SP Part 34: Kasunduan

2.6K 163 11
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 2

Feb 8, 2018

Natawa rin ako "Ginagawa natin iyon dahil nag mamahalan tayo diba kuya?"

"Oo naman. Mahal na mahal kita." tugon niya sabay halik sa aking labi.

Yung tipong inaakala ko ay mahihirapan ako mag paliwanag kay Rui, ngunit sa isang iglap ay madali niya itong natanggap. Hindi na siya nabigla o nag tanong pa.

Ang lahat talaga ng bagay ay may tamang timing. Ang pag kakataon na ang gagawa ng paraan para sa iyo. Ang kailangan mo lang ay mag hintay

Part 34: Kasunduan

Hindi naman nag bago ang pakikisama sa akin ni Rui matapos niyang malaman na ako at si Super Panget ay iisa. Sa tingin ko ay mas lalo pa nga siyang naging malambing at maalaga sa akin. Hindi pa rin nag babago ang pagiging over protective niya kahit alam niya na may kakayahan naman ako upang ipag tanggol sa akin sarili.

Kung minsan naman ay napapagkatuwaan ko na ipasyal siya sa iba't ibang lugar, simple lang naman dahil nakaka lipad ako at mas nakaka punta kami sa lugar kung saan nagiging sarili namin ang mundo. Dahil dito ay mas lalo pang tumibay ang aming samahan o relasyon.

"Master Rui, Master Nai, bumangon na po kayo. Ngayong araw ay pauwi na ang inyong lolo mula sa ibang bansa." ang wika ni Kohei

"Ha? Bakit daw? Ang akala ko ay hindi na siya makalakad ng maayos?" tugon ni Rui

"Hindi ko po alam master." ang sagot ni Kohei.

Ang "lolo" na tinutukoy ni Kohei ay ang ama ni Papa na isa sa pinaka mayaman at pinaka makapangyarihang tao sa mundo ng negosyo. Kumbaga ay namana lang ni Papa ang yaman ng kanyang ama. Ang mga kompanya, ang marangyang buhay ay siya ang nag simula. Na ipina mana naman ni Papa kay Rui dahil sa husay nito.

Ito ang unang pag kakataon na makikita ko si Lolo. Hindi kami close at hindi niya ako binibisita noong bata ako kaya naman may kaunting kaba sa aking dibdib bagamat excited ako na mayakap siya at makamusta man lang.

"Parang hindi ka naman yata excited." ang wika ko naman noong makita ko si Rui na malalim ang iniisip.

Tumingin siya sa akin at saka ngumiting parang tanga. "May naalala lang ako bigla. Halika nga dito, kiss mo ako dali." ang wika niya kaya naman kumandong akong sa kanya at hinalikan ko ito sa pisngi sa labi ng maraming beses.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon