Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teles...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kuya Rui
********
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Super Panget
Season 2
AiTenshi
Jan 26, 2018
Part 23: Ang Ilog ng Balrik
"Kohei, ilang oras pa ba bago tayo makarating sa probinsya?" ang tanong ko hinahanap ang earphone ng aking cellphone.
"Mga tatlong oras pa po Master." ang sagot ni Kohei na abala sa pag ddrive.
"Oh etong earphone ko ang gamitin mo, init ng ulo mo e." ang wika ni Rui sabay abot sa akin ng kanyang gamit mula sa harap.
"Mukhang hindi apektado ng kaguluhan ang mga lugar na ito. Payapa at tahimik." ang wika ni Kohei.
"Mukhang mas naaakit ang mga alien doon sa siyudad natin dahil sobrang unlad nito. Ang sabi ko nga kina mama ay mag papatayo ako ng bahay pahingahan sa probinsya. Mas masaya kasi doon at mas payapa." wika ni Rui samantalang ako naman ay naka tingin lang sa labas ng bintana kung saan pinag mamasdan ko ang malalawak na bukirin na aming dinaraanan.
May kakaiba sa aking katawan, pakiwari ko ay wala na akong kapangyarihan. Hindi ko na rin nakakausap si Sin, tila nawalan kami ng koneksyon sa isa't isa mag buhat noong maubos ang aking lakas dahil sa pakikipag laban kay Super Beki. "Nasaan na kaya siya ngayon? Galit kaya siya sa akin dahil binigo ko siya? Dahil hindi ako nag tagumpay na lupigin ang kasamaan?" tanong ko sa aking sarili.
Napa buntong hininga nalang ako habang sumasagi ang mga bagay na iyon sa aking isipan.
Tahimik..
Kinuha ko ang earphone at inilagay ito sa aking tainga. Pinindot ko ang shuffle ng aking mp3 player at nakinig na lamang ako ng musika habang nakapikit ang aking mata.
Music Playing
Hero Heroine
It's too late baby, there's no turning around I got my hands in my pocket and my head in a cloud This is how I do When I think about you I never thought that you could break me apart I keep a sinister smile and a hold of my heart You want to get inside Then you can get in line But not this time
Cause you caught me off guard Now I'm running and screaming
I feel like a hero and you are my heroine
I won't try to philosophize I'll just take a deep breath then I'll look in your eyes This is how I feel And it's so surreal I got a closet filled up to the brim With the ghosts of my past and their skeletons And I don't know why You'd even try But I won't lie
You caught me off guard Now I'm running and screaming
I feel like a hero and you are my heroine Do you know that your love is the sweetest sin?
And I feel a weakness coming on It never felt so good to be so wrong Had my heart on lockdown And then you turned me around And I'm feeling like a newborn child Every time I get a chance to see you smile It's not complicated I was so jaded