Chapter 18

50 3 2
                                    

Naunang nakarating si Sephira sa Northbrook.

Eksaktong alas sais ng hapon ang mga oras na iyon.

Lumipas pa ang ilang mga minuto ng paghihintay ay wala pa din si Travis.

"Ang tagal naman nya." Naiinip na sabi ni Sephira.

Naupo si Sephira sa may bench sa tapat ng Northbrook at doon naghintay.
Habang naghihintay ay mayroong bumabalakid sa kanyang isipan, biglang nakikita nya si Leandro sa kanyang ala-ala.

"Leandro magkikita din tayo, magiging tayo na muli Leandro!"  Bulalas ni Sephira sa kanyang loob, nagsasanib ang katauhan nila ni Kasandra mula ng nakapasok ang katauhan nito sa kanya.
Maya maya ay sumagi naman sa isipan nya si Travis.

"Oh Travis gusto na kitang makita, ang tagal mo naman!" Sabi ni Sephira sa kanyang loob at biglang napaisip si Sephira.

"Bakit naiisip ko si Leandro Montreal? Bakit naaalala ko sya? Hindi ko naman alam ang kanyang itsura? Bakit nakikita ko sya sa aking ala-ala? Ano nangyayari sa akin? Bakit hinahanap hanap ko rin sya? Ito ba ang side effect ng pagbabasa ko ng libro na yun?!" Nagtatakang sabi ni Sephira sa kanyang loob. Kinuha ang kanyang cellphone at kanyang hinanap sa internet si Leandro. At doon ay Nakita nya Ang picture nito.


"Leandro mahal kita Leandro!" Biglang Sabi nya sa kanyang sarili, nang biglang nauntol ang kanyang pagkakatitig sa picture nang may pumaradang magarang motorsiklo sa kanyang harapan.

"Hello!' Naka ngiting sabi ni Travis habang tinatanggal ang kanyang helmet, bumungad Ang walang katulad na kaguwapuhan nito.

Biglang natauhan si Sephira, at sya ay namangha nang makita ang kakisigan ni Travis.

"Oh Hi! Travis!"

"You look so beautiful babe!" Sabi ni Travis nang nakita nya si Sephira na papalapit sa kanya.

"Kinilig naman ako ng sobra sa lalaking to! Totoo ba to?" Sabi ni Sephira sa kanyang loob habang nakatingin sya kay Travis.

Sinuutan ni Travis ng Helmet si Sephira at sumakay sya ng pa side sa likuran.

"Saan tayo pupunta?"

"Well.......just hold on me okay?"

"Ok!" Masayang sabi naman ni Sephira at pumalupot Ang kanyang mga bisig sa likuran ni Travis, na may halong saya at pagkakilig.

At pinaandar na ni Travis ang kanyang magarang motorsiklo.

......

Samantala.....

Abala si Leandro at Beatrice sa kakamando sa mga tauhan na nag aayos ng art exhibit.

"Our guests will be here anytime soon, let's go upstairs first," Sabi ni Leandro kay Beatrice, at umakyat sila sa Isang mataas na paikot na hagdanan. Sa itaas nito ay mayroong silid kung saan Sila maghihintay. At kapag dumating na Ang mga tao, tsaka pa lamang Sila bababa upang I greet Ang mga tao. Salamin ang bintana ng silid kung kaya't makikita nila mula doon ang mga taong darating. Mula sa silid na iyon ay natatanaw nila ang buong art exhibit sa ibaba.

Maya maya ay nagdadatingan na ang mga tao, mayayaman ang mga pumupunta at humahanga ang lahat sa mga obrà ni Leandro, gaya ng mga statue at paintings na nakadisplay sa buong gallery, may mga assistant na nag aassist sa mga guest, at ang lahat ay naghahangad na makita si Leandro Montreal ng personal.

Paparating si Enomis kasama ng kanyang mayamang boyfriend na si Rupert. Di nakasama si Jayden dahil sa kanyang hectic schedule bilang architect.

"This art is very creative, so fantastic!" Nakangiting sabi ni Rupert habang tinitingnan nila ni Enomis ang isang malaking painting.

"Do you like this?" Sabi ni Enomis.

"Yeah! Bibilhin ko na to, its cost 900k but worth it." Excited na sabi ni Rupert.

"And by the way we have a chance na makikilala natin ang may gawa ng lahat ng ito, si Leandro Montreal." Sabi ni Enomis.

"I can't hardly wait to meet him!"

Isang Explorer at adveturer si Rupert at mahilig ito sa mga misteryosong bagay at sabik syang makakita ng mga kababalaghan kahit di pa sya nakakakita nito, at mahilig din sya sa mga ancient history.

"This is amazing, I feel so mysterious!" Namamanghang sabi ni Rupert habang tinitingnan ang mga gawa ni Leandro.

"Do you believe that he is the sculptor of the creepy Statue?"

"I believe it's him, we will find out later," Tugon ni Enomis.

"How exciting isn't?" Masayang sabi ni Rupert.

"So True." Sabi naman ni Enomis.

Nabibighani rin ang mga tao sa mga akda ni Leandro at binibili nila ang kanilang mga nagugustuhan.

Samantala palakad lakad si Stacy kasama ng kanyang kaibigan sa loob ng gallery at iniisa isa nyang tinitingnan ang mga guest, nagbabakasakaling makita nya si Thunderstruck.

"There's a lot of people in here,  pano mo marerecognize si Thunderstruck?" Sabi ng kaibigan ni Stacey na si Gisela.

"I have a feeling na darating sya, at baka isa na sya sa mga nandito ngayon?" sabi ni Stacy habang nililibot ang kanyang mga mata sa paligid.

"How can you recognized him, yung left eye lang nya ang nakikita natin sa picture?."

.....

The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon