PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Super Panget
Season 3
AiTenshi
Feb 10, 2018
Part 39: Pag subok at Katatagan
"Pareng Ian, ano sa iyo?" ang tanong ni Kulas habang umoorder kami ng pag kain sa karenderya
"Gusto ko yung dinuguan at menudo!" ang naka ngiti kong sagot habang kumukuha ng inumin.
"Coming up! Sarap ng luto ni Aleng Tinay!" ang tugon ni Kulas.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay tila nakaramdam ako ng kakaibang panlalabo ng aking paningin at kasabay nito ang matinding kirot ng aking ulo.
Sa bawat pag pintig ng aking puso ay ibayong sakit sa aking bungo ang aking nararamdaman dahilan para mabitiwan ko ng mga baso tray at matumba ang aking katawan sa lupa na ikinagulat ni Kulas at ng iba ko pang kaibigan.
"Tol! Anong nangyari?!" ang pag tawag nila
"Hinimatay! Tumawag kayo ng ambulansya!" ang natatarantang wika ng may ari ng karendiryang madalas namin kainan.
Naramdam ko nalang na binuhat ako at isinakay sa isang sasakyan patungo sa ospital.
Wala na akong natandaan pa..
Tahimik..
Pag mulat ng aking mata ay agad kong nakita ang doktor sa aking tabi. Masakit pa rin ang aking ulo ngunit bumalik na ang panlilinaw ng aking paningin. "Doc anong nangyari?" ang tanong ko
"Mabuti naman at maayos kana hijo. May kasama kaba dito? Nasaan ang mga magulang mo?" ang tanong niya
"Wala po. Mag isa lamang ako." ang sagot ko
"Alam mo hijo kaya hinahanap ko ang iyong mga magulang ay nais kong ipaliwanag sa kanila ang iyong kalagayan."
"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" tanong ko naman.
"Seryoso at maselan ang iyong kalagayan ngayon hijo. Nais kong lakasan mo ang loob mo dahil ito lamang ang tanging makatutulong sa iyo at pangako na ibibigay ko ang lahat ng medikasyon upang ikaw ay maging maayos."
"Ano po ba ang sakit ko doc?" ang tanong ko naman
"Mayroon kang kanser hijo. At nasa pinaka mataas na bahagdan na ito." ang wika niya
"Kanser? Okay naman po ako ah. Paano nangyari?" ang tanong ko
"Karaniwan ang sakit na ito hindi nararamdaman ngunit unti unti nitong sinisira ang iyong katawan. Ang tumor ay isang limpak ng mga tissue na nabubuo kapag naiipon ang abnormal na mga selula. Sa normal na kalagayan, ang mga selula ay namamatay at napapalitan ng mga bagong selula habang ikaw ay nagkakaedad. Kung ikaw ay may kanser o tumor, hindi namamatay ang mga selula. Ang mga selula ng tumor ay lumalaki at dumadami kahit hindi naman ito kailangan ng katawan, at hindi tulad ng normal na matatandang selula, ang mga selula ng tumor ay hindi namamatay. Habang nagpapatuloy ang prosesong ito, ang tumor ay patuloy na lumalaki habang parami ng parami ang mga selulang naiipon sa limpak na mga tissue.
Ang pangunahing mga tumor sa utak ay nanggagaling sa iba't ibang mga selula na bumubuo sa utal at sa central nervous system at pinapangalanan depende sa uri ng selula kung saan sila nagmula. Ang pinaka madalas na uri ng brain tumor ay ang gliomas at astrocytic tumor. Ang mga tumor na ito ay nabubuo galing sa astrocytes at iba pang selulang glial, mga selulang nagnanapanatili ng kalusugan ng mga nerves. Ang ilan sa mga tumor ay hindi kakakitaan ng mga sintomas hanggang sa ito ay maging malaki kaya't magkakaroon ng seryoso at napakabilis nap ag hina ng kalusugan ng pasyenteng meron nito. Ang ilan sa mga tumor sa utak ay mabagal lumaki..
BINABASA MO ANG
Super Panget (BXB 2018)
FantasiaNoong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teles...