NOTE

14.1K 441 48
                                    

Cover by Ace Hathaway

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Ace Hathaway

*********

TEASER:

"Sino ba naman ang may gustong maging isang panget na super hero? Paano ipag kakatiwala sa aking kamay ang kanilang buhay kung ang aking mukha ay hindi kaaya aya at kaduda duda?"

Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teleskopyo sa mundo. Ang aking kamao ay kasing tatag ng pinaka matibay na mineral sa lupa at ang aking mukha... ang aking mukha... huwag na natin itong pag usapan pa..

-SUPER PANGET

************

Author's Note:

Mag kwentuhan muna tayo..

Fanatic ako ng mga super hero, simula bata ay sila na ang parati kong inaabangan sa telebisyon. Nangarap ako na maging katulad nila, lumilipad, malakas, at nakapag sasalba ng buhay ng ibang tao. Pero habang tumatanda ako, napag tatanto ko na hindi ako maaaring maging katulad nila dahil imposible iyon. Pero gayon pa man, hindi naalis sa aking pag katao ang impluwensya nila kaya naman gumawa ako ng aking sariling mga version nila na hinaluan ko ng BXB.

2015 noong gawin ang pinaka unang super hero ko. Ito ay si Jorel "My Super Kuya". Siya ang aking version ni Superman, pero pilit ko pa ring inilihis ang kakayahan niya para kahit papaano ay mag karoon siya ng sariling pangalan.

2016 noong likhain si Super Nardo "Ang Tadhana ni Narding". Ito naman ang male version ko ng Darna, lahat ng gusto kong scenes at kalaban ay dito ko talaga inilagay, mula sa lalaking version ng manananggal, mga alien na mula sa ibang planeta at maging ang version ni Valentina ay nandito rin.

Hindi pa ako nakontento, 2017 noong nangarap akong gumawa ng isang futuristic sci-fi story sa katauhan ni Ace ang ating Super Mecha "Ace". Nilakbay niya ang daan patungo sa nakaraan at hinaharap para lamang matagpuan ang kanyang mundo..

Nag enjoy akong gawin ang tatlong ito, pero hindi naman biro, kasi masakit talaga sa ulo ang gumawa ng fantasy lalo na kapag ang layunin mo ay higitan ng higitan yung mga nagawa mo na. Kailangan ay bago, kwela, hindi boring, delikadad at may aral sa bandang huli.

At dahil nga mahilig ako sa superhero, ngayong 2018 ay lumikha ako ng isang kakaibang super hero, sawa na kasi ako sa super hero na gwapo at perpekto kaya ginawa ko si "Super Panget". Ginawa ko ito ayon sa mga sumusunod.

1. Hindi ko intensyon na pag katuwaan ang mga panget. Bagkus mag sisilbi itong aral para sa lahat. (Pero wala naman talagang panget sa mundo, nasa tao iyan at nasa iyong positibong pag iisip)

2. Ginawa ko si Super Panget para mag bigay ng aliw at ngiti sa inyong lahat. Nais ko lamang baguhin at ibahin ang mukha ng makabagong super hero.

3. Sa kwentong ito ipapakita ang kahalagahan ng iyong sarili, kung paano mo yayakapin ang kulang sa iyo at kung paano payayabungin ang kung anong mayroon ka.

4. Ang bawat eksena sa kwentong ito ay gawa gawa ko lang, paki usap huwag ninyong gamitin ito sa inyong mga science project.

5. Wala akong hihinging votes o comments sa inyo. Hindi ko rin hinihiling na ifollow nyo ako. Basta masaya ka ay masaya na rin ako.

Wala nang pang anim. Pagod na ako.. LOL

SUPER PANGET LILIPAD NA SA PEBRERO 2018

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon