21. THE GAME

108 5 0
                                    

JASMINE's POV

"Diba ngayong Friday na ang War of Athletes?" Umupo ako sa kama at patuloy pa rin sa pagpapatuyo ng buhok. "Oo, kaya panay ang insayo namin. Nakakapagod, parang gusto ko na ngalang mag quit." Sagot niya habang nakapikit ang mga mata at nakahiga sa kama. "Nanaman? Sabi ko na ngang hindi mo pwedeng gawin yan. Ikaw ang Captain nang team. Umaasa silang lahat sayo." Paliwanag ko.

"Fine. Matutulog na ako. Maaga pa ang practice bukas. Good night." Tinanggal niya na ang eyeglasses at tumalikod na sakin. "Hindi ka man lang muna maliligo?" Tanong ko. "Bukas nalang. Pagod na pagod na talaga ako." Inaantok niyang saad.

Kawawa naman tong kaibigan ko. Mahirap talagang maging captain nang team. Kahit si Carol abala na rin. Sana manalo sila.
________

"Go! Go! Go! Go! Jaguar! Go Jaguar! Your the best so no turning back just accept that you made it! Go! Go! Go! Jaguar!" Sigaw nang mga cheerleaders nang pumasok ang grupo ng mga senior ang grupo nila Kenzie. Kumaway ako kay Carol nang makita kong nakatingin siya sakin. Ngumiti siya bilang balik.

"Sigurado na ang panalo. Halata namang hindi magpapatalo si ice queen eh." Saad nong nasa likuran ko na lalaki. "Kenzie, your fucking amazing!" Sigaw naman nong lalaking nasa bandang kaliwa mga limang tao mula sakin siya nakaupo.

"Sigurado na ang panalo!" Sigaw ng katabing babae nito." Go Kenzie! Go Jaguar!" Lahat naghihiyawan na mananalo talaga ang Jaguar laban sa Cobra.

Cobra ang pangalan ng grupo ng mga grade 9. Kahit mas matatanda or mas matured na kami eh masasabi kong di naman ganon kalayo ang lamang na posible ring manalo ang Team Cobra kesa Team Jaguar. Pero malay ko ba dyan. Hindi ako makahusga nang maayos kasi ngayon ko palang sila makikitang lalaban.

Nagsimula na ang laban nong una at pangalawang quarter eh masasabi mong tahimik ang pwesto ng Jaguar supporters. Kahit nga nakakapuntos ang Jaguar eh parang baliwala lang sa kanila. Sumisigaw naman sila kaso minsan nga lang.

Panalo ang Jaguar sa first Quarter pero second nalamangan na. Kaya naisipang ipasok ng coach si Kenzie. Kakaapak niya palang sa court e panay na ang sigawan. Biglang umingay ang court. Nagtuloy-tuloy narin ang pagbuhos nang mga puntos sa kanila. At hindi nga nasayang ang pagod niya, nanalo sila sa 2nd and 3rd Quarter. Ngunit di pa dun nagtatapos dahil kailangan pa nilang kalabanin ang Grade 10 o Team Spiders na nanalo rin laban sa grade 8 o team Shark.

_________

Nang matapos ang laro ay agad akong bumaba sa kinauupuan para lapitan si Kenzie. Kaso naunahan ako nong bruha. "Nice game, babe." Then she immediately leaned in and kiss Kenzie on her cheek. She then look at me and smirk. I clenched my jaw and rolled my eyes.

She looks back at Kenzie."Thanks. Now I have to go." Sagot ni Kenzie at aalis na sana. "Wait." Pigil niya sabay yakap. Tiningnan niya uli ako na para bang nang hahamon. "Nice flirting." Saad ko pero di ko nilaksan sinigurado ko lang na naintidihan niya ang sinabi ko. She just still look at me and shrug.

I immediately turn around and started walk away. 'Shut up hypothalamus. I don't like Kenzie and I already promise that I will never be inlove with someone and also not a girl. So please, please shut up.'

Magmula nong hinalikan ko siya nong gabing nalasing ako e hindi na mawala sa isip ko kung gano kasaya sa pakiramdam ang halik na iyon. Oo naaalala ko ang tungkol dun. Hindi naman kasi totoong pagnalasing ka at nagising kinabukasan e wala kang maaalala sa mga pinanggagagawa mo. Ang totoo ay papasok lahat nang yan at pagsisisihan mo ang nagawa mong kapalpakan. Kung meron man. Kaya if you don't want to regret something don't let alcohol control you.

BTW. Kaya ko lang naman kasi siya himalikan e dahil nakita ko sa kanya ang mukha ni Ken e hindi naman pala yun si Ken si KENzie naman pala. Magmula nun hindi na siya mawala sa isip ko, lalong-lalo na yung halik. Shit. Kaya nong nagmamatigas siyang bitawan ako at hinamong hindi ko siya kayang halikan eh di na ako nagdalawang isip na ituloy ang masamang balak.

DANGEROUS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon