SP Part 15: Ang Biyaya ni Nai

3.6K 192 20
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

AiTenshi

Jan 15, 2017

Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan!! Pati ako ay natakot sa aking anyo.

"ANO ITO?!!!"

"Anoo toooo!!!???!!!"

"Iyan ang aking kapangyarihan.

Simula ngayon ay tatawagin kang si Super Panget!" ang boses ni Sin!

Part 15: Ang Biyaya ni Nai

"Nasan na ba kasi sina Super Nardo? Ang ggwapo naman nila. Sila ang bet kong super hero." ang wika ng beking tindera

Reporter: Ano naman ang reaksyon mo noong makita mo ng malapitan ang nag papakilalang bagong super hero daw na feelingero. Siya raw ang katapat ni Superman dito sa Pinas.

"Naku chaka siya hano. Sabog yata ang Super Panget na iyan. Dapat sa kanya ay ipako sa krus at sunugin sa plaza!"

Reporter: Eh bakla ano naman ang reaksyon mo na nag trend siya ngayon sa mga social media?

"Hay nako, imbyerna ako. Umiiyak tuloy itong frend ko dahil nag upload siya kahapon ng cleavage niya pero walang pumansin sa post niya. Kanina inaupload niya yung buong boobs niya wala pa ring pumasin sa kanya dahil sa Super Panget na iyan. Imbyerna talaga!" ang sagot ng beki habang naka hawak sa bangus at itinututok sa kamera.

Reporter: Mga kababayan, ang pag labas nga ba ni Super Panget sa publiko ay simbolo ng kapayapaan o siya ba ay may dalang kamalasan? Ito na ba ang senyales na ang mundo ay malapit nang magunaw o ito ang simula ng katapusan? Nasaan na nga ba ang mga kinikilalang tunay na taga pag tanggol ng ating planeta? Dapat bang ipaubaya ang ating kaligtasan sa bagong nilalang na ito? Si Super Panget ay panget rin kaya ang dala? Ako po si Liza Mae Lawit ang inyong taga pag ulat. Back to you Rhoda Mae Bayhag.

*Turn off TV

"Nakita mo na? Pinag tatawanan ako ng buong bansa! Ayoko na nito! Sa iba mo nalang ibigay ang kamalasang ito! Super herong panget? Putang ina! Gusto ko nang patayin ang sarili ko!" ang galit kong sigaw kay Sin noong muli kami mag kausap.

"Wala namang mali sa itsura mo bilang isang super hero diba? Ang mali ay ang pag iisip ninyong mga tao kasama na ang utak mo. Ngayon ay alam mo na ang pakiramdam ng maging isang pangit. Para sabihin ko sa iyo Nai, hindi maalis ang sumpang iyan sa iyong katawan dahil naka kabit na ito sa iyong kaluluwa. Nitong mga nakaraang taon ay napaka panget ng pakikitungo mo sa mga taong hindi kaaya aya ng anyo kaya lahat ng iyon ay naipon at naging bwelta sa iyong anyo bilang isang super hero. Inshort ay karma ang sinapit mo. Mas masama ang ugali ay mas pangit ang iyong magiging anyo."

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon