PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Super Panget
AiTenshi
Jan 18, 2018
Part 18: Kalangitan
"Ma, bakit ikaw ang gumagawa dito sa kusina?" ang tanong ko sa aking ina noong makita ko siyang nag pupunas ng lababo.
"Namimiss ko ang ganitong gawain. Nag luto ako ng almusal. Ang akala ko ay dito kakain ang kuya mo pero nag aapura siyang umalis."
"Saan daw siya pupunta ma?"
"Sa bagong girlfriend daw niya. Niligawan daw niya iyon noong nakaraang araw. Tapos napasagot niya kaya ayun pinuntahan na. Kung hihintayin mo siya ay magugutom ka lang. Kumain kana." ang wika ni mama.
Ako naman ay natahimik lang. Ewan ngunit para akong nainis na hindi ko mawari. Noong nakaraang araw ay hinalikan lang niya ako sa labi at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimot ang pakiramdam na iyon. Tapos ay may nililigawan pala siya? Nag "i love you" pa sa akin ang gago! Nakakainis talaga!!
"Nai, bakit ganyan ang hawak mo sa kubyertos? Mananaksak ka ba? Ayusin mo nga ang pag kain mo. Batang ito." ang wika ni mama. Hindi ko namamalayan na sinasaksak ko na pala ang omelet na kanyang ginawa.
Kaya naman pala naging busy si Rui nitong nakakaraang araw at hindi niya pineperwisyo ang buhay ko dahil abala na siya sa panliligaw ng iba. Ang ibig sabihin ay wala na sa akin ang focus niya. Mabuti iyon, ngunit nakaka inis rin kapag naiisip kong may niyayakap siyang ibang tao.
At dahil nga wala naman akong gagawin ngayon araw, nag desisyon nalang ako na mag lakad lakad sa bakanteng lote dito sa loob ng subdivision. Maluwang ang lupang iyon at may malawak na bukirin kaya't napaka presko ng hangin. Ito lang yata ang tanging lugar dito sa siyudad na may berdeng kulay. Dito na ako lumaki, sa pag tambay sa lugar na ito.
Naupo ako sa harap ng sirang clubhouse paharap sa bukirin. Dito ay maigi kong pinag masdan ang maaliwalas na panahon. Kulay asul ang kalangitan, berde ang paligid, malakas ang hangin at tahimik. Parang hindi ko yata maaatim na masira nalang ng ganoon ang isang magandang lugar na ito.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan..
Nalalapit na ang pananakop.
Natatakot ako, ngunit wala naman akong mapupuntahan dahil sa huli ay sarili ko lamang rin ang aking masasandalan. Natatakot nga ba talaga ako? O natatakot ako para sa mga tao sa paligid ko? para sa aking mga magulang at kapatid, para sa aking mga kaibigan. Hindi ko yata kayang makita silang natatakot o nasasaktan.
BINABASA MO ANG
Super Panget (BXB 2018)
FantasíaNoong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teles...