SP Part 13: Mandaragit

3.1K 186 12
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

January 11, 2018

Lahat kami ay nag tatakbo pabalik sa paanan ng bundok. Hindi na namin kinuha ang aming mga gamit. Ang mahalaga ay makaligtas at makaalis sa bundok na ito.

Mukhang iyon na nga ang sinasabi nung mama kanina na mag ingat kami sa mag nanakaw. Hindi literal iyon ngunit nakaka kilabot kung iyong iisipin.

Part 13: Mandaragit

Patuloy kami sa pag takbo, halos tumindig ang aming balahibo habang patuloy na hinahabol ng kakaibang nilalang na iyon sa aming likuran. Nais ko na siyang sagupain o nais kong lumipad nalang palayo ngunit hindi ko naman maaaring gawin iyon dahil mapapahamak ang aking mga kaibigan.

Sama sama kaming nag tatakbo kung saang direksyon hindi namin alintana ang pag kakadapa dahil sa hirap ng dinaraanan.

Halos ilang sandali rin kami sa ganoong pag takas hanggang sa makarating kami sa isang kubo malapit sa paanan ng bundok. Hindi na kami nag atubiling humingi ng tulong. "Saklolo! Tulong!" ang sigaw ni Tex at ng iba pa na hindi maiwasang umiyak.

"Tulong!" ang sigaw ko rin habang tumatakbo patungo sa pinto ng kubo.

Agad na bumukas ang pintuan at dito ay lumabas ang isang lalaki. Siya rin yung lalaking nag bibigay babala sa amin kanina bago pumasok sa tabing ilog. "Tulong po!" ang sigaw nila Tex

"Halika! Pumasok kayo dito sa loob bilisan ninyo!" ang wika ng mama kaya naman lahat kami ay pumasok sa loob ng kanyang maliit na tirahang gawa sa pawid at kawayan.

"Ikandado ninyo lahat ng pwedeng pasukan. Ang mga bintana ay tiyaking naka tali ng mahigpit at ang pinto ay lagyan nyo muli ng harang. Ang titigas kasi ng iyong mga ulo, sinabi ko na sa inyo na mayroong kakaibang nilalang na ninirahan doon sa kabila ng ilog hindi pa rin kayo nakinig sa akin." ang wika nito na may halong panunumbat.

"Akala po namin ay hindi totoo ang mga iyon." ang sagot ng aking kaklase habang umiiyak sa takot.

"Gusto ko nang umuwi. Yung napkin ko naiwan sa ilog. Mayroon ako ngayon." ang umiiyak na wika ni Mema na hindi maiwasang umiyak

"Tse, Mema idrama ka lang." ang wika ni Tex sabay takip sa kanyang bibig.

"Shhh huwag kayo maingay. Hindi pa kayo makakauwi ngayon dahil delikado sa dilim. Kailangan ninyong mag paumaga rito. Swerte nalang kung abutin pa tayo ng pag putok ng araw." ang wika ng mama. "Ako nga pala si Edong, dito lamang ako naka tira sa kubong ito."

"Eh bakit dito kayo nakatira? Alam niyo naman palang delikado dito." ang wika ko naman.

"Dahil wala naman akong ibang titirhan. Mahirap lamang ako at walang ikinabubuhay kundi ang pangangaso dito sa bundok. At isa pa ay nais kong ipag higanti ang aking asawa at anak na kinain ng mandaragit na iyon."

"Mandaragit?"

"Oo hijo. Ang mga mandaragit ay mga taong piniling mamuhay bilang isang mabangis na hayop sa kadiliman. Sila ay may matalim na pangil, mahabang braso at kuko. Ang kanilang tirahan ay ang kadiliman kaya't makapangyarihan sila sa ganitong kadilim na lugar. Nawawala sila sa dilim at bigla ka lamang susunggaban ng hindi mo na mamalayan. Maliwanag ang kanilang mga mata at malayo ang nararating ng mga ito. Ang kanyang pang amoy ay parang sa mabangis na tigre, tiyak na nasa paligid lamang sila." ang paliwanag ni manong.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon