KENZIE's POV
"Ano ba kenzie, kaylan ka ba titigil? Hindi ka naman dating ganyan diba?" Sigaw ni papa, na galit na galit dahil sa ginagawa kung paulit ulit na kalukuhan.
" Eh kayo po, di rin naman po kayo dating ganyan diba?" Naluluhang tanong ko habang iniisip ang dating masayang buhay namin kasama si mama.
"Ah sumasagot ka na ngayon?" Sabay pwesto ng kamay para isampal sa mukha ko.
" Dad wag! " pigil ni kuya alex na kakapasok lang sa bahay.
"Hay isapa!" sabay talikod at lakad paakyat nang hagdan ngunit na pahinto ako ng marinig...
" Oh alex pagsabihan mo nga yang kapatid mong dumadagdag sa problema di na naawa saking pagod na pagod sa kakatrabaho para sa kompanya. And now she just destroying the name of our family, na iniingat ingatan ko." Mas lalo akong nainis sa sinabi ni papa. 'NAME??? aanhin ko ba yang pangalang iniingatan nya? Atensyon ang kailangan ko hindi pera.' Nagpatuloy ako sa pag-akyat at pumasok sa kwarto sabay higa sa kama at dun na tumulo ang walang katapusang luha.
Sana di nalang namatay si mama, sana di nya nalang kami iniwan. Para hanggang ngayon ay masaya at lagi parin silang may oras sakin. Mula kasi nang mamatay si mama dahil sa car accident ay parang nawala na rin si papa. Tanging si kuya na nga lang ang natira nong mga panahon na iyon. Si kuya ang naging kaibigan,karamay, at naging magulang ko. Si kuya ang nag-aruga sakin kahit may katulong sa bahay.
Akala ko si kuya na ang mag po prove na di ako nag-iisa at di ako mag-iisa, na lagi siyang nariyan sa lahat nang oras dahil nangako siyang di nya ako iiwan , di sya tutulad kay mama at papa.
Pero ngayon yun na ang nararamdaman ko, na ako nalang ang mag isa sa buhay, walang nagmamahal, walang nag-aalala at walang pamilya. Mula kasi nang binigyan ni papa si kuya ng sarili nyang kompanya e nawala na yung dating pagsasama namin wala ng gimik , wala ng tawanan, wala ng movie marathon , wala ng oras, lagi na siyang pagod ni di ko na makausap...
Siguro kailangan ko na talagang tanggapin na ako na lamang ang mag-isa. Na kahit nandyan sila ay di na babalik ang dating pagsasama.
"Kenzie? Open the door! We need to talk."
" Para san pa kuya? Kahit mag-usap pa tayo di mo na ako mababago at di ko na kayo mababago. Di na maibabalik ang dati, di na mababalik si mama. So pls just leave me alone, I just want to be alone." Yun naman talaga ang nararamdaman ko eh. Ang salitang ALONE.
" Alone? But you don't have to" Napahinto ako sa pag-iyak dahil sa gulat.
Pinunasan ang luha sa mukha. "Yah! I don't have to, pero yun ang nararamdaman ko, yun kuya ang pinaparamdam nyo . Pero ayos lang kuya sanay na ako at kung hindi pa wag kayong mag-alala masasanay rin ako." Bat ganon? bat parang pinapamukha nila sakin na ako ang may kasalanan, na ako ang hindi makaintindi.
Na ako ang dahilan kung bakit nangyayari ito. Kung di nila ako naiintindihan , mas lalong di ko sila na iintindihan.
"Sige hahayaan kitang makapag-isip ngayon. But tomorrow Kenzie we need to talk." Dinig ko ang foot steps ni kuya pababa nang hagdan.
"Let see, siguradong di nanaman matutuloy dahil wala nanaman siyang oras." Bulong ko sa sarili.
---<KINABUKASAN>---
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nakasintro sa mukha ko. Agad akong tumayo at lumakad papunta sa CR. Naligo , nagtooth brush. Paglabas ko ng CR ay agad kong napansin ang gatas at 3cookies sa tabi ng lamp.
Agad akong nagbihis ng pink t-shirt with print na 'Bad boys can't destroy me' sa harap at blue pants na fit sakin. Bago lumabas ay ininom ko muna ang gatas at kinain ang cookies. Lumabas ako ng kwarto, bumaba sa hagdan. "Bye ate" sabay kaway kay ate Brithamea na naghuhugas ng plato.
Ang tanging gusto ko lang ngayon ay lumabas at maghanap na mapagbabalingan nang galit. Wala akong pakialam kung anong pwedeng mangyari sakin.
"Hey! wait" Agad akong napalingon at napahinto ng makitang nandyan si kuya at hindi siya umalis.
" Ku-Kuya?" Hindi ko alam kung anong gagawin. I'm stuck here.
"Kenz? ano ? gusto mo labas tayo? sagot ko." Hindi ko alam kung anong sasabihin. 'Woah is that real? Bumalik na ba ang kuya ko o kalukuhan lang ito? Baka panaginip lang?' Tinapik-tapik ko ang pisngi ko.
Napangiti si kuya. "Its not a dream, my bruha." Dahan-dahang gumalaw ang paa ko at hinila ako palapit Kay kuya. 'Bumalik na nga yung kuya ko.'
Niyakap ko siya. "Kuya, naman e." Sinuntok-suntok ko siya sa dibdib ngunit hindi ganon ka lakas, kundi parang tapik lang para sa kanya. Ngumiti siya at niyakap ako. "Sabi mo hindi mo ako iiwan. Pero iniwan mo na ako. Gusto kong isumbat lahat ng ginawa kong kalukahan dahil para sakin ikaw ang dahilan ng mga ito." Di ko na ata mapipigilan ang mga luhang ito.
"I didn't do that. Sorry kung yun ang naramdaman mo. I love you Bruha ko." He hold my chin and guide my head to face him. 'Bruha? Naiinis ako sa tawag na yan pero wala na akong magagawa. Bruha ang tawag sakin ni kuya kong hindi namin kasama si papa. Gusto kasi ni papa na laging pormal simula pa nong bata kami. Andaming bawal.
Bawal maglaro baka madapa at masugatan, bawal mag attend sa fiestas baka raw may mangyaring gulo at madamay kami, bawal magabihan sa pag uwi. Kahit sa school bawal sumali ng mga sports para raw maaga makauwi , bawal dumaan sa kung saan-saang bahay, para daw masiguradong di nagboboyfriend o nag-ge-girlfriend, blah-blah -blah . Siguro kung wala akong kuya matagal na akong nawala sa sarili because of may prison life.
" At ikaw naman ay si Mr. Pangit" sabay tawa. Nagsimula si kuyang tawagin akong bruha ng pumunta kami ng mall, nakalimutan ko kasing magsuklay dahil sa pagmamadali na baka mahuli ni papa, yun tuloy mukha akong bruha sa loob ng mall at nagkataon patalagang naiwan ko ang aking suklay sa kwarto sa harapan ng salamin. Nakakahiya talaga.
Ako naman ay nagsimulang tawagin siyang pangit nong nanliligaw siya sa nagustuhan nyang babae at binasted siya nito. Tinanong niya kasi sakin kung bakit siya binasted at ano ba daw ang problema sa kanya? Ang sagot ko naman ay ' Baka pangit ka kuya?' mula non yun na ang tawagan namin sa isa't-isa.
Di naman pangit si kuya marami ngang nagkakagusto dyan hanggang ngayon kaso binabaliwala niya lang pero yun nga one naisipan niyang manligaw. Dahil first time niya ay di gaanong maayos kaya yun nabasted, nasubrahan kasi sa daldal at wala rin siyang time na naibibigay dun sa girl kasi si papa kasi andaming bawal....
__________________________
Katulad ng lagi naming ginagawa ay pumunta kami sa CARNIVAL at sumakay ng iba't-ibang rides katulad ng Periswheel , octopus ,horror train at iba pa. Pagkatapos ay pumunta ng mall upang bumili ng mga gamit, para sa pasukan bukas at umuwi.
Masaya ako at bumalik na yung kilala kong kuya.
Pumasok na ako ng kwarto , I take my bath, drink my beloved milk na laging dinadala ni Ate Brithamea ang maid namin na parang kapatid ko na. I brush my teeth , pagkatapos ay agad humiga sa kama.
Exited na akong pumasok bukas . Excited na akong bumalik sa mundo ko.
---------------------------------------
Trivia and fact
Having siblings is proven to help socialization with peers.Amazing-fun-facts.blogspot.com
_____________________________
A/N
Its free to put some comments, reactions and most of all suggestions. Malay nyo pwede ko pala idagdag ang mga suggestion nyo para sa next chapter ....
Thanks for reading :-)...
BINABASA MO ANG
DANGEROUS US
RandomThis is an 'IMMORTAL LESBIAN STORY'. Tungkol sa pagmamahalang alam ng karamihang bawal dahil sisira daw sayong buhay. Sinubukang pigilan ngunit nabego. Sinubukang labanan ngunit nadapa. Lahat naguguluhan di Alam kung paniniwalaan o paghihinalaan. It...