SP Part 44: Ang Bagong Panginoon

2.5K 155 12
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 3

Feb 14, 2018

Happy Hearts Day!

"Bitiwan nyo ako!!" ang sigaw ko

"Huwag kana pumalag bata!" ang wika ng mga ito sabay hampas sa aking ulo.

Napaluhod ako at napa ubo ng dugo, kasabay noon ang pag hilahod sa akin palapit sa mga taong nag kakagulo.

"Dalhin ang mga alay na iyan kay Panginoong Troy!" ang wika ng mga tao.

Dito ay nakita ko sina Kuya at ang iba pang kalalakihan na naka kulong sa isang malaking hawla na parang mga ibon. Kasabay noon ang pag labas ni Troy sa entablado suot ang magarbong kasuotan.

Part 44: Ang Bagong Panginoon

"Mag bigay galang kay Panginoong Troy. Ang pinaka gwapong nilalang sa buong kalawakan." ang wika ng kanyang taga sunod.

Lumuhod ang lahat at nag bigay pugay sa artistang nag aambisyon maging Diyos.

Kapansin pansin naman na ang halos lahat ng bihag sa hawla ay mga lalaking artista at modelo. "Gagamitin tayo sa pag aalay mamaya. Papatayin tayo lahat sa harap ni Troy!" ang wika ng isang bihag na aking katabi. Gwapo rin ito at kilalang artista sa showbiz.

"Nai! Ayos ka lang ba?" ang sigaw ni Rui na noon ay nasa ibang kulungan.

Humarap ako sa kanya at tumango. "Ayos lang ako." ang sagot ko naman.

Kapansin pansin ang ginagawa ni Troy sa entablado. Naka harap lamang siya sa isang whole body mirror at tinititigan ang kanyang sarili. Tila ba adik na adik siyang pag masdan ang kanyang mukha habang umaanggulo.

Nakatamihik lamang ang mga tao habang pinag mamasdan siya sa ganoong pag sasalamin. Para bang napaka halaga ng ritwal na iyon kaya't ang lahat ay naka titig.

Maya maya ay nag salita ito "Mirror mirror on the wall, who is the fairest of them all? Sino ang pinaka gwapo sa lupaing ito? Ayusin mo iyan putang ina mo!" ang wika ni Troy

Nag liwanag ang salamin at maya maya ay nag salita ito. "Ikaw ang pinaka poging nilalang sa buong kalawakan."

Nangiti si Troy..

"Pero.." ang dagdag ng salamin

Nawala ang ngiti ni Troy..

"Dito sa lupa ay hindi ka nag iisa. Maraming gwapo at mas gwapo sa iyo." ang wika ng salamin

"Sino?! Sino ang tinutukoy mo? Ipakita mo sa akin!!" ang sigaw ni Troy

"Hindi lang "sino" kundi "sino sino" dahil marami sila. Inshort Top 10 ang naka ligwak sa beauty mo dito sa lupa." ang wika ng salamin at dito ay isa isa niyang ipinakita ang mga lawaran ng mga lalaking mas pogi sa kanya.

Ang mga ipinakitang larawan ay ang mga artista at modelo showbiz. Nakasama si Rui dito at ang ilang kaibigan niya.

"Ayos pare pasok tayo!" ang wika ng mga ito.

Tuwang tuwa ang mga ito at nag apir pa..

Yung iba naman ay umasim ang mukha dahil lahat sila ay nadismaya noong hindi maipakita ang mukha sa salamin." Tangina! Kapapangit ng nakapasok ahhh! Bakit hindi kami kasali? Luto yata iyan eh! Puro mayayaman at artista ang nakapasok!" ang reklamo ng mga lalaki sa likod.

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon