At nang nagbabadyang sumakay si Mika sa motor ni Travis.
"Sorry hindi ikaw ang sinusundo ko," Biglang Sabi nito.
"At sino?" Nakataas na kaliwang kilay na sabi ni Mika.
Hindi agad makakibo si Travis, ginala nya ang kanyang mga mata at tilang may hinahanap.
"Ako ang ihatid mo!" Nagpupumilit na sabi ni Mika at nagwawala na ito.
Nilapitan sya ni Allen para awatin ito dahil sya ang nahihiya sa kinikilos ng kanyang ex girlfriend.
"Tama na nga yan! Sige na nga ihahatid na kita!" Sabi ni Allen ngunit nagpupumiglas si Mika at mas gusto na nyang si Travis ang maghatid sa kanya,
habang nagwawala si Mika ay bumaba ng motor si Travis at nakita nya si Sephira sa may bandang likuran ni Mika, at nilagpasan nya ito at nilapitan nya si Sephira.Nagulat naman si Sephira nang nakita nyang lumalapit si Travis.
Lalong kumabog ang dibdib nito ng papalapit si Travis sa kanya.
"Hi! Can I take you into your home?" Nakangiting sabi ni Travis kay Sephira.
Nagblushed si Sephira sa sinabi nito.
"Ha, ihahatid mo ako?"
"Yeah para malaman ko na din kung saan ka nakatira para maihatid ko sayo ang book, is that okay?" Matamis na ngiti ni Travis.
Napalunok si Sephira sa sobrang galak.
"Maagkakatiwalaan ba kita? Baka naman kung saan mo ako dadalhin?"
"No, hindi ako masamang tao, sana magtiwala ka sa akin,"
"Well, okay!" Nakangiting sabi ni Sephira at pinasakay sya ni Travis sa kanyang magarang motor, nasa harapan si Travis at nasa likod si Sephira, napatingin ang mga nakakita nang sumasakay si Sephira sa magarang motor ni Travis.
"No ako dapat ang nakasakay dyan!" Lasing na sabi ni Mica.
.....
Habang sumasakay sa likuran si Sephira ay pinasuot ni Travis ang extra nyang helmet.
At nang naisuot ni Sephira ay yumakap sya sa likuran ni Travis at para syang nananaginip habang nakayakap sya sa likuran nito.
At pinaandar na ni Travis ang kanyang Ducati na motorcycle.
Habang nag didrive sila ay masaya ang pakiramdam ni Sephira.
"Are you hungry?" Tanong ni Travis.
"Ah eh, hindi naman, ok lang ako I'm full!" Sabi ni Sephira.
Maya maya ay may nadaanan na magandang view si Travis at inihinto nya ang kanyang motor.
"Magpahangin na muna tayo." Sabi ni Travis at naupo sila sa isang bench.
Nakasunod lang si Sephira at kinikilig ng lihim.
"Ang sarap ng hangin dito!" Nakangiting sabi ni Travis habang nakatingala sa mga building.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'
HorrorSephira, Thunderstruck at Leandro Montreal. The love triangle. Papano na si Beatrice? Mas malagim at mas mapusok po ito...enter at your own risk! Thank You! This is my original story. Plagiarism is a Crime!