Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teles...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Super Panget
Season 2
AiTenshi
Part 25: Mundo ng Kaligayahan
"Bakit ba kasi kailangan na nating bumalik doon sa siyudad? Mas masarap doon sa probinsya eh!" pag mamaktol habang naka sakay sasakyan pauwi.
"Kailangan ni papa ng katulong sa kompanya. Saka bakit parang nag bago yata ang ihip ng hangin? Ang akala ko ba ay ayaw mo doon?" tanong ni Rui
"Syempre gusto ko doon dahil nandun si mama."
"Ayaw kitang iwan doon, baka maya maya ay may gawin kana nanamang kalokohan kapag wala ako." M
"Master Nai, huwag kana mag maktol, babalik nalang tayo ulit kapag natapos na ang trabaho ng papa at kuya mo." ang wika ni Kohei na noon ay abala sa ddrive.
Ilang araw rin ang itinagal namin sa probinsya. Maraming nangyari kabilang na nga dito ang tungkol kay White Beki na naging malaya na sa kanyang pag hihiganti. Mabuti ba lamang at hindi pa huli ang lahat upang mabago ang kanyang isipan at mapakawalan sa sumpa ang ilog ng balrik. Umaasa ako na wala nang mamatay at mag bubuwis ng buhay doon mula ngayon.
Bandang hapon na noong kami ay maka uwi. Ang lahat ay abalang abala sa pag hahanda para sa susunod na digmaan ng militar at mga dayuhan. Nag kalat ang mga kanyon at mga sasakyang pang digma ng pamahalaan upang protektahan ang mga tao sa siyudad. Yung tipong para kang nanonood ng mga pelikula, kahit saan ka lumingon ay mayroong mga sundalong nakatambay.
Hindi rin nag papahuli ang aming pamilya, dahil nag hire rin pala si papa ang mga espesyalita na mag tatanggol sa aming gusali.
Reporter: Ang lahat ngayon ay abala sa pag hahanda para sa susunod na kalamidad. Ang iba nating mga kababayan ay nag tago na malayong lugar upang maging ligtas. Ang ilan naman ay humukay na lupa at sumanib sa kulto sa paniniwalang magiging maayos ang kanilang kapalaran. May mga ilang tao naman na umanib na sa dayuhang alien dahil naniniwala sila sa kasabihang "if you cant beat them, join them."
Samantalang balitang pa-star naman tayo. Kahapon ay nag karoon ng Polling sa buong lungsod kung saan boboto ang taong bayan at mag bibigay ng kanilang saloobin at komento.
Ang tanong: Sino ang gusto mong superhero na mag tatanggol sa mundo?