9.CONTINUATION

194 8 0
                                    

THEODORE's POV

"Salamat." Sambit nito at tumalikod sa lahat. Nang may maalalang kung ano ay agad siyang luminghon. Kumulay ng kulay orange ang mga mata niya, lumabas ang mga pangil ng bampira at buntot ng lobo, tumulis rin ang mga kuko niya. "Patawad sa nagawa ko. Hindi ko kayo kilala, wala akong naaalala. Hindi ko alam kung anong meron sa katawan ko kanina. Ang gusto ko lamang ay mapunan ito. Blanko ako at ang tanging alam ko lang ay ang pangalan kong Bernice" Naglaho siya ng parang bola.

Nang mawala ang babae ay agad nang bumalik sa sarili ang mga Hunerior. Walang nakakaalam sa nangyari kundi ang mga strotirior lamang.

The End

Matapos ang pangyayaring iyon ay wala nang balitang nakita pa uli si Bernice. Ngunit may bali-balita paring may nawawalang mga hunerior at ang tanging pinaghihinalaang pumatay nito ay siya.

At nabawasan na rin ng membro ang HUNERIOR. Nagdisesyong umalis ang iba upang magtago. Ang iba naman ay sinisi ang mga strotirior sa nangyari at umalis ng may galit, kabilang na rito yung pamilya nong 5 namatay.

Sampong taon pagkatapos nong insidente ay muling nabuhay ang bagong pinuno ng mga bampira si Sakaraya.

Napagdesisyonan ni Soonkyu na wag nang idamay ang mga tao sa laban nila dun sa mga galit at nagtaksil kaya sa tulong nang bagong pinunong bampira ay henypnotize nila lahat ng taong nakakaalam para sa kapakanan nila.

Lagi rin silang naghahanda para sa laban kung babalik man si Bernice at kung nagtatangkang maghigante ang mga umalis na hunerior.

Maraming naririnig na sabi-sabi si Sakaraya sa mga kauring umalis. Kaya di nagtagal ay narumihan na rin ang pag-iisip nito at tuluyang kumampi. Nag tayo at patuloy na nagpapalakas ng hukbo para kalabanin at patayin yung dalaga.

Nagplano rin si Sakaraya na kung mapapatay nila ang dalaga ay isusunod nila ang HUNERIOR para sila na ang maghari sa sangkatauhan at hindi si Soonkyu o isang Stytotian.

Nagdaan pa ang mga taon at tuluyan nang napalitan ang mga STROTIRIOR. Hindi katulad ng mga normal na immortal ay may hangganan ang mga buhay ng isang Strotirior. 1000 na taon ng pamumuno saka magpapaalam.

Ang kasalukuyang Strotirior sa panahon ngayon ay ako sa lobo, si Kian sa mga mangkukulam at ang hari ng lahat o pinuno ng Skytotian ay si Mavis.

Noong November 5 1999 ay nabalitaan namin na nakita raw ang bangkay nong dalaga sa isang kadamuhan.

Kinabukasan ay dinala ito ng nakakita na isa ring Hunerior sa lugar namin at napatunayan ngang yun ang dalaga. Ganon pa rin ang kanyang pagmumukha ngunit kulay maliwanag na pula ang kulay ng kanyang buhok, yun ang pinagtataka namin dahil hindi ito fake kundi tunay.

DANGEROUS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon