Samantala...
Nag diner sila ni Travis sa isang high end na kainan.
Di makapaniwala si Sephira na nandoon sya sa isang lugar na di nya akalain na makakapasok sya, hanggang magazine at tv lamang nya ito nakikita, at higit sa lahat, may kasama syang isang napakaguwapo at mayamang lalaki."Do you like it!" Sabi ni Travis.
"Oo naman, ang ganda dito, lalo na at kasama kita!" Excited na sabi ni Sephira.
Napapalingon ang mga tao sa kanila.
Umorder ng masasarap at mamahaling pagkain si Travis,
At inihain ito sa kanila, nalulula naman si Sephira sa sobrang mahal ng mga pagkain at di nya alam kung papano mag-uumpisang kumain.Nagsusubuan sila ni Travis habang sila ay kumakain.
"Natatawa ako sa babae kanina, ikaw daw si Thundestruck haha!" Masayang sabi ni Sephira.
"Sana nga?" Sabi ni Travis.
"Pero alam mo, parang kapareho mo nga sya, kayalang kanang mata lang nya ang nakalabas eh, pero yung mata na yon nakaka engganyo, parang kagaya rin ng mga mata mo Travis, patitig naman ng mata mo o, alisin mo naman yang salamin mo, ako ang makakapagsabi na ikaw nga sya."
Binaling ni Travis ang kanyang mata sa pagkain. "Wala akong makikita kapag inalis ko to, sobrang labo ng mga mata ko, if ever na ako si Thunderstruck, I'm proud to tell you, pasensya na at hindi ako si Thunderstruck," kunwaring pagtatampo nya.
"So sorry, para sa akin you are better than him, huwag ka na magtampo,"
"Kung ako lang si Thunderstruck, bakit ko ililihim sayo? You are my girlfriend already," patuloy na wika nya.
"Oo nga naman!" Napangiting sabi ni Sephira.
"Kung makita mo si Thundesrtruck in person, sya pa rin ba ang gusto mo?"
"No way, syempre ikaw, ikaw ang boyfriend ko eh." Masayang sagot ni Sephira.
"Thank you," masayang tugon ni Travis, at sya'y nagtanong. "Bakit nga pala panay ang tingin mo kay Leandro Montreal?"
Nang binanggit ni Travis ang pangalan ni Leandro ay biglang napahinto sa pagkain si Sephira at may bumalakid na naman sa kanyang ala-ala.
"Leandro, mahal kita, magiging akin ka rin malapit na!" Sabi nya sa kanyang loob.
"Sephira, do you hear me?"
Biglang natauhan na si Sephira.
"Oh sorry may naalala lang ako,"
"Anong iniisip mo?"
"Ah eh ewan ko, baka siguro nahihiwagaan lang ako sa kanya kasi ang galing nya talagang sculptor and painter, pero di nya inaamin sa mga tao na sya yung umukit sa statwa nung Kasandra na yun, story lang daw sa book but it's not real, binase lang ang story sa love story nila ni Beatrice ang book, pero maraming hindi totoo."
"I think totoo yon, ayaw lang nya pag usapan kaya papicture picture lang sya at pangiti ngiti sa mga tao, but I can't blame him if that his opinion, gaya ni thunderstruck, ayaw nyang magpakilala sa mga tao,"
"Ano kaya reason?"
"Kung ano man yon sila na lang ang nakaka alam." Nakangiting sabi ni Travis kay Sephira at umorder ito ng wine.
Matapos nilang mag diner ay inihatid na ni Travis si Sephira sa bahay ni Linda.
Bumaba ng magarang motorsiklo si Sephira, at muntik syang matapilok, inalalayan agad sya ni Travis.
"Sorry, i really like a big bike," sabi ni Travis.
"Naku ok lang yun! Ang gara nga ng motor mo eh, mas mahal pa sa kotse!" Sabi ni Sephira.
Hinihintay ni Sephira na halikan sya ni Travis.
"Well, see you again in other time ok."
"Kelan ulit tayo magkikita?"
"I dont know yet."
At hinawakan ni Travis ang mukha ni Sephira at nang akto nya itong hahalikan ay biglang lumabas ng pintuan si Linda.
"Sephira?!" Biglang sabi nito.
"Ay tyang!......."
Pinakilala ni Sephira si Travis sa tya Linda nya.
"Sya ang tita linda ko, sya naman po si Travis, "
Tiningnan sya ni Linda mula ulo hanggang paa.
"Hello po!" Nakangiting sabi ni Travis.
Napatulala naman si Linda nang nakita nyang saksakan ng guwapo nito."Naku ke gandang lalake mo naman iho...talaga bang kasintahan mo ang pamangkin ko?"
Sinuklian lang sya ng matatamis na ngiti ni Travis.
"Well I'll go ahead, nice meeting you po,"
"Ah nice meeting you too iho..." Nakanganga na sabi ni Linda.
At sumakay na ito ng magarang motor. Bago nya sinuot ang kanyang helmet ay kinindatan nya si Sephira at labis namang kinilig ang huli, at pinaandar na nya ito.
Nang nakaalis na si Travis ay nanghinayang si Sephira dahil di nya nahalikan ito.
"Sayang!" Biglang sabi ni Sephira.
"Anong sayang iha?"
"Ah wala po, pasok na po tayo sa loob."
Pagpasok nila sa loob ng bahay.
"Napakaswerte mo naman iha, totoo nga ang sinasabi mo, mukha syang arkanghel, at mukhang mayaman pa."
"Oo nga po."
"Pero iha, huwag ka masyadong mahuhulog sa lalaki na yon,"
"Bakit po."
"Sa sobrang gandang lalaki nun baka hindi lang ikaw ang babae nun, at baka masaktan ka lang, napakasakit nun." Pag papaalalang sabi ni Linda sa kanya.
dont forget to vote😉
Get Ready for the next Chapter.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'
HorrorSephira, Thunderstruck at Leandro Montreal. The love triangle. Papano na si Beatrice? Mas malagim at mas mapusok po ito...enter at your own risk! Thank You! This is my original story. Plagiarism is a Crime!