15. SURPRISES

114 6 0
                                    

KENZIE's POV

Kararating ko lang dito sa simbahan. Humanap ako ng magandang pwesto kung saan kitang-kita ang harap. Nang makaupo ay biglang nag buzz ang CP ko. I type my password then go to may messages.

' Nandito na kami. Describe mo suot mo para mahanap kita.' -Jasmine

Yes, yah. Kinuha ko no. ni Jasmine at ganon rin siya sakin. Gusto niya kasing mapanood yung movie na nabanggit niya na tanda kong meron ako sa bahay.

'Wait. What? Kami? Sino kasama mo?' -ME

'Mama and Papa. Sige na describe mo suot mo, Dali!!!!' -Jasmine

'Sabi niya busy ngayong linggo mama at papa niya? Hmmm?'

'Fine! Pink hoodie and black pedal, don't forget the red headset.' -Me

' K. Coming ^_^' - Jasmine.

Lumingon ako at nakita ko agad na papalapit na siya. Ngumiti ako then I squinted my eyes. Kinaklaro ko kung sino yung sumusunod sa kanya.

'Yun ata mama niya, eh asan yung papa niya?' When our eyes meet I immediately turn around and sit properly cause the speaker started.

'Si dad at kuya ay maagang umalis papuntang companya. But kuya leave a note. Nakapaloob dun na di daw siya makakasama kasi nagka kunting problema sa isa sa mga companya. But I know they can handle it, si papa pa. At si ate Britha naman ay umuwi sa pamilya niya. Ako lang isa mamaya sa bahay. (Huhuhu)'

'Nakaupo na ngayon si Jasmine sa tabi ko kasunod ang isang babae. Hmm? Hindi naman siya mukhang mama ni Jasmine? Parang ate niya lang ata?'

Kinalabit ko siya para maagaw ang atensyon niya nang lumingon siya. "Mama mo?" Nagtataka kong tanong. Ngumiti siya. "Nope, hehehe nagsinungaling ako. Actually di ko kasama si mama at papa. Ang kasama ko ay si ate Trish and..." Napahinto siya at tumingin sa kung sinong nakatayo sa likuran ko.

"Akala ko ganon na ako ka late." Napalingon ako sa familiar na boses na yun. Nanlaki ang mga mata ko. Guess who? I think you know who she is.

"Medyo late kana nga, Carol." Natatawang sambit ni Jasmine habang pumepwesto si Line este Caroline, tsk what ever. Umupo siya sa gitna namin ni Jasmine. What, really?! Pinaurong niya si Jasmine para dito umupo.

Ngumiti siya kay Jasmine. "Uhm. Carol, Kenzie si at Trish nga pala." Kumaway samin yung ate Trish. Ganon rin ako at si Line, 'ay di Caroline. Tsk ano ba Kenzie!' Pansin kung nanigas si Caroline at pansin ko ring dahan-dahan siyang lumingon. When our eyes meet. Kita ko ang kaba at... halong takot?Agad ko namang binale ang atensyon sa harapan.

'Yan kasi tuloy-tuloy di man lang marunong lumingon.' I rolled my eyes. Di ko nalang pinansin ang reaksyon niya at nakinig na lamang.

_________

Malapit na matapos ang misa... 'Naks Our Father na.' Hinawakan ni Jasmine ang kamay ni Caroline at nong ate niya. 'I think I have to do it by my own.' Pinaghawak ko na ang kamay ko na para bang tinatangkad ng buong-buo ang biyaya ng diyos.

Tumingin na sa lyrics na gina project nong projector. Sisimula na sana akong kumanta nang biglang hawakan ni Caroline ang kamay ko. Lumingon ako sa kanya. Gulat na gulat. 'What the? How... How would it be?' Tiningnan ako ni Jasmine at ngumiti.

'Pinilit ba siya ni Jasmine?' Tiningnan ko ang kamay namin ng mapansing nilalamig at nanginginig siya. "Kumanta ka na." Seryosong sambit niya. Agad ko namang ibinalik ang atensyon sa lyrics.

DANGEROUS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon