"Oh!" Nagulat na sabi ni Sephira at nahulog ang kanyang libro, nalubog ang libro sa malalim na lubak na may tubig ulan.
"Oh no!!!"
"Sorry miss, di ko sinasadya!" Sabi ni Travis at kanyang pupulutin ang basang basa ng libro at nakita nyang ito ay ang kanyang akda. Di alintana kay Travis kahit madumihan ang kanyang kamay.
"Miss sorry talaga, ito na ang libro mo." nakangiting sabi ni Travis habang iniaabot ang librong tumutulo pa ang tubig sa sobrang basa nito.
"Sorry? Ganon lang ba yun, ni hindi ko pa nga nababasa ang libro na to!" Galit na sabi ni Sephira habang kinuha nya ang libro sa kamay nito at kanyang binulatlat.
"Naku papano ba to, basang basa na hanggang loob, papano ko pa mababasa to?!"
Dismayadong sabi ni Sephira, di pa nya tinitingnan si Travis, nakatutok ang kanyang mga mata sa libro."Sorry talaga Miss, papalitan ko na lang ng bago." Sabi ni Travis.
At biglang iniangat ni Sephira ang kanyang mukha kay Travis at doon nya nakita ang napakaguwapong mukha nito, napahinto si Sephira at medyo nalito ng sasabihin. Nakatulala si Sephira habang nakatingala kay Travis, matangkad si Travis sa height na six footer kaya nakatingala sya dito."Miss are you okay?" sabi ni Travis nang napansin nyang nakatulala si Sephira sa kanya.
"Ah eh, I'm not okay! Ok?" Nakakunot noong sabi ni Sephira, kahit guwapo si Travis ay inalis nya ito sa kanyang isip dahil ang mahalaga sa kanya ay ang kanyang bagong biling libro.
"Papano mo mapapalitan to, wala ng mabibilhan nito? Ang tagal ko pa naman hinintay magkaroon lang nito, tapos sa isang iglap mababasa na lang huhu!"
"I have a copy of that book, I promised ibibigay ko sayo, sorry na talaga miss."
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Sabi ni Sephira.
"Yes, I'm sure!"
"Ok sige, ito ang cellnumber ko, tawagan mo ako pag ibibigay mo na sa akin."
"Okay" nakangiting sabi ni Travis.
"At maaari bang makuha na rin ang number mo, baka kasi mamaya ay di mo ako tawagan eh," paniniguro ni Sephira.
"Eto ang number ko." Sabi ni Travis at nagpalitan sila ng cellnumber.
"Teka, mag mimiss call ako sayo ngayon para mas sigurado!" Sabi ni Sephira at dinial nya ang number ni Travis at nag ring ito.
"O kita mo na, yan ang totoong number ko." Nakangiting sabi ni Travis sa kanya.
"Well fine, kelan mo bibigay sa akin?"
Magsasalita pa lang si Travis nang biglang nag ring ang cp nya.
Nakita nya ang pangalan ni Enomis sa screen ng cp nya.
"Wait lang miss!" Nakangiting sabi ni Travis sa kanya.
..
"Oh yeah! nag shopping lang ako, I'm on my way home okay." Sabi ni Travis sa kausap nyang si Enomis sa kabilang linya. At Habang nakikipag usap si Travis sa cp ay nakatingin si Sephira sa kanya.
"Mukhang girlfriend nya siguro ang tumawag hays! Kungsabagay sa sobrang guwapo nya I'm sure taken na sya." Sabi nya sa kanyang loob.
Matapos makipag usap ay tiningnan sya ni Travis.
"Well, wait fir my call, I gotta go ..... bye!" Nakangiting sabi ni Travis at nagmadaling umalis na ito, napanganga na lang si Sephira habang sinusundan nya ng tingin si Travis, ngayon lamang sya nakakita ng ganoong kakisig na lalaki sa buong buhay nya.
Maya maya 'y may tumapik sa kanyang balikat.
"Girl ok ka lang ba? Parang may nakita kang sikat na artista ah, nakatulala ka pa dyan, sino nakita mo ha?" Sabi ni Diane.
Di pa din makapagsalita si Sephira.
"Ang daya mo naman sino ba nakita mong artista baka maabutan pa namin, hoy!" Sabi naman ni Melanie at tinapik nya si Sephira sa pisngi.
"Ah eh, hindi ako nakakita ng artista."
"Di naman pala eh, eh bakit nakatulala ka dyan ha?"
"Kasi may nakabanggan ako na isang lalaki, ang guwapo nya, mas guwapo pa sya sa artista, di ko akalain na may ganoong kaguwapo pala na tao sa balat ng lupa!" Nakatawang sabi ni Sephira.
"Hmn? Ewan ko sayo, nakuha mo ba ang number?"
At napansin nilang basa ang librong hawak hawak ni Sephira,
"My goodness! Ano nangyari sa bago mong libro, basang basa!"
At doon naalala ni Sephira ang kanyang libro."Oo nga pala hays! Eh yun ngang lalaki na yun, nung nakabanggaan ko, nahulog ito dyan sa may lubak na may tubig!"
"Tsk tsk tsk...sayang naman di pa nga nababasa eh."
"Okay lang kasi sabi nya papalitan naman nya, nakuha ko na ang number nya, nagpalitan kami." Nilagay ni Sephira ang libro sa loob ng plastic bag ng Northbrook.
"Kung papalitan naman pala ay ok lang, pero wala ng mabibilhan nyan." sabi ni Diane.
"May kopya daw sya, ibibigay na lang nya sa akin."
"Totoo naman kaya baka drawing lang yan?"
"Wala akong magagawa kundi maghintay sa tawag nya."
"Totoo ba talagang guwapo?" sabi ni Melanie.
"Oo, sayang at di nyo nakita."
"Talaga lang ha." Nakangiting sabi naman ni Diane at sila ay naglakad patungong bus station para umuwi.
.......
Samantala.....
Nakabalik na ng Pilipinas si Leandro at Beatrice mula America kasama ng kanilang mga teen ager na mga anak na sina Stacey 18 at Athena 16.
Nasa 40 years old na pareho si Leandro at Beatrice at pareho pa din silang kaakit akit.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 6 'Thunderstruck'
HorrorSephira, Thunderstruck at Leandro Montreal. The love triangle. Papano na si Beatrice? Mas malagim at mas mapusok po ito...enter at your own risk! Thank You! This is my original story. Plagiarism is a Crime!