PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Super Panget
Season 3
Feb 11, 2018
Part 40: Tableta
Sa pag lipas ng mga araw ay pinilit kong ibalik sa normal ang aking pamumuhay. Pumapasok ako sa trabaho at ginagawa ang aking araw araw na gawain. Kapag sumusumpong ang aking ulo ay agad akong lumulunok ng gamot upang maibisan ito.
Wala namang nakaka alam na may sakit ako, maliban sa mga kaibigan ko sa construction halos sila na rin ang tumutulong sa akin sa pag papagamot. Hindi naman bumabagsak ang aking katawan maliban sa panaka nakang pag dura ko ng dugo at pag durugo ng aking ilong.
"Nai, kamusta?" tanong ni Gun noong pumasok ito sa kainan kung saan ako namamasukan.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman
"Diba ang usapan natin ay regular bibisitahin para makasiguradong maayos ka? Para sa iyo." ang wika nito sabay abot ng isang kahong kakanin at mga damit na kabibili palang.
"Para saan to?" tanong ko ulit
"Pasalubong ko sa iyo. Maliit na bagay na iyan." naka ngiti niyang sagot sabay upo sa kainan.
"May order ka ba?"
"Dalawang boteng beer at yung pinaka espesyal ninyong pulutan. Pero siya na lamang ang pakuhanin mo ng order ko. Maiwan ka rito dahil nais kitang makausap." ang tugon niya
"Maka usap? Tungkol saan?"
"Kahapon ay naka uwi na si Rui dito sa bansa. Nabawi na siya ng iyong ina at annul na sila nung babaeng pinakasalan niya. Ang plano ng kuya mo ay galugarin ang bawat sulok ng bansa para mahanap ka lang. Anong plano mo?" tanong niya
"Wala. Dito lang ako. Kung hindi mo naman ako ituturo ay hindi niya malalaman na nandito ako diba?"
"Kung sa bagay ay tama ka doon. Teka ayos ka lang ba? Dumudugo ang ilong tol!" ang gulat na salita ni Gun sabay dukot sa kanyang panyo.
Agad naman akong tumalikod at mabilis itong pinunasan. "Dala lang siguro ito ng sobrang init." wika ko naman sabay lakad palayo sa kanya.
Naka uwi na pala ng bansa si Rui, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Kung ano ang sasabihin ko kung sakaling dumating ang araw na mag krus ang aming landas. Hindi naman imposibleng mangyari iyon dahil maliit lamang ang mundo.
Habang nag aayos ako ng kagamitan sa kusina ng kainan ay napukaw naman ang aking atensyon sa telebisyon kung saan may eksenang nag kakagulo ang mga tao sa siyudad. Kasabay nito ang isang report tungkol sa naturang pang yayari.
Report: Nandito tayo ngayon sa sentro ng siyudad kung saan nagaganap ng concert ng pinaka sikat na artista ngayon sa buong bansa. Halos hindi inaasahan ang biglaang dating ni Troy sa siyudad kaya naman nag kagulo ang kanyang mga fans at followers.
Kung ating matatandaan ay sumikat si Troy, teka paano nga ba sumikat si Troy? Pero hindi na mahalaga iyon! Ang sikat at super gwapong personalidad na ito ay handang mag pakilig at bihagin ang ating mga puso sa ganda ng kanyang tinig at sa kanyang mukha na mala anghel na bumaba sa lupa.
Sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa ating paligid dulot ng kaliwat kanang pang gugulo ng mga dayuhan ay nanataling matatag at naka ngiti pa rin ang mga mamamayan ng ating siyudad. Salamat sa iyo Troy, ikaw ang star ng aming mga puso! Mabuhay ka Troy! Ang pogi pogi mo!!! Ako po si Liza Mae Lawit! Reporting!!!
BINABASA MO ANG
Super Panget (BXB 2018)
FantasiNoong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teles...