Aurhor
Hinihintay nila Julie, Isolde, Fleur, Laird at Jago ang tawag ni Elmo sa facetime. Naisipan din nila na mag sleepover kila Julie para naman may magaasikaso kay Julie sa madaling araw. Si Elmo kasi minsan yung nagaasikaso sa kanya kung magising man sya ng madaling araw.
"Juls, matulog ka na kaya? 11:00 pm na oh. Diba sabi ni Elmo wag daw namin ikaw pupuyatin. Gisingin ka nalang namin kapag tumatawag na."
Sabi ni Fleur. Halata kasi sa mukha ni Julie na inaantok na sya.
"Ha? Sige kaya ko pa."
"Ay buntis ka nga naman oo! Matulog ka na. Wag na matigas ulo."- Jago
"Kami malalagot nito kay Captain Monggoloid pag napahamak ka."- Laird
"Ako bahala sa inyo. I can handle it naman kung pagalitan kayo ni Moe."
"No! Bes matulog ka na."- Isolde
"Oo na nga! Oo na! As if naman mananalo ko sa inyo e. Tssss."
Tsaka humiga si Julie at tuluyan syang nakatulog.
*****
Isolde
Lokong Monggolid yun! 12:30 na di pa din tumatawag!
"Matulog na kaya tayo? Inaantok na ko e!"
"Aysus! Kunwari ka pa! May date lang kayo ni Antonio mamaya e!"
"Fleur manahimik ka. Seryoso talaga guys, inaantok na ko."
"Guys ayan na oh! Calling na!"
Agad naming sinagot yun.
"Elmo! Gago ka ba? Anong oras na?! Bakit ngayon ka lang tumawag?"
Sabi ko kay Elmo.
"Sorry na! Nahirapan kasi ako humanap ng hotel dito sa Venice e!"
"Aba't nag-Venice si Mokong!"- Fleur
"Ganun talaga Fleur! Pinagrerelax ako ng best friend nyo e. Di ko pa ba susulitin? Alam ko namang pag nanganak na yan, full time dada na ako."
"Captain! Buti alam mo. Magiging full time asawa ka din dahil ang tigas ng ulo nitong si Julie!"
"Jagonggago kaya yan! Captain Elmonggoloid to e!"
"HAHAHAHAHA!"
"Nga pala nasaan na yung buntis?"
"Pinatulog na namin. Kanina ka pa nyan inaantay e. Kaya asahan mo na magiging suplada yan sa'yo sa sususnod na tumawag ka sa facetime!"- Laird
"Ganun ba? Lambing lang katapat nyan. Pwede bang pakita?"
Tsaka namin iniharap kay Julie yung iPad mini nya na gamit namin sa pagfe-facetime.
*****
Elmo
Grabe! Ganda talaga nya. Kahit natutulog.
"Sige na guys. Alam kong gusto na ninyong matulog. Mga zombie! Kailangan ko na din mag pahinga.
Kailangan na nilang magpahinga dahil 2 am na sa kanila. Dito naman 7 pm palang.
"Salamat naman monggoloid naisipan mo kaming patulugin. Sige na. Ingat ka nalang dyan. Gisingin pa ba namin si Julie?"- Isolde
BINABASA MO ANG
My Slave, My Love
FanfictionShe was just a simple, lame, and a normal girl for me. Until our circle became united. And in that night, I never expected, never ever, that I will fall inlove with her. She became my world. She became my strength and my weakness. Somehow my evilnes...