SP Part 30: Mahinang Puso

3K 147 4
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Super Panget

Season 2

Feb 5, 2018

"VICTORY!"

At saka muling namatay..

Tahimik..

Nag simulang mahawi ang dilim sa kalangitan.

Ako naman ay napatigtig lang sa bumubukang liwanag na nag mumula dito..

Maya maya nawasak ang aking kalasag at bumalik ako sa pagiging si Nai..

Tumumba ang aking katawan sa lupa at pumikit ang aking mga mata..

Part 30: Mahinang Puso

Muli kong natagpuan ang aking sarili sa kadilimang iyon. Nakalutang sa maitim na alapaap habang pinag mamasdan ang sirang siyudad at kabundok ng mga taong namatay dahil sa matinding labanan. Hindi ko alam kung bakit ako nandito, kung bakit kailangan makita ko pa ang kinalabasan ng malagim na engkwentrong iyon sa pagitan naming tatlo nina Super Ganda.

"Nagustuhan mo ba ang tanawin Nai?" ang pamilyar na boses na aking narinig.

Luminga linga ako sa paligid. "Sino ka ba? Nasaan ka?!" ang tanong ko

"Nandito lang ako sa tabi mo Nai, parati akong nandito sa iyong tabi. Parang isang anino o kaya ay maaari rin akong parte ng iyong pag katao." tugon niya na may masayang tinig.

"Ngunit hindi kita makita, at hindi rin kita kilala. Isa ka bang kapanalig o kaaway?" tanong ko ulit

"Kanapalig mo ako, at kaaway rin ako ng mga nag mamahal sa iyo. Gusto ko ay akin ka lang Nai. Mahal na mahal kita.." ang masayang tugon niya sabay bitiw ng tawang kinikilig. "Nagustuhan mo ba ang tanawin? Ang mga gabundok na taong iyan ay ang magulang ng kaibigan mo, mga kamag anak mo, mga kaka kilala at nakakasalubong sa araw araw. Lahat sila ay namatay at tinamaan ng mga pag yanig na dulot ng inyong labanan. Mga walang kalaban labang nilalang na nabagsakan ng gumuhong gusali, tinamaan ng ligaw na bala at inatake sa puso dahil sa matinding kaba. Lahat sila ay umiiyak ngayon Nai. Naririnig mo ba?" ang tanong niya

Noong sabihin niya ang katagang "umiiyak" ay nag simula na nga akong makarinig ng mga taong nag iiyakan sa aking tenga. Kahit saan ako lumingon at bumaling ay hindi ito tumitigil kaya naman tinakpan ko ang aking dalawang tainga. "Tama na! Tama naaaaa!"

"Nai, alam mo ba kung sino ang may kasalanan ng malagim na trahedyang ito?" tanong niya ulit

"Yung mga Super Enemy. Yung mga kalabang dayuhan!" ang sagot ko

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon