PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Super Panget
Season 3
AiTenshi
Feb 22, 2018
"Hala, baliw baliwan lang Pogi? Wala pa namang nang yayari sa mukha mo, nasira lang yung maskara mo." ang pang aasar ko.
"Mag babayad ka ng malaki Panget! Papatayin kita!!" ang parang nababaliw na salita nito.
"Sige lumapit ka, sisiguraduhin kong mang hihiram ka ng mukha sa aso." pananakot ko sabay tingin ng matalim sa kanyang mata.
"LAPIT!"
sabay pakita sa aking metal na kamay..
Part 51: Tanging Ala-ala
Tumindi ang galit ng kalaban kaya literal na sumiklab ang apoy sa kanyang katawan. Kung kanina ay buntot at paa lang niya ang nag aapoy, ngayon ay buong katawan na at kasabay nito ang pag tutok niya sa akin ng kanyang palaso, nag liliwanag ito at mabilis na sumibat sa aking kinalalagyan.
Umiwas ako..
Sumabog ang palaso na tumama sa lupa kaya lumikha ito ng pag yanig at malaking hukay. "Ngii!" ang sigaw ko sa aking sarili noong makita ang isang malaking crater sa di kalayuan. Kung tinamaan ako noon ay tiyak na burado na ako.
Habang nasa ganoong pag iisip ako ay isa nanamang palaso ang sumibat palapit sa akin kaya katulad kanina ay umiwas nanaman ako hanggang sa isa pang palasong nag liliwanag ang lumipad at nag kasunod sunod na ito.
Halos nag sunod sunod rin ang malakas na pag sabog sa lupa at nabura na ng tuluyan ang sentro ng siyudad. Mabuti na lamang ay nag alisan na ang mga tao sa paligid kaya nabawasan na rin ang nasasawi. Bukod pa roon ay iba talaga ang lakas ni Super Pogi dahil pansin kong mas dumadagdag ang kanyang lakas sa tuwing nasusugatan ang kanyang pinaka mamahal na mukha. "Crazy bitch nga ang gago!" ang sigaw ko
"Told yah! Mas nasusugatan ang kanyang mukha ay mas nababaliw ang gago, mas lumalakas." wika ni Sin
"The more gasgas the more lakas? Crazy nga!" ang sagot ko naman.
Nakipag palitan ako ng atake kay Pogi. Nag paulan rin ako ng bala sa kanyang kinalalagyan. Daig pa naman ang star sa isang action movie kung saan nag babarilan ang bida at kontrabida.
Maya maya ay nag tatakbo siya palapit sa akin kaya naman itinigil ko ang pag baril at nag tatakbo rin ako pasugod sa kanya.
Nag krus ang aming mga braso at aktong iiwas ako noong bigla niya akong tuhugin ng palaso. Nakaiwas ako ngunit sumabog ito dahilan para tumilapon ako at sumadsad sa lupa.
Agad rin akong bumangon at mabilis na lumipad patungo sa kanya. Bilang ganti ay kinalmot ko ang kanyang dibdib at tinutukan ko ng baril ang kanyang mukha.
Iniwas niya ang kanyang mukha sa pamamagitan ng pag talikod kaya hindi ko ito naituloy ang pag akto. Aktong sisipain niya ako ng maisipan kong sumakay sa kanyang likod. "Ang kabayo ay sinasakyan at hindi nag mamaganda!" ang sigaw ko suntok at kalmot sa kanyang mukha. "Eto bagay sayo! Wawasakin ko ang mukha mo!!!" ang sigaw ko habang naka "horseback riding" sa kanyang likuran.
Nag wala siya at batid kong nagalusan ko ang kanyang pinaka mamahal na mukha. Nag tatarang ang kabayo at nahulog ako sa kanyang likuran. Agad niya akong inatake at pinag sisipa hanggang sa tumilapon ako palayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/136111604-288-k872263.jpg)
BINABASA MO ANG
Super Panget (BXB 2018)
FantasiaNoong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teles...