SP Part 26: Bala

3.1K 161 28
                                    

full credits Ace Hathaway

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

full credits Ace Hathaway..

*******************

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 29, 2018

Part 26: Bala

"Pinag kakaisahan ako ng network na iyan e. Binuruin mo 20% pa rin ang vote ko sa polling nila!" ang galit kong salita habang abala sa pag kain.

"Sabi ng network wala daw talagang ng vovote kay super panget kasi di sya bet ng madlang people."

"Pwes! Hindi ko rin sila bet! Mag hintay iyang network na iyan dahil papasara ko na yan! Sisiguraduhin kong mawawalan ng trabaho ang mag pipinsang Mae Lawit at mga kamag anak nila Mae Bayhag!" ang galit ko sagot sabay tusok sa karne sa aking harapan.

"Ang bad mo talaga Nai." ang wika ni Tex

Tawanan..

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay bigla na lamang nag kagulo ang mga bantay na sundalo sa aming tarangkahan kasabay nito ang pag dagsa ng mga tanke at kanyon sa kalsada.

Tumunog rin ang emergency broadcast system ng buong siyudad hudyat na may kaguluhang nagaganap.

"Ano nangyayari?" tanong ni Tex sa mga sundalo sa labas ng aming bakuran.

"Nag pakita na raw yung mga dayuhang alien at ngayon ay nilulusob nila ang sentro ng siyudad. At hindi lang iyon dahil isa isa nilang pinapatay ang mga lalaking nakikita nila." ang wika ng sundalo.

"Hala! Nai kailangan na nila ang tulong mo. Mag sa panget kana at lupigin ang kasamaan!" ang wika ni Tex pero hindi ko siya pinansin. Sumubo ako ng pag kain at ninamnam ko pa ito.

"Alam mo ayos itong dessert, hindi masyadong matamis pero grabe ang flavoring." ang tugon ko

"Nai, nakuha mo pa talagang kumain? Nagugunaw na ang mundo! Please naman!"

"Hindi ako aalis sa mamahaling silyang ito. Kung gusto mo lunukin mo itong baso at mag sa darna ka! Kohei rice please!! Ang tagal naman!" ang sigaw ko pa.

"Sige huwag kang kumilos, yung sinasalakay ng kalaban ay ang sentro ng siyudad. Nasaan ba ang kompanya ng papa at kuya mo? Hindi ba't nandoon? Paano kung may mangyari sa kanila?" wika ni Tex dahilan para mapahinto ako sa pag nguya.

"Hala! Bakit hindi mo agad sa akin sinabi ang bagay na iyan?" ang tanong ko naman sabay batok sa kanya

"Kanina ko pa sinasabi no, sadyang wala kang paki alam." ang tugon niya kaya naman agad akong tumayo at nag palit anyo bilang si Super Panget.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon