Chapter 9

1.6K 44 5
                                    

Kinagabihan... 

Nasa kanyang silid si Leandro at nag iinternet sa laptop.
Pumasok si Athena at yumakap sa kanyang ama.
"Dad!" 

"Yes sweety!" Nakangiting sabi ni Leandro.

"Will you tell me the story of the book about the statue?"

"Basahin mo na lang anak,"

"But dad gusto ko ikwento nyo sa akin ng mom, sabi mo its about your love story right?"

"Ah yeah that's right, ewan ko nga ba kung papano nalaman ng author about it?"

Maya maya ay nagbukas ang pinto, pumasok si Beatrice.

"O ayan ang mommy mo, she can tell you the story."

"About what?" Sabi naman ni Beatrice.

"This girl wants to hear the creepy story."

Pumasok naman ng silid si Stacey.

"Bakit di mo na lang ipa kwento kay Stacey, nabasa na nya ang book....right Stacey?" ani Beatrice.

"Yeah! Pero I wanna ask some questions!" Sabi ni Stacey at naupo sa couch at nag indian seat habang binuklat ang pahina ng libro.

"Talaga po bang story po ninyo ito Dad? Mom?"

"Well gaya ng sabi ko sa inyo, yes, kung sino man ang author na yan, di namin alam kung papano nya nalaman tungkol sa amin." Sabi ni Beatrice.

"Thunderstruck! The name of the author mom!"

Tiningnan ni Beatrice ang book cover at kinilabutan sya nang nakita nya ulit ang larawan ng statwa ni kasandra.

"Urgh so creepy!" Kinilabutan na sabi ni Beatrice at binaligtad ang libro para tingnan ang picture ng author, at nang kanya itong tiningnan ay nawala ang kanyang takot nang nakita nya ang kaakit-akit na mata ni Thunderstruck, nabighani din sya sa mata nito.

"Hmn....seductive...alluring....."
Manghang sabi ni Beatrice at pinakita nya kay Leandro ang libro.

At nang nakita nya ang mata ni Thunderstruck ay bigla nyang naalala ang mga mata ni Kasandra nung time na umiibig sya dito.

Pansamantalang napatulala si Leandro habang nakatitig sa mata ng author.

"Are you okay hon?" Sabi ni Beatrice.

"Oh yeah, may naalala lang ako." Ani Leandro at binigay nya agad ang libro kay Stacey.

"Ano naman ang naalala mo?" curious na tanong ni Beatrice.

"Ah wala, sino kaya ang author na yan at bakit nya nalaman ang story about us at ang tungkol sa statue ni ______?" nagtatakang sabi ni Leandro at di nya gustong sambitin ang pangalang Kasandra.

"Di kaya relatives sya ni Antonio Jose remember him?"

"Ah oo naman, maybe? baka sa kanya napunta ang diary noon na sinulat ni Antonio Jose, no wonder!" Sabi ni Leandro.

"So what is the story then?" Sabi naman ni Athena na kanina pa excited na malaman ang storya nito.

"Read it!" Sabi naman ni Stacey.

"No! I like to hear it from mom and dad!  Mas exciting!" Sabi naman ni Athena.

"Anyway, Dad.....tell me, bakit si Kasandra ang nagustuhan mo nung Night to Remember at hindi ang mommy?" Tanong ni Stacey kay Leandro.

"Because....." Nag iisip na sabi ni Leandro.

Tiningnan sya ni Beatrice nang malalim at di agad makasagot si Leandro.

"Its hard to explain.....its about an enchanted flower."

"Enchanted flower? But wala naman akong nabasa about that flower in the book?"

"Kasi anak secret yan, kaya hindi sinulat ng author, kasi pag isusulat ng author tungkol doon ay marami ang magtatangkang kumuha nun and its very dangerous, kaya I'm sure iniiba ng author ang tungkol dun!"

"And I think baka hindi rin alam ng author about that flower?" sabi naman ni Beatrice.

"So ano ang kaugnayan ng flower kay Kasandra?" Interesadong tanong ni Stacey.

"She became beautiful nang ginamit nya ang enchanted flower na yun, at na engganyo nya ako, nung una ko syang nakita, sya yung pinaka magandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko, at biglang nainlove ako sa kanya, parang wala na akong ibang gustong mahalin kundi sya lang, kaya yun muntik na ako magpakasal sa kanya," sabi ni Leandro.

Nakaramdam si Beatrice ng selos sa sinasabi ni Leandro, naalala nya ang mga panahon na yon.Napansin ni Leandro na tinalikuran sya ni Beatrice at naupo sa kama at naghahanda ng humiga.Nilapitan sya ni Leandro at nilambing.

"Hmn mukhang nagseselos ang mahal ko."

"No....kalimutan na nga natin ang past, bakit ba nasulat pa ang libro na yan, I'm not interested! ......girls....please go to your room...matulog na kayo."

"But mom.....I wanna ask more questions." Sabi ni Stacey.

"I'll tell you next time.....go to your room now." sabi ni Beatrice.

"If that is a true story, I'm scared to know about that statue!" Natatakot na sabi naman ni Athena.

"Wala na yun ok, its a long long time ago." Sabi ni Beatrice.

"May I ask? What us the name of the enchanted flower?"
pahabol na tanong ni Stacey at nagkatinginan sina Leandro at Beatrice.

"Benditas!" Nagkasabay na sabi ni Leandro at Beatrice.

.....

Pagdating sa silid ng magkapatid ay di mapalagay si Stacey.

"I feel something really stranged talaga!" Sabi ni Stacey.

Tiningnan ni Athena ang book cover at tinitigan nya ang statue ni Kasandra, at habang kanyang tinititigan ay biglang nanlisik ang mata ng picture at parang gumalaw ito,  at napasigaw si Athena.

"Ahhhh!" Napahiyaw na sabi ni Athena at nabitawan ang libro.

"What is wrong?" Sabi ni Stacey.

"Yung statue sa book cover gumalaw!"

Tiningnan ni Stacey at nakita nyang wala naman.

"Tinatakot mo naman ako Athena, hindi naman eh."

Nagtalukbong si Athena ng kumot.

...

Habang natutulog si Athena ay nakaramdam na rin ng takot si Stacey.
Nilagay nya ang libro sa side table ng kama nya at binaligtad nya ito, at nakita nya ang back cover na nakalarawan ang author, at nang kanya itong nakita ay kinuha nya ito ulit at doon ay nawala ang kanyang takot.
At kanyang tinitigan muli ang mata nito.

"Hmn? I think I'm falling in love with you Thunderstruck! Sana ma meet kita one day." Nangangarap na sabi ni Stacey at nawala na ang kanyang takot nang tinitigan nya ang mata ni Thunderstruck at niyakap nya ang libro na may ngiti sa kanyang mukha.

The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon