiting sabi ni Leandro.

Nag dinner sila sa isang sosyal na restaurant.

Habang sila ay umoorder ng pagkain ay kinuha ni Stacey ang kanyang libro na nabili nila last month sa America.

"I about to finish this book,"  Nakangiting sabi ni Stacey.

"Really! I cant believed na may libro kang ganyan, wala ng mabilhan nyan diba?" Manghang sabi naman ni Gisela.

"That's right! And you know what? Ang ganda talaga ng story nakakatakot but I'm falling in love at the same time!" masayang sambit ni Stacey.

"I guess so, kaya nga pinagkakaguluhan eh! At kanino ka naman na fall in love huh?" Tanong ni Gisela.

"I'm in love with the author!" Sagot ni Stacey.

The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon