16.PROBLEM

112 6 0
                                    

TRISHA's POV

"Bunso, sa tingin mo may pinagtaluhan yung dalawa dati?" Tanong ko. "Opo ate. Sabi kasi sakin ni Kenzie nong friday na dati raw po silang mag best friend kaso may sumira."

Kita sa mukha niya ang pag-aalala. "Di niya sinabe kung sino iyon?" Umiling-iling siya. "Wag kanang mag-alala. Alam kong kung ano man ang Napag-awayan nila ay lilipas din yan. Basta ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo." Nasabi niya kasi saking ginagawa at gagawin niya ang lahat mapagbati lang yung dalawa.

Ngumiti siya. "Sa tingin mo ate may pag-asa pang magkaayos uli siya?" Hinawakan ko ang kamay niya. "Oo naman, ikaw pa. Kaya mo yan at alam kong magagawa mong pagbatiin yung dalawa. Kaso mahihirapan ka nga lang. Basta bunso try your." Ngumiti ako at ganon rin siya.

____________

Tulak-tulak ko ang cart at si Jasmine naman ay naglalakad kasabay ko. Papunta kami sa Waiting Area nitong market. Hinanap namin yung dalawa kaso wala dito.

"Asan na sila?" Tanong ni Jasmine. I shrug. "Tawagan mo kaya bunso." Sabay turo sa cellphone na hawak-hawak niya.

Nag-dial na siya at agad naman itong sinagot . "Kenzie, asan na kayo? Tapos na kami." Naiiritang sambit niya. Di ko marinig ang sagot ni Kenzie kasi di naka loudspeaker. "Ok, bye." Sambit niya sabay end call.

"Ano daw?" Tanong ko. "Bababa na daw po sila." Sagot niya. "Magkasama silang dalawa?" Tumango siya at ngumiti. "Woah mukhang nagtatagumpay kana ah." Nakangiting puri ko. Tumango-tango siya.

"Oo, nga ate eh. Mas lalo tuloy lumakas ang loob ko na ipagpatuloy ang ginagawa ko. Sana nga lang talaga magtagumpay ako." Nagsisimula nanaman mawala ang tuwa sa mukha niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Basta nandito lang ako. Kung may kailangan ka eh pwede mo akong lapitan. Tutulungan kita bunso kung kaya ko." Tumango siya at ngumiti.

"Ayan na ata sila." Sambit ko nang makita sila sa loob ng kakabukas na elevator. Tiningnan ko si Jasmine na ngayon ay nakalagay ang dalawang kamay sa biwang na para bang strict. Hehehe. Lagi niya talaga yang ginagawa. Kahit sakin at sa mama at papa niya.

"Bat niyo kami iniwan hah? Diba sabi niyo dito lang kayo, KAYO maghihintay. Hindi kami." Ngumiti ako dun sa naging reaksyon niya. Yung ibang tao sa paligid ay nakatingin na ngayon samin.

Kahit kelan masyado talaga siyang bossy. Dahil dyan ay hindi halata ang dating nangyari. "Ask Kenzie." Sabay turo nong babaeng medyo blonde ang buhok na may Pure black iris. Maganda siya at pormal, pansin ko kasi kung pano siya makipag-usap sa iba.

I think her name was Caroline. Kung hindi ako nagkakamali."Teka lang. Bakit ako? Kasalanan ko bang madali akong ma bored? At isa pa sumama ka sakin, kaya may kasalanan ka rin." Napakamot ako sa ulo. 'Ahahaha. Nagtatalo nanaman ba sila? Lagi ba silang ganito, kahit nong mag best friend pa sila?'

Kanina rin nong ginigising namin si Bunso. Pinapagalitan nong Caroline si Kenzie. 'Kung hindi niya daw yun ginawa eh hindi sila mahihirapang gisingin ang tulog mantika na si Jasmine. Hays sa lahat nalang ba?'

Mas lalong nainis si Jasmine. "Ahhh. Ewan ko sa inyong dalawa. Bakit di niyo nalang kasi amining kasalanan niyo?" Seryoso niyang sambit. Natawa ang dalawa. "Kaya nga Kenzie bakit di ka nalang umamin?" Mayabang at taas noo niyang sambit.

"Ako? Di ko nga kasalanan!" Napakamot sa pisngi si Jasmine. 'Naku, masama ito.' Ginagawa niya lang kasi yan pag punong-puno na siya. "Ahhh! Tumahimik nga kayo! Ikaw Kenzie lagi mo nalang dini deny ang kasalanan mo. Nakakainis!" Ngumiti si Caroline at halatang natatawa.

"At ikaw naman Caroline. Pinapasa mo lahat ng kasalanan mo sa iba kahit alam mong may mali ka rin naman. May problema ka pero tinatago mo. Alam kong may problema kayo sa isa't-isa pero di man lang kayo nagbalak mag-usap? Alam kong nahihirapan kayo at siguro di ko alam ang nararamdaman niyo pero nahihirapan din ako!" At yun na nga nailabas niya na.

DANGEROUS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon