23. STORY OF MY LIFE

106 5 1
                                    

KENZIE's POV

Dahil sabado ngayon, walang pasok. Napag-isip-isipan kong I tour si Jasmine dito sa Balpreatch. Kasi naman eh, alam niya ang history nitong Balpreatch kaso hindi niya naman alam ang bawat lugar dito. Imagine she's 2 and a half months here living but she just know 4 places: their house, school, mall and bar.

"Bilisan mo naman Kenzie oh." Pakiusap niya. "Ata't na ata't naman to oh. Teka lang Mine!!!'?" Nakaupo siya ngayon sa sofa at nanonood ng napakagandang palabas ang Despicable Me. I really love minions.

Ako naman ay nagbibihis sa harapan ng aparador. "Wag kanang manood. Bilis!" Sermon niya. "Kanina mo pa ako sinisigawan. Baka nakakalimutan mong ako ang nag-aya?" Tanong ko. "So?" Saad niya. 'Hinahamon mo ako huh?'

"So? Hahaha. Really? Hmmp pwede ko lang naman e cancel tong tour nato, if I want." I said calmly. "Ayy,grabe siya. Sige na magbihis kana dyan. Ok lang rin sakin na tapusin tong movie na to. Hihintayin kita. Take your time." Sabay higa sa kama.

Ngumiti ako. 'Yun lang naman pala ang kailangan.' Hindi na ako nagdalawang isip. Hinintay kong matapos ang movie. Tawa lang ako ng tawa samantalang siya naman ay nakasimungot. Sa tuwing titingin ako sa kanya ay ngumingiti siya pero halata namang fake.

Sa wakas natapos ko rin ito. Lagi kasi sa tuwing manonood na ako ay aayain niya akong lumabas para bumili ng kung ano, minsan kinakausap niya ako para lang mawala ang atensyon sa pinapanood o ang mas malala ay ang utusan akong gumawa ng assignment at project namin.

"Hay, salamat. Ngayon pwede na ba tayong umalis?" Tanong niya. "Hindi." Saad ko. Agad namang kumunot ang noo niya at tumayo kaso napigilan ko. "Oo na, pwede na Mine." Saad ko at tumawa.

She clenched her jaw. "Sabi kong wag na wag mo akong tatawaging Mine eh!" Sigaw niya. Tinaas ko ang dalawang kamay ko. "Ok po mama." Pang-aasar ko, sabay takbo palabas.

Hinabol niya ako but i immediately close the door. She groan when I did it. Tumawa lang ako. Balak kung ikulong siya at paglaruan pa kaso naisip kung matatagalan kami. Tumingin ako sa ground habang hinihintay siyang lumabas. Handa na rin ako sa mga gagawin niya sakin.

Nang bumukas ang pinto ay agad akong humarap sa kanya ng may ngiti sa pagmumukha. Kita ang galit sa kanyang mga mata, lumapit siya sakin kaya hinanda ko ang mga kamay para ipangharang sa atake niya. But she didn't do anything.

"Hali kana. I-tour mo na ako." Ngumiti siya pero parang may something? 'What a mess? Kinakabahan tuloy ako.' Tumango ako at sumunod sa kanya.
_______

Una ko siyang dinala sa park. Kung saan may playground. "Bat mo ko dinala dito? May playground naman sa school eh." Tanong niya. "Kasi mas tahimik dito at wala halos tao." Paliwanag ko.

"Big deal sayo ang playground na ito ano?" Tanong niya uli. Tumango ako. "Dito ko nakilala si Line." Saad ko.

Umupo kami sa swing. "Pwede malaman kung pano?" Tanong niya nanaman. "Hapon na nun ng mapagdesisyonan namin ni kuya na tumakas. B-Day ko kasi nong mga araw na iyon kaso kami lang ni kuya ang nagdiwang. Nakalimutan kasi ni papa, as always. Dito rin ako nakaupo noon at dyan si kuya." Tinuro ko ang sa kanya.

"Kaso may tumawag sa kanya at di ko kilala, pero alam kong girlfriend niya kasi babe ang tawag niya dito. Nagpaalam siya, sandali lang daw syang mawawala at wag daw akong aalis dito. Naghitay ako mahigit kalahating oras kaso iba ang dumating. Grupo ng mga batang kasing edad ko lang. Halatang puro matatapang, feeler, mapang-api at ako ang napagtripan." Tumingin ako sa kanya at siya rin sakin.

I do a side smile. "Lumapit sakin yung nangunguna sa kanila at tinulak ako. Napahiga ako sa lakas ng pagkakatulak. 'Hey weirdo, why are you alone? Oh, maybe your friends didn't want you.' Saad nong medyo brown and curly hair at tumawa sila. Tumayo ako at nagpapag. Kaso tinulak niya ako uli.

DANGEROUS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon