KENZIE's POV
9:16PM na nang magising kami. Kaya naisipan nalang nilang mag sleepover. Tutal may mga dala naman silang damit pantulog at para sa klase bukas. Tinawagan na rin nila ang mga parents nila para magpaalam at pinayagan naman sila. Sayang wala si kuya di ko mapapakilala sa kanya si Jasmine. Nagpatuloy kami sa panonood ng movie.
Ipinatuloy rin nila ang pag-iinom. Tsk. Mga lasingga. Di nagtagal ay inantok na si Sam. Kaya natulog na siya. Sunod si Line. Grabe ano bang meron sa tao na to at halos makaubos na ng isang case ng beer eh hindi parin natutumba. Umiinom siya habang Nanonood ng Avengers: Infinity War. Ako naman ayaw ko pang matulog baka kasi kung ano-anong gawin niya kung walang mag babantay. Kaya naisipan kong hintayin na lang siya.
Natapos na ang napakabitin na movie . Nakakainis! Bakit namatay sila spiderman at bakit natira sila Thor? Anong meron sa mga natira at wala sa mga namatay? Tsk kainis naman oh, BITIN!!! Hindi na ako makapaghintay para sa part 2. Napahinto ako sa iniisip ng may bigla akong marinig na umiiyak. Si Jasmine, umiiyak. Bakit? Para malaman eh pinakinggan ko ang pinagsasasabi niya.
"Bakit ganon? Alam mo bang gustong-gusto kita spiderman? Bat ka namatay? Magbabayad kang damuhong, malaking unggoy ka papatayin kita. Wala kang karapatang saktan ang mga hero ng buhay ko." Saad niya at patuloy parin sa pag-iyak. Di ko naman napigilang matawa. Lumakad na ako palapit sa TV at pinatay na ito. "Hey! Papatayin ko pa yung bwesit na pangit na unggoy!" Sigaw niya sakin. Hindi parin maalis ang ngiti sa mukha ko habang siya naman ay umiiyak sa walang kwentang dahilan.
Di ako umimik. Lumapit ako sa kanya nilagay ang kamay niya sa batok ko at hinawakan ang biwang niya. Ayaw kong hinahawakan ang ganitong parte ng katawan ng isang tao kaso wala akong magagawa. Masyado siyang malikot. "Sabihin mo sakin tutulungan mo akong patayin yung damuhong pangit. Please?" Naiiyak na pakiusap niya.
Tumango ako. "Oo papatayin natin yung damuhong pangit pero ngayon ay matulog ka muna para lumakas ka lalo. OK?" Tumango naman siya. Hiniga ko na siya sa kama. No choice ako kundi itabi siya sakin. Wala na kasing bakante. Alangan namang patulugin ko siya sa labas?
I look at the clock. It's now 12:37am. I turn off the lamp at tanggal ng eyeglasses ko at humiga. Mahimbing na ang pagkakatulog ko ng marinig kong may nagsasalita sa tabi ko. Nagising ako tiningnan ang oras. Ngayon ay 1:29am. "Alam mo Ken mahal na mahal talaga kita. Bakit mo ako iniwan huh? Sabi mo liligawan mo ako . Sabi mo---" I cut her off.
"Shh-shh-shh." Niyakap ko siya. Kahit walang ilaw ay kita ko parin ang umiiyak na si Jasmine dahil sa sikat ng buwan na pumapasok sa bintana. "Sino ba yang Ken nayan?" Tanong ko sabay kalas sa pagkakayakap at tiningnan siya. Nagulat ako ng bigla niya hawakan ang pisngi ko. "Alam mo bang miss na miss na kita? Yang labi mong kaisa lang nakalapat sakin eh namimiss ko narin."
Patuloy naman siya sa pag-iyak. "I love you Ken." She pull my face then kiss me. Oh my gosh. She... She... She kiss me. She's my first. All this years I'm looking forward that my first kiss would be romantic but with a boy not with a girl. JASMINE!!!!!! What did you do!!!!!!
She pulled away and smile then rolled to face the other side and sleep. Now. Pano ako makakatulog sa nangyaring iyon at pano ko siya haharapin bukas sa nangyaring iyon?
_________
It's almost 3 weeks ago when the kiss thing happened. 3weeks na pag-iiwas sa kanya. Tanong siya ng tanong sakin kung may problema ba. Lagi naman ako nakakahanap ng dahilan. Sinasabe ko minsan wala ako sa mood o may practice kaya wala akong time makipag bonding sa kanya o tumawag si kuya at pinaalam sakin na nagkaproblema ang kompanya kahit di naman totoo. Kung ano-ano nang dinahilan ko makuha ko lang ang space na hinihingi ng sarili ko kaso di ko magawang maiwasan siya kahit isang araw lang siguro sapat na. Pero anong magagawa ko e roommate ko siya.
BINABASA MO ANG
DANGEROUS US
РазноеThis is an 'IMMORTAL LESBIAN STORY'. Tungkol sa pagmamahalang alam ng karamihang bawal dahil sisira daw sayong buhay. Sinubukang pigilan ngunit nabego. Sinubukang labanan ngunit nadapa. Lahat naguguluhan di Alam kung paniniwalaan o paghihinalaan. It...