PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Super Panget
Season 3
AiTenshi
Feb 20, 2018
Isipa siya ni Sin at mabilis lumayo "Nek nek mo!" ang wika nito at mabilis niya idinikit ang bolang asul sa aking dibdib." Hindi ko maaaring ibalik sa aking katawan ang aking kapangyarihan kaya muli ko utong ibabalik sa iyo Nai." ang dagdag pa niya at doon nag liwanag ang aking dibdib at kasabay nito ang pag labas ng inukit na tatak ng SP.
Kasabay noon ang pag kawala ng katawan ni Sin sa aking paningin. Nag bukas ang lagusan at natagpuan ko ang aking katawan na bumabagsak mula sa itaas..
Nawala rin ang katawan ni Tex at ngayon ay mag isa na lamang akong nahuhulog palabas sa naturang lagusan sa ibang panahon.
Part 47: Mahalagang Pangako
Dinala ako ng lagusan sa ibang panahon. Para akong isang bulalakaw na bumagsak sa lupa at sumadsad sa mga puno dahilan para mabuwal ang mga ito.
Ganoon kabilis ang pangyayari, parang kanina lang ay nag bubuno kami ng kaaway sa loob ng mismong lagusan at ngayon ay isinuka ako kung saan dimensyon at panahon.
"Arekupp, nabali yata ang leeg ko." ang reklamo ko habang bumabangon.
"Welcome back sa atin Nai, ayos ba?" ang boses ni Sin sa aking kaibuturan.
"Paanong magiging ayos e hindi ko alam kung saan tayo dinala ng lagusang iyon." reklamo ko habang bumabangon.
"Sinasabi ko naman sa iyo na saklaw ng kalaban ang oras at espasyo. Marahil ay noong nakipag buno tayo sa kanya da loob ng lagusan ay nawalan ito sa kontrol at napadpad tayo rito." ang paliwanag ni Sin
"Paano tayo makakabalik?" tanong ko
"Kada oras ay umiikot ang lagusan, maaari natin itong hintayin na mag pakita sa atin. Sa ngayon ay kailangan natin mag lakad lakad upang hanapin ito." ang tugon niya
Noong mabawi namin ang kapangyarihan ay tila gumaan muli ang aking pakiramdam. Ang boses ni Sin ay mas luminaw na para bang lumakas ang signal at ngayon na nasa loob ko na ulit siya katulad ng dati. Pakiwari ko ba ay wala akong sakit at tila nakublihan na ito ng ibayong lakas nag mumula sa kanya.
Lumakad ako palayo sa lugar kung saan ako bumagsak, dito ko napag tanto na isa pala itong bangin at nasa gawing itaas ang kalsada na pa kurba. "Nasaan ba tayo? Nasa hinaharap ba o sa nakaraan?" tanong ko
"Kailangan ay alamin mo ito sa iyong sarili. Ang lahat ng kasagutan sa iyong tanong ay masasagot maya maya lamang." ang sagot ni Sin habang patuloy ako sa pag lalakad.
"Ayan kana nanaman eh. Teka nga baka mapag kamalan pa akong baliw dito. Kinakausap ko ang aking sarili." ang pag mamaktol ko naman.
Ilang minuto rin ako sa ganoon pag lalakad hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Kaya naman pansamantala kong isinandal ang aking katawan sa isang malaking puno habang naka tanaw sa itaas kung saan may mga sasakyang dumaraan. Hindi ko alam kung saang planeta o dimensyon ako napunta basta ang alam ko ay wala ako sa kasalukuyang panahon at wala ako sa aming siyudad.
Tahimik sa paligid..
Walang masyadong ingay maliban sa panaka nakang sasakyang dumaraan sa pakurbang kalsada. Panandalian kong ipinikit ang aking mata at doon ay nag pahinga..
![](https://img.wattpad.com/cover/136111604-288-k872263.jpg)
BINABASA MO ANG
Super Panget (BXB 2018)
FantasiaNoong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teles...