PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Super Panget
Season 3
AiTenshi
Feb 12, 2018
Ang pag mamahal na ibinibigay sa akin ng mga tao sa aking paligid. Iyon ang nag babalik ng aking lakas. Tila ba nabubuhay muli ang aking dugo at pumipintig ng mabilis ang aking puso. Nag iinit ang aking katawan at sumisigla ang aking kalamnan.
Habang naka kulong ako sa bisig nina mama at Rui ay may kung anong tuwa ang aking nadarama.
Kasabay noon ang isang pamilyar na tinig..
"Nai.."
ang boses ni Sin..
Part 42: Dalawang Mundo
Noong marinig ko ang boses ni Sin ay unti unting nag bago ang aking paligid. Nanatili akong naka upo sa higaan habang naka kabit ang tubo sa aking kamay. Samantalang nawala naman sina mama, kuya at iba pa.
Nabalot ng dilim ang paligid at tanging ang kilalagyan ko lamang ang maliwanag. Maya maya ay lumakad si Sin patungo sa akin. Nakatapak siya sa isang maliit na liwanag na nag sisilbing ilaw naming dalawa.
"Sin! Patawarin mo ako." ang wika ko habang naka tingin sa kanya
"Kamusta kana Nai? Matagal kita inaabot ngunit hindi ko ito magawa dahil sa ngayon ay wala na ang ating kapangyarihan. Kung mapapansin mo ay madilim ang ating paligid, tanging kaunting liwanag lamang na ating tinatapakan ngayon ang tanging mayroon tayo."
"Bakit nag kaganoon? Paano mo ako naabot?" ang tanong ko
"Una ay nais kong sagutin kung bakit kaunting liwanag lamang ang ating tinapakan. Ito ay dahil nakabalot ng kadiliman ang iyong buong pag katao. Lahat ng galit, takot, lungkot at mga negatibong bagay ang nag palakas ng husto sa iyong kalaban kaya't nagawa niyang burahin ang ating kapangyarihan. Maging ako ay nagawa niyang ikulong sa kadiliman dahil humina ka ng husto at nag padala ka sa iyong negatibong emosyon." ang wika ni Sin at dito ay nag balik sa aking ala ala ang pang yayari noon kung saan pilit niya akong tinatawag ngunit hindi ko siya napapansin.
Flashblack
Maya maya ay boses naman ni Sin sa aking likuran ang aking narinig. "Nai! Huwag mo siyang puntahan! Hinaharangan niya ang aking kapangyarihan! Huwag kang makinig sa mga sinasabi niya dahil ginagamit niya ang kalungkutan mo para kainin ka! Nai!!!" ang sigaw nito at doon ay nakita ko si Sin na unti unting kinakain ng dilim.
"Nai, tayong dalawa nalang ang natitira sa mundong ito. Lumapit ka sa akin at mamahalin kita. Akin ka lang Nai.. Halika sa aking piling at kalimutan mo ang dating ikaw." ang wika niya
Tila may kung anong pwersa ang nag tutulak sa akin para humakbang patungo sa kanyng imahe naka bukas ang palad. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha ngunit pakiwari ko ay matagal ko na siyang kakilala.
"Tama iyan Nai. Lumapit ka sa akin at kalimutan mo ang mundo. Kalimutan mo kung sino kang talaga." ang wika niya
At sa aking likuran naman ay naririnig ko si Sin ngunit palabo ang kanyang tinig hanggang sa hindi ko na ito maunawaan pa.
"Nasasaktan ka ba? Masakit talaga kapag ang sarili mong pamilya ang nanloko sa iyo." ang wika pa ng imahe
"Nasasaktan ako, nalulungkot at hindi ko na alam ang dapat kong gawin." tugon ko
BINABASA MO ANG
Super Panget (BXB 2018)
FantasyNoong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teles...