Kinabukasan ...
Naghahanda na umalis sila Diane at Melanie.
"Mag iingat kayo sa province magkita na lamang tayo bago mag pasukan." Sabi ni Sephira.
"Ikaw din ingat, sige mauna na kami." Sabi ng dalawa.
At lumabas na ang mga ito ng dorm. Habang nag iimpake si Sephira ay naaalala nya si Travis.
"Makikita pa kaya kita Travis, bakit mo ginagawa sakin to?" Masamang loob na sabi nya sa kanyang loob.
Makalipas ang isang oras matapos mag impake ay lumabas na si Sephira ng dorm at sumakay ng taxi patungo sa kanyang tiyahin.
Pagdating nya doon.
"Mano po Tyang."
"O mabuti naman at nakarating ka na dito,"
Pinapasok sya sa loob ng maliit na bahay nito.
"Doon sa taas ang iyong silid, halika at ituturo ko sayo, kamusta na pag aaral mo iha,?"
"Okay lang naman po tyang."
Pinapasok si Sephira sa isang kuwarto.
"Dito ang kuwarto ng pinsan mong si Rona, kakaalis lang nya nung nakaraang linggo papuntang Kuwait, ikaw na muna ang gumamit nito ngayong bakasyon."
........
Samantala......sa recreation room.
Naglalaro ng chess mag isa si Travis nang biglang pumasok ang magkapatid.
"Dad! This coming Saturday, are you coming with us?" Excited na sabi ni Enomis.
"Where?"
"San pa e di sa Art Exhibit ni Leandro Montreal!" excited na sabi ni Enomis.
"Pag iisipan ko."
"Dad ... its your chance to meet him,"
"What for? Di na yun mahalaga, and besides I'm in a hiding."
"Dad huwag ka lang magpakilala sa mga guest nila na ikaw si Thunderstruck,"
"Oo nga naman dad!" Sabi naman ni Jaden,
"No! Kahit kay Leandro Montreal mismo ay di ko ipapaalam na ako si Thundesrtruck, nobody will!"
"Pumunta ka na dad, just to see him,"
"Well lets see!" sabi naman ni Travis habang nakatutok sa transparent figure na chess board.
.........
Kinagabihan matapos maghapunan ni Sephira at ng kanyang tiyahing si Linda.
"May kasintahan ka na ba iha." Sabi ni Linda habang pinagtutulungan nilang ligpitin ang kanilang pinagkainan.
Di malaman ni Sephira ang kanyang isasagot, naisip nya si Travis.
"Sephira?"
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'
HorrorSephira, Thunderstruck at Leandro Montreal. The love triangle. Papano na si Beatrice? Mas malagim at mas mapusok po ito...enter at your own risk! Thank You! This is my original story. Plagiarism is a Crime!