Chapter 53

1.1K 29 7
                                    

Author

"My Elmo, ayun na yung village na hinahanap natin! Dun pala yung bahay na sinasabi nila kuya."

Sabi ni Julie kay Elmo habang tinutulak nito ang stroller ni Skye na natutulog na. Si Elmo naman dala yung mga gamit nila.

"Oh sige, tara!"

Aya naman ni Elmo.

Sa Bellerose Village sila nagtungo at pumasok na sa bahay nila.

"My Juls, malaki naman pala. So we don't need na to look for another house right?"

"Yeah! Okay na 'to. Tatlo lang naman tayo e."

Inayos na nila ang mga gamit nila. Nilibot nila ang buong bahay. Simpleng two-storey house ang bahay nila. Yun nga lang mas malaki ng kaunti compare sa mga subdivisions sa Pilipinas. May limang kwarto din. Tatlo sa second floor at dalawa sa first floor. May mini living room pa sa second floor then may isang music room with 2 violins and a grand piano. Sa dulo ng second floor ay veranda kung saan ay tanaw mo ang Statue of Liberty.

Since maggagabi na sa New York, they decided na mag supermarket. Alam ni Elmo ang mga pasikot sikot dito dahil nadaan sya dito noong nag European Tour sya. Nag ride muna sila ng bus dahil iipon pa sila for their car.

*****

Julie

After namin mag supermarket ay nag shopping kami para makabili ng damit. Kaunti lang kasi ang dinala namin. Syempre, LMW kami bumili. And fortunately, di ako nakilala ng mga Filipino CEOs dun. Araw kasi ng stock checking e. Syempre libot libot din. Pag kasi nakilala nila ko, gagawin nila akong Fashion Designer.

Bumili kami ng mga damit namin, konting pasyal then umuwi agad kami.

Nandito kami ngayon sa kitchen kumakain.

"My Juls, bukas na nga daw pala start ko sabi ni Mr. Freytag."

"Ah o sige. Ako na bahala sa susuotin mo."

After namin kumain, pinabayaan ko munang mag laro sa play pen nya sa kwarto namin si Skye habang si Elmo naman inaayos ang mga gamit na dadalin nya bukas at ako naman ang nagliligpit sa kusina.

"My Juls! Skye is crying!"

Sigaw ni Elmo from the mini living room.

"Ha? Wait lang. After I fix here!"

"Mama!!!! Uwaaaaaa! Uwaaaaaaaaa! Mamaaaaaaa!"

Tsk. Teka lang anak, matatapos na si mama.

Minadali ko ang pagliligpit ko dito at dali dali akong nagtungo sa kwarto namin sa taas.

Pagpasok ko, si Elmo nasa may walk-in closet habang si Skye naman iyak pa din ng iyak kahit tinatawag na sya na dada.

Jusmiyo! Puro sipon si Skye at basang basa ng luha yung mukha nya saka yung stuff toy nyang Precious Moment.

Kinarga ko sya at dinala sa kama namin.

"My Elmo! Bakit naman pinabayaan mo lang si Skye umiyak? Di mo nalang sya pinagtimpla ng gatas."

"Sorry My Juls! Ang dami ko kasing hinahanap na documents sa luggage eh."

Di nalang ako sumagot. Kainis. Pinabayaan lang nya umiyak si Skye!

Pinagtimpla ko ng gatas si Skye saka kami nagpunta sa may veranda. Since malakas ang hangin doon.

Habang dumedede si Skye sa milk bottle nya ay hinehele ko sya para makatulog na.

Wala pang 30 minutes ay nakatulog na si Skye. Habang tumatagal, nagiging black yung mata nya. Napansin ko lang. Habang lumalaki nag iiba ang kulay.

My Slave, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon