Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teles...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Cover donated by Ace Hathaway. Mabuhay ka!! Maraming salamat..
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Matapos ang isang buwang pag hihintay. Narito na ang kwento ni Nai..
Super Panget
Season 2
Jan 25, 2018
"Nai, kamusta kana? Halika.. Lapitan mo ako." ang boses ng isang lalaki habang nakalutang ako sa isang malawak na kadiliman.
"Nasaan ako? Bakit ang dilim dito?" ang tanong ko naman.
"Ito ang aking mundo. Alam mo ba na matagal na akong naka kulong dito? Halika.. Tulungan mo ako, ayokong mag isa." ang wika niya
"Eh bakit ka naka kulong dito? Saka paano ako napunta dito?" tanong ko naman.
"Dinala ka rito ng iyong kalungkutan, ng iyong takot.. Halika, papawiin ko ang negatibong bagay na iyong nararamdaman." ang sagot niya.
"Nasaan ka?" tanong ko
"Nandito ako sa likuran mo Nai." ang sagot niya kaya naman agad akong bumalikwas ng tingin. Dito ay naka kita ako ng imahe ng isang lalaki, hindi ko mabanaag ang kanyang mukha bagamat batid kong naka ngiti ito.
"Nai, salamat sa pag dating mo." ang wika niya at doon ay lumutang siya patungo sa akin.
"Sino ka ba?" tanong ko
"Makikilala mo rin ako Nai. Salamat talaga sa pag dating mo." ang tugon niya sabay yakap sa akin.
Maya maya ay hinalikan niya ako sa labi na aking ikinagulat.
Noong naka sugpong ang kanyang labi sa akin ay may kung anong imahe ang nakita ko sa aking isipan.
Parang larawang nag flash sa aking paningin..
Ito ang ang itsura ng mundo. Nag liliyab, at unti unting nagugunaw. Ang mga bayan ay naging abo na at gabundok na ang bangkay na naka kalat.
Agad ko siyang itinulak dahilan para maalis ang pag kakasugpong ng kanyang labi sa aking labi.
Tumawa ito ng malakas "Mahal kita Nai, hintayin mo ako ha.." ang naka ngising wika niya at dito ay unti unting nabura ang paligid..
Bumalikwas ako ng bangon sa higaan..
Natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng ospital, kulay puti ang paligid at gayon rin ang mga ilaw sa kisame. Nakaramdam ako ng kakaibang kirot ng aking ulo at ang aking dibdib ay naninikip.