Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teles...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Super Panget
AiTenshi
Fantasy 2018
Jan 4, 2018
Ibayong sakit ng katawan at kalamnan ang aking naramdaman habang hindi ako makahinga ng maayos. Nag pagulog gulong ako sa lupa ngunit ayaw umayos ng aking pakiramdam.
"DALAWANG PAG KAKAMALI!!" ang wika ng babae at mas lalo pang nanikip ang aking dibdib.
Nag kagulo na sa opisina at dito ay naramdaman kong binuhat nila ako para dalhin sa ospital.
Wala na akong natandaan pa..
Part 7: Pitik Bulag
"Master Rui, wala naman po kaming nakitang problema sa katawan ni Master Nai. Baka may nakain lamang ito na hindi maganda kaya't sumakit ang kanyang sikmura. Pwede rin naman na dulot ito ng alergy kaya't hirap siya sa pag hinga." ang narinig kong wika ng doktor noong mga sandaling imulat ko ang aking mga mata.
"Kung walang kahit ano ay bakit bigla na lamang siyang nangisay ay nawalan raw ng malay? Baka naman may ibang sakit ang kapatid ko?" boses ni Rui na may halong pag aalala.
"Ilang test na po ang aming ginawa master, ngunit wala talaga. Malusog po ang katawan ng pasyente." sagot ng doktor.
"Siguraduhin nyo lamang na tama ng findings ninyo. Buhay ng kapatid ang naka salalay dito. Kapag may nangyaring masama sa kanya ay ipapa buwag ko ang gusaling ito." ang wika ni Rui sabay lapit sa akin. Inayos niya ang aking kumot at hinawakan ang aking pisngi. "Kawawa naman ng baby bro ko. May black eye na nga, nag kagasgas pa sa mukha dahil sa pag kakasubsob kanina sa lupa."
"Eh ikaw ang may kasalanan ng pasa sa mukha ko e. Kung kagatin kaya kita ngayon?!" ang sigaw ko sa aking sarili habang nag papanggap na tulog.
Maya maya ay naramdaman kong hinaplos niya ang aking pisngi at saka tinapik tapik ito. "Huwag kana mag panggap na tulog. Ano bang nangyari sa iyo?" ang tanong nito
Iminulat ko ang aking mata, marahan dahil talagang nakaka silaw ang ilaw sa kisame ng silid. Tumingin ako kay Rui at napakunot noo. "Sino ako? Sino ka?" ang tanong ko dahilan para kutusan niya ako sa ulo. "Tado! Sinikmura ka lang, wala kang amnesia."
"Arekup, bayolente ka. Susumbong kita kay mama. Matapos mo akong pasaan sa mukha tapos babatukan mo pa ko. Hindi kana naawa sa akin!" paninita ko.
"Sshhh wag ka maingay, nandyan lang sina mama sa labas kausap ng doktor. Hoy kupal na bansot, minsan ko lang itatanong sa ito, tapatin mo nga ako. "Nag ddrugs ka ba?" ang tanong niya.