At nang sila ay pumasok sa silid ng kanilang ama ay laking gulat nila nang nakita nila si Romano na nakatingin sa salamin, nakasuot lamang ito ng puting t-shirt at pajama. Ito ay bumata at kumisig ng walang katulad, kahit sino ang taong makakakita sa kanya ay mabibihagni sa taglay nitong kaguwapuhan."Dad? Ikaw na ba yan?" Manghang tanong ni Enomis.
"Oo, wala ng iba !" Masayang sabi naman ni Romano habang nakatingin sa salamin.
"My gosh! Totoo nga ang sinasabi ni Tito Valentino, napakakisig ninyo Dad!" Manghang sabi ni Enomis.
Hindi sila makapaniwala habang nakatulala silang nakatingin sa kanilang ama.
"Di ko akalain na totoo nga ang lahat ng sinasabi ni Valentino, this is really unbelievable! Kailangan ko rin baguhin ang aking pangalan sa tuwing ako ay lalabas ng bahay, wala na ang dating Romano, ano kaya ang aking gagamitin na pangalan?" Nag-iisip na Sabi ni Romano.
Nag isip sila ng pangalan.
"Alam ko na.....'TRAVIS' .....at gamitin natin ang apelyedo ng mama na Figueredo...Travis Figueredo!" Excited na sabi ni Enomis.
"Well, I'll take that, pero tandaan ninyo, walang makaka alam na si Thunderstruck ay si Travis ok?"
"Yes Daddy!" Masayang sabi ng magkapatid.
"Gusto kong mamuhay ng normal, lalabas ako at gagawin ko kagaya ng ginagawa ng normal na tao, mag uumpisa akong muli ng bagong buhay!" Excited na sabi ni Romano.
"Papa, babalikan mo pa ba si Pia?" Tanong ni Enomis.
Hindi nakakibo si Travis.
Humarap sya ng salamin.
At di pa rin sya makapaniwala sa kanyang buong kaanyuan.
.....
Pinalabas nila sa mga tao na na cremate na si Romano at kanilang itinago ang abo nito sa kanilang bahay kaya gumawa sila ng pekeng Urn.
Makalipas pa ang ilang araw ay binasa ni Romano ang libro at sya ay namangha sa storya nito at inumpisahan na niyang isulat ito. At kanya itong pinamagatang "The Statue of Kasandra'. At habang kanyang sinusulat ito ay nakakaramdam sya ng pagkakilabot ngunit kailangan nya itong tapusin.
Naibenta nya ang kanilang mansion at Nakapagpatayo ng sariling Publishing House at pinangalan sa kanyang mga anak.
Tinawag nila itong Meteor Publishing house.
Sa underground nito ay nagpalagay ng tagong sariling bahay si Romano upang doon na manirahan, kumpleto ang kagamitan, at doon na rin sila tumirang mag-aama.Isang araw sa silid ni Romano.
Nakaharap sya sa kanyang body mirror at tinititigan ang kanyang kaakit akit na kaanyuan.
Kinuhanan nya ng picture ang kanyang sarili at kahit sya ay namamangha sa kanyang itsura, napapakagat labi sya sa tuwing minamasdan ang kanyang kabuuan.Tiningnan nya ang kanyang magandang picture at naisipan nyang ilagay sa ginagawa nyang libro ang kanang bahagi lamang ng kanyang mata, at nilagyan nya ng black shadow ang ibang parte ng kanyang mukha upang walang makakilala sa kanya.
At nang nagawa nya ang libro ay pina imprenta nya ito sa kanilang bagong tayo na Publishing house at pinakalat sa lahat ng book store sa bansa, at sa di inaasahan ay mabilis na naging best seller na parang hot cake at pinagkaguluhan ng mga tao, at ang lahat ng nakabasa ay namimisteyosohan kung sino si Thunderstruck!
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'
HorreurSephira, Thunderstruck at Leandro Montreal. The love triangle. Papano na si Beatrice? Mas malagim at mas mapusok po ito...enter at your own risk! Thank You! This is my original story. Plagiarism is a Crime!