PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Super Panget
Season 3
AiTenshi
Feb 26, 2018
Unti unting nawala ang bawat parte kanyang daliri, winasak noon ang katawan ni Tex. Nag hihiyaw ito habang binubura ang kanyang mga braso at paa. "Ang asul na liwanag na iyan ay nag aalis ng kasamaan, masaya ako dahil nag parte ka ng aking buhay Tex." ang wika ko pa bago tuluyang mabura ang kanyang buong sarili.
Nag laho ang kalaban sa ere at sabay noon ang pag lipad ko ang sa labas ng mundo. Dito ko napasin na wala na ito sa kanyang orbit at paunti unting bumabagsak sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin, ngunit hanggat naririto ako ay may pag asa pa ring nag liliyab sa puso ng bawat isa.
Iyon ang mga bagay na pina niniwalaan ko.
Part 54: Liga ng mga Anghel
Noong makarating ako sa labas ng kalawakan ay nakita ko ang pag guho ng aming planeta. Naka lihis na ito sa orbit kaya may posibilidad na tumama ito sa karating planeta o tuluyang mawala sa kanyang posisyon. Tiyak na mag kakamatay ang mga tao kung sakaling mawala sa tamang lugar ang aming mundo.
Taglay ko ang kakaibang lakas sa aking katawan. Sanay ay sapat ito upang magawan ko ng paraan ang problemang ito. "Sin.." ang pag tawag ko sa kanya
"Bakit Nai?" ang tanong niya
"Maaari bang pahiramin mo ako ng kaunti mo pang lakas?" tanong ko
"Natawa siya, ikaw pa ba? Ang akin ay sa iyo rin." ang wika niya. "Lipad na.. At gawin ang nararapat."
Natawa ako at agad lumipad sa pinaka ilalim ng mundo. Imposible ang bagay na ito ngunit walang mawawala kung susubukan. Noon pa man ay kinaya nang harangan ng kapangyarihan ni Sin ang paligid ng planetang ito, marahil ay kaya rin naming ibalik ito sa ayos. Susubukan kong gamitin ang lahat ng aking lakas upang itulak pabalik ang mundo sa kanyang orbit.
Huminga ako ng malalim at itinaas ang aking kamay. Nag liwanag ng husto ang aking katawan at mas lalo pang sumiklab ang asul na ilaw sa aking pakpak.
Nag simula akong itaas ang aming planeta gamit ang aking lakas. Gumuguho ang buong paligid dito kaya naman binalot ko ito ng asul na liwanag bilang proteksyon. "Sa ngayon ay nakikita sa buong mundo ang asul na liwanag na iyan Nai. At lahat sila ay nakatingala sa langit, nanalig sila sa kakayahan mo." ang wika ni Sin kaya naman mas lalo pang tumibok ng malakas ang aking puso.
"Para ito sa mga taong mahal ko, sa mga taong naniniwala na muling sisikat ang araw sa kabila ng kadiliman at kawalan ng pag asa." ang tugon ko at dito sinumulan kong iangat ang mundo gamit ang aking buong lakas. Nasa ikatlong baitang na ako ng aking kapangyarihan, sana ay sapat ito upang mapagalaw ko ito kahit kaunti lamang.
Nag lagablab ang aking kapangyarihan, naipon ito sa akin kamay at pilit kong itinulak paitaas ang aming planeta. Halos ito na yata ang pinaka malaking sakripisyon naganap sa aking buhay. Sino ba naman ang mag aakala na mauuwi sa ganito ang lahat, mula sa aking normal na pamumuhay hanggang sa imposibleng bagay katulad ng isang ito.
"Ang mukha ni Kuya Rui, iyon ang aking nakikita. Gusto ko pa siyang bigyan ng magandang mundo, ayokong masayang ang kanyang sakripisyo para sa akin. Gusto silang iligtas lahat, gusto ko mag bigay ng panibagong bukas at pag asa sa buong mundo." ang sigaw ko habang pilit na iniaangat ito bagamat nakakaramdam ako ng matinding pag hihirap
BINABASA MO ANG
Super Panget (BXB 2018)
FantasíaNoong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teles...