PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Super Panget
Season 3
AiTenshi
Feb 25, 2018
Inabot ni Troy ang kanyang kamay at habang nasa ganoong posisyon ito ay bigla na lamang naputol ang kanyang ulo!
"Troy!!" ang sigaw ni Sin!
Pati ako ay nabigla sa pang yayaring iyon.
Halos matulala si Sin sa kanyang nasaksihan kaya mabilis itong lumipad sa aking tabi. At habang nasa ganoong posisyon kami ay lumabas si Tex hawak ang kanyang malaking pangalawit.
"Sorry sa istorbo Nai, tinapos ko lang ang kalaban mo." naka ngiti niya wika habang tumutulo ang dugo sa kanyang sandata.
"Tinapos ko na siya Nai.."
Maya maya ay biglang namulagat ang kanyang mata "Dahil akin kaaaa!" ang sigaw niya sabay takbo patungo sa akin!
Tumatawa siya na animo baliw..
"Papatayin kita Nai! Akin ka lang!"
Part 52: Walang Katapusang Dilim
Agad na bumalik si Sin sa aking katawan upang mabigyan ako ng karagdagan lakas. Muling kumabit ang kalasag sa aking kamay at mabilis ako ng umiwas sa atake ni Tex.
Lumundag ako sa itaas kaya ang lupa ang natamaan ng kanyang pangalawit. "Bakit?! Bakit sa dinami rami ng nilalang sa mundo ay ako pa ang napili mo? Anong kasalanan ko sa iyo!?" ang tanong ko naman.
"Sanggol ka pa lamang ay nasa iyong katawan na ako, parang isang anino na laging naka sunod. Hindi maalis at hindi mawawala. Ako ay nabuo sa takot, lungkot at negatibong emosyon ng mga tao, ngunit hindi ako tuluyang magiging malakas kung wala ang suporta ng iyong katawan. Sa lahat ng mga sanggol sa mundo ay ikaw lamang ang may kakaibang asul na liwanag na siyang aking kinakailangan upang maging malakas. Ang asul na liwanag na iyon ay kakaiba at nag bibigay ng magandang enerhiya sa aking katawan." ang wika nito
"Asul na enerhiya? Mayroon na ako noon simula noong ako ay sanggol palang." ang bulong ko sa aking sarili
"Tama Nai, at ikaw mismo ang nag lagay ng asul na enerhiyang iyon. Iyon ang ginamit mo upang iligtas ang iyong sarili noong bumalik tayo sa nakaraan. At iyon rin ang dahilan kung bakit ikaw ang nakatakdang mapili ko upang aking kinatawan. Ang lahat ng iyon ay itinakda Nai." ang wika ni Sin at muling nag balik sa aking ala ala ang eksenang iyon kung saan nakaharap ko ang aking batang sarili.
Flash back
Patuloy sa pag iyak ang batang Rui habang niyayakap ang walang malay na sanggol at ako nga iyon. Agad ko naman kinuha ang sanggol at naramdam kong mahina ang pintig ng puso nito. "Mamatay pa yata ako!" ang sigaw ko sa aking sarili
"Sin! Anong gagawin ko!" pati ako ay nataranta rin. Bata palang pala ako ay nasa binggit na ako ng kamatayan.
"Ikaw ang mag ligtas sa iyong sarili. Ipatong mong ang iyong kamay sa kanyang dibdib at isalin mo ang iyong enerhiya upang masuportahan ang kanyang buhay." utos ni Sin at agad ko naman iyong ginawa
Ipinatong ko ang kamay ko sa kanyang dibdib at dito ay nag liwanag ito. "Teka isinasalin ko ang maliit na amount ng aking kapangyarihan sa kanyang katawan diba? Hindi kaya maging Super Panget na baby ito?" ang tanong ko
![](https://img.wattpad.com/cover/136111604-288-k872263.jpg)
BINABASA MO ANG
Super Panget (BXB 2018)
FantasyNoong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teles...