Makakayanan mo kaya mahiwalay sa taong mahal mo ng matagal? Yung mga bagay na ginagawa niyo lage nung magkasama kayo na parang routine
na. Yung bang mga panahon na isang tawag mo lang at pupuntahan ka kagad niya dadalhan ka ng paborito mong pagkain at okay ka na ulit.
Para kila Leslie at Sophie hindi issue sa kanila ang magkalayo sila, kahit na hindi sila magkasama araw-araw lage naman sila may communication
facebook,instagram,twitter at skype pinakyaw na ata nila ang lahat ng social media. Ganoon nila kamahal ang isa't-isa. LDR man sila ngayon alam
naman nila na hindi sila mawawalan ng trust at syempre ang pagmamahalan nila.
NEW YORK, 9:00PM
(magkaibang mundo by: jireh lim)
"Good morning mahal ko" bati ko sa kanya bale 6am na sa pilipinas at magreready na siya sa trabaho niya. Yep Sophie's already working sa isang
agency, assistant secretary siya dun.
"hmmm, mahal ko tinatamad akong pumasok ngayon" sabi niya habang kinukusot kusot niya pa ang mata niya. Masasabi ko nga na hindi na siya ngayon
morning person natatawa ako kasi humihikab pa siya hanggang ngayon.
"late ka na kasi nakauwi kaya ngayon inaantok kapa rin sige na mahal ko magprepare kana malalate kana oh" sabi ko sa kanya, magulo pa buhok niya
pero i find it sexy haay namimiss ko na talaga siya.
"ehh kasi naman dadaldalan na naman ako ng boss ko, lage kasi mainit ang ulo nun." naikwento niya kasi sa akin na yung boss niya
ay isang bachelor at sa murang edad palang ay siya na nagmamanage ng kumpanya naku muka naman may gusto yung boss niya sa kanya.. Nginitian ko nalang siya habang nagkukwento ulit sa boss niya nag eenjoy
kasi akong dumada lang siya lage para ko na rin siya kasama ngayon..
"tapos eto pa buti pa yung dalawang kambal nandun sa Cebu kasi pinaseminar sila lage na naman sila magkasama samantalang ako naiwan dito...:" patuloy na pagkukwento
niya. Magkasama kasi silang tatlo sa trabaho..
"ganun ba, naku kawawa naman pala ng mahal ko" kinuha ko ang laptop ko at nilipat ko sa may kitchen area nagugutom na kasi ako kaya kumuha na muna
ako ng makakain sa ref buti nalang may naiwan pa na ulam nilagay ko nalang muna sa microwave at bumaling ulit ang atensyon ko sa laptop.
"anyways kamusta kana? nahihirapan ka pa rin ba magsettle jan?" tanong niya sa akin, kung nagtataka kayo kung bakit nasa new york pa rin ako
yan ay dahil sa desisyon ni kuya na dito na muna ako dahil may nagloko sa isa sa mga board members dun sa korea. pero habang hindi pa nasesettle
yun dito na lang muna ako at nag aaral pero nakakaya ko naman ngayon mag manage dito may tumutulong din naman sa akin.
"okay lang naman ayun si kuya may pinuntahang business meeting sa France, haay eto nga katatapos lang ng night class ko may tatapusin pakong
financial statement tapos ipapacheck ko pa" habang minamasahe ko ang ulo ko, napansin naman niya ito. kinuha ko na muna yung pagkain sa microwave
BINABASA MO ANG
BADASS leslie (book 2)
Romantizmtribute chapter of my badass leslie dalawang taon na pala tayo guys! hahaha..