SP Part 28: Ang Bakal na Anghel

2.5K 151 8
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 2

Feb 2, 2017

Ilang minuto ring nag liliwanag at yumayanig bago ito tuluyang humupa. Kung sa lupa ito tumama ay baka burado na aming siyudad..

Nanatili akong nakahiga sa lupa habang nakatingin sa lumilipad na si Ganda. Sa kabila ng kanyang magandang mukha ay tila may naka kubling isang mapanirang nilalang. Sa tingin ko ay may kakayahan talaga siyang sumakop ng planetang kanyang naisin.

At sa tingin ko ay hindi rin sapat ang aking lakas para gapiin siya.

Part 28: Ang Bakal na Anghel

Bumaba ang kalaban mula sa kalangitan hawak ang kanyang malaking armas na handang sumira sa lahat.

Pinilit kong bumangon, mariin kong itinukod ang aking kamay lupa upang makabalanse. Pinulot ang bola ng enerhiya at ginawa itong espada upang maging tukod sa aking pag tayo.

"Nai, ayos ka lang ba?" ang tanong ni Sin

"Medyo. Akala ko ay patay na ako." ang sagot ko habang pilit na bumabalanse. Nauga yata ang aking ulo sa lakas ng pag sabog kaya pati ang aking paningin ay umiikot at ang aking pandinig ay nabingaw.

"Mukhang totoo nga ang sabi sabi na maraming planeta ang sinakop ng isang bakal na anghel. Hindi ko lamang napag tanto na ang tinutukoy nila ay si Super Ganda." ang wika niya

"Masyado siyang OP, mukhang mahihirapan nanaman ako nito." ang bulong ko naman

Lumakad patungo aking harapan si Super Ganda. Kaya naman ang espada ay ginawa kong baril at hindi ako nag atubiling paputukan siya ng paulit ulit.

Bang! Sumibat ang liwanag ng enerhiya sa kanyang direksyon ngunit humarang ang kanyang bakal na pakpak.

Isa pang tira! Bang!

Ganoon lang ulit ang kanyang ginawa hanggang sa mag kasunod sunod na ang aking pag asinta ngunit bale wala lang sa kanya. Patuloy pa rin siyang lumalapit sa akin.

"Masyadong Over sa power itong si Ganda!" ang bulong ko sa aking sarili habang wala tigil sa pag baril.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay isang malakas na pag sabog rin ang tumama sa kalaban. Ang atakeng iyon ay nag mumula sa aking likuran kaya naman napaharap ako dito.

Dito ay nakita ko ang mga tangke at mga sasakyan ng militar na patungo sa amin. "Tulungan natin si Super Panget!" ang wika ng mga sundalo at lahat sila ay pumalibot sa kalaban sa malayong distansya.

"Fire!" ang kumpas ng komander

Nag simulang umulan ng katakot takot na bala sa paligid ng kalaban. Maging ako ay naki baril na rin upang tulungan sila. "Iyan ang nag kakaisang mga tao para sa kapayaan. Very touching!" ang wika ni Sin.

"Natural, dapat ay tulungan nila ako dahil para sa kanila rin ito." ang tugon ko naman habang abala sa pag baril ng sunod sunod.

Binalot ng malalakas na pag sabog si Super Ganda. Ngunit ang nakakabigla ay hindi man lang ito nagalusan. Nagawa pa niyang ibuka ang kanyang pakpak at lumipad sa ere.

Napatingala ang lahat sa kanyang pag lipad..

Maya maya ay nag simulang bumukas ang kanyang bakal na bagwis at walang ano ano ay nag simula na itong mag karga ng enerhiya. "Nai, ang kanyang pakpak ay nag lalaman ng daan daang bala! Maraming mamatay!" ang tinig ni Sin.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon